Naaalala ko pa iyong unang pagkikita natin
Ang mga gabing tayo'y humihiling sa mga bituin
Kamay natin ay magkahawak habang nagpaplano ng ating kinabukasan
Ikaw ba, naaalala mo pa?
Ang mga bagay na sabi mo ay gagawin natin
mga bagay na hindi na natin nagawa..Naaalala ko ang unang away natin
Ang matatamis na mga salitang iyong binibitiwan
Ang mga haplos ng iyong kamay sa mga pisngi kong luhaan
Ikaw ba... naaalala mo pa?
Ang mga kahapong tayo'y masayang nangangarap
Ang mga kahapong pangarap natin ay naging pangarap na lamang..Naaalala ko pa ang iyong paglisan
Puso ko'y nawasak..
Pisngi ko ay luhaan..
Pangarap ko'y nasira..
Bakit kailangan mong lumisan?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit ngayon pang hulog na hulog na ako?Naaalala ko pa..
Ang unang beses nagtama ang ating mga mata..
Ako ba naaalala mo pa?