Chapter 102: With A Silencer

290 25 53
                                    

January 30, 2049
4:21 AM

Status: In-Game
In-Game Time: 11:21 AM
Location: Zeimhasphire, The Steadfast Castle of the Brave, Phlavamoian Plains, Cavermerrow Province, Country Continent of Axis

[Lucas Galileo]

Lumapit si Conrad sa shelf at binuksan ang scroll na hawak niya, saka binasa ang mga nilalaman nito. "This is the Vision of Nyagaxia, the First Scroll from The Thousand Prophecies About the End... of Leimhyark."

End of Leimhyark? What is this? Ang hinahanap lang namin ay kasagutan kung totoo nga ang prophecy ni Nyagaxia at kung merong kumpletong mga detalye tungkol do'n. But we stumbled on something bigger; a prophecy about the End of Leimhyark. Natulala lang ako nang basahin ni Conrad ang nasa ibabaw ng scroll na hawak niya.

"End of Leimhyark?" nalilito kong tanong. "And that shelf says...apocalypse."

"I don't know why these things are written here." binaba ng Wraith ang scroll at umiling. "Pero, totoo ang sinabi ni Nagathom tungkol sa mga demons na magi-invade sa Leimhyark. Pero kulang ang sinabi niya. Hindi niya sinabi kung ano 'yong kumpletong title no'ng prophecy. It might be an error sa script niya, pero hindi naman aksidente na kulang ang sinabi niya. It's either sinadya niyang tanggalin at magfocus lang sa isang part, o kulang ang details na meron siya."

I shook my head to calm myself. It's because my thoughts were already overflowing from thinking too much about the future; like the game being shut down because of an extinction-level event like this so-called apocalypse, or everything being wiped out inside the game, inside Leimhyark. Calm down Lucas. I thought to myself.

"Okay. Ang sabi ay...A Thousand Prophecies About the End of Leimhyark. Lahat ng nasa shelf na 'yan, ilang libong prophecies ang nandyan? Literal ba na isang libo talaga?" I asked, slowly levitating towards Conrad while carrying Koji.

Ang buong akala ko rin kasi, isa lang ang prophecy at iilang signs lang ang ipinakita. Pero ayon kay Conrad, first scroll pa lang pala iyon mula sa ilang libong prophecies, kung literal nga na gano'n kadami. Kung tutuusin, sobrang laki nga ng shelf na nasa harapan naming tatlo. Tatlong beses itong mas malaki kumpara sa iba pang mga shelf na nandito sa Library. Maybe all one thousand prophecies are here.

"Hindi ako sigurado." he turned to me, still holding the scroll with both hands. "Ang nakalagay lang kasi ay first scroll. Hindi ko pa nakikita kung nandito lahat ng prophecies."

Binitawan ko si Koji at lumutang naman siya paalis, papunta sa kabilang parte ng shelf para tingnan ang iba pang mga libro at scrolls na nandoon. Tinabihan ko si Conrad at tumingala. "Saan mo nakuha 'yang scroll?"

He pointed at the topmost left corner of the shelf. "Do'n. Sa kaliwa."

"Let's check first kung may iba pang mga scrolls na kasunod niyan." I flew to the topmost shelf and Conrad followed me.

Kinuha ko ang scroll na nakatabi sa espasyo kung saan kinuha ni Conrad ang una. I unrolled the scroll and read its title. Kumunot ang noo ko nang makita ang nasa ibabaw ng scroll.

"This is the Vision of Nyagaxia, the Second scroll from The Thousand Prophecies About the End of Leimhyark." I read the title and looked at Conrad. "May kasunod. Ito 'yong second scroll."

"Check natin 'yong iba." he said and rummaged through the other scrolls that were beside the space where I got the second one.

Inipit niya sa braso ang unang scroll na hawak niya kanina, at binasa ang laman ng pangatlong scroll. "This is the Vision of Nyagaxia, the Third Scroll from The Thousand Prophecies About the End of Leimhyark.""

Just A HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon