Dear Diary: 2

17 0 0
                                    

Dear Diary....

Nalate ako pumasok dahil napuyat ako kagabi, marami kasi akong ginawang assignment kaya sa library ang bagsak ko. Napahiya nga ako sa mga classmates ko e. Pero nginitian ako ni Althea at nag thumbs up siya, na parang sinasabi niya 'Ok lang yan' at napangiti ako nun. Ang swerte ko, kasi mabait ang best friend ko at alam na alam niya kung paano pagaanin ang loob ko.

Habang naglalakad ako papunta ng library, expected ko na, na maraming ipapagawa saakin. At ayun nga yung nangyari.

As usual inutusan ako nung teacher na bantay sa library na dalhin ung ganto kay ganto.....

After ko magawa lahat, pinabalik narin ako sa class room

Buti nalang after ng first period, kaya nakabalik na ako sa room namin.

Kung galing ako sa library, madadaanan ko ang room ni Crush. Hindi kasi ako nadaan sa room niya, sa iba kasi ako dumaan. Nakakahiya kasi e, baka makita niya ako na papunta sa library dahil nalate ako sa first period. Syempre ayoko namang mapahiya kay Crush no... :|

Habang naglalakad ako, hindi mawala sakin ang pagka- kilig. Excited lang
-^__^-. Papalapit na ako sa room ni crush, isang liko nalang tanaw ko na ang room nila. Isang hakbang nalang nakaliko na ako. Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng pinigilan ko ito. Isang hakbang nlang... Isang hakbang nalang makikita ko na ang room ng crush ko, pero kinakabahan ako, na kinikilig, na excited na!!.

Ipinikit ko ang dalawang mata ko at humakbang. Matapos akong humakbang, iminulat ko na ang dalawang mata ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Si crush, si Crush ang una kong nakita.

Nakatayo siya sa tapat ng class room nila. Nakatingin lang siya sa loob ng class room nila. Siguro may nagawa siya kaya siya nakatayo sa labas.

Dug dug dug...
Dug dug dug...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kasali na sa car race ang puso ko, at mukhang yung puso ko pa ang mananalo sa kakarera.

Tanging ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Inhale, Exhale. Iminulat ko ang mata ko at sinimulang maglakad.

Naglakad lang ako na parang walang nangyayari. Tanging ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko habang naglalakad ako.

Dug dug dug
Dug dug dug
Dug dug dug

Siguro 5 hakbang nalang katabi ko na siya

Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti, tumili, magwala sa sobrang tuwa. Ngayon lang ito, ngayon lang ako makakalapit sa crush ko. Yun nga lang dadaanan ko lang siya. Pero ok lang, masaya naman ako e. -^__^-

Ito na..

Isang hakbang nalang

Dug dug dug
Dug dug dug

Ito na, naglalakad na ako sa tapat niya. Ang bango niya. Ang gwapo talaga niya. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko.

Nalagpasan ko na siya. Muli akong pumikit at huminga ng malalim habang naglalakad. Inhale, Exhale. At dinilat ko na ang mata ko habang naglalakad

Nagawa ko! Nagawa ko! Napigilan ko ang sarili ko!

Ang saya saya ko!!! -^__^-

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta na ako sa class room.

Nang recess time na, I kinuwento ko lahat ng nangyari kay Althea habang kumakain ng lunch sa table namin, kung saan ko nakita si Crush (1st Chapter). Si bestfriend naman, masayang masaya para saakin. Tawa nga siya ng tawa e, kinikilig siguro siya

Ang saya saya ko habang ikinukwento ko iyon sakanya.

Nagmamahal,
Carisse

Hi Crush!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin