Broken Promises

2 1 0
                                    

      Ako si Euricka Sanchez at ako ay 17 years old, grade 12 student na ako at ngayon may boyfriend ako na ang pangalan ay Nathan Lofranco kagaya ko ay grade 12 din siya at sa susunod na taon ay graduate namin.

         Ang pamilya ni Nathan ay may kaya, hindi naman sila mayaman hindi din sila naghihirap kung baga na sa tamang antas lang ng kanilang buhay. Legal na kami sa aming mga magulang at support naman sila sa amin, maswerte din ako kay Nathan mabait kasi siya. Kahit ang iba sinasabihan siya na strikto sa akin naman ay hindi siya ganon, matampuhin lang siya pero maalaga.

"Bhie, baka pag dating ng panahon maghanap ka ng bago ah." Nakangusong sambit ko dito. Nasa classroom kasi nila ako dito ako kumakain pag afternoon para lamang makasama siya, kinurot naman nito ang aking pisnge.

"Bakit naman ako maghahanap ng iba? Ikaw lang ang pinangarap ko kaya ikaw lang ang papakasalan ko." Nakangisi niyang sabi sa akin. Ngunit hindi talaga mawala sa isipan ko na ipagpalit niya ako gayong may pagkamaldita ako tapos mahirap pa suyoin.

"Baka nga maghanap ka ng iba dahil sa maldita ako." Muling tugon ko dito. Hinila niya naman ang upuan ko papalapit sa kaniya.

"Bhie huwag ka na nga mag overthink ikaw lang talaga ang babae na mamahalin ko," sabi nito. Kaya dahil sa mga ngiti niya ay napapangiti na din ako ang swerte ko talaga sa lalaking ito.

"Hoy tama na iyan nakakasakit na kayo sa mata!" Malakas na sigaw ng mga kaklase niya.

"Ako ninong sa kasal niyo ah!" Malakas na sigaw ng sir nila pati pa guro nila nakisali na din kaya napapatawa na lang kaming pareho.

            Paglipas ng mga panahon naging isang secret agent ako undercover ko ay pagiging doctor nakamit ko na ang mga pangarap ko, nakamit ko na ang minimithing position na ito. Nakamit ko ito habang siya ang iniisip ko, akala ko tutuparin niya ang mga pangako niya.

             Akala ko iba siya sa mga lalaki na nakarelasyon ko dati, akala ko maswerte ako dahil sa ako ang unang girlfriend niya, maalaga kasi siya at totoo nga sabi nila first love lang ako pero hindi ako ang true love.

"Agent Fross," tawag sa akin dahil ito ang code name ko. May tumatawag sa akin napangiti na lang ako ng palihim at nilingon ang lalaking akala ko dadalhin ako altar, ang lalaking mamahalin ako habang buhay iyon pala ay hindi.

"Yes?" tanong ko dito nakatingin lang ito sa akin pero tinignan ko lang ito ng malamig. Ni hindi ako tumayo para batiin siya, tumikh muna siya bago siya umupo.

"I heard you are a professional doctor." Paninimula niya habang ako ay nakikinig lang.

"And what do you want?" tanong ko dito.

"I want you to be the surgeon of my daughter," sabi niya sa akin. Doon lang ako napatingin sa kaniya at nakipagtitigan naman din sa akin ang baliw.

"I'll think about that," sabi ko. Pag-isipan mo talaga Euricka kung magiging surgeon ka makikita mo ang bunga ng pagtataksil niya sayo.

       Tumayo na ako at aalis na sana ng mapahinto ako dahil sa kaniyang sinabi.

"You've changed a lot," sabi nito. Mababakas sa kaniyang pananalita ang nasasaktan.

"Your the one who changed me and turn me into monster Mr. Lofranco." I said.

"Euricka—" Pinutol ko ang sasabihin pa nito. Nilingon ko ito.

"I'm not Euricka Mr. Lofranco, your dealing with Agent Fross and not Doctor Sanchez. I'll go ahead I'll just call you if I agree with your favor." Pagkatapos ko sabihin iyon ay umalis na ako.

         I'm not the one who turned to be like this your the one who turned me to be like this monster and yeah. Nathan Lofranco was now husband of my best friend. On that 4 years I've been away just to study the courses I want and to make sure our future to be better but then when I came back I bitterly smile when I got an invitation for their wedding. I'm the bride maids and I was the doctor when my best friend give birth to their daughter. That was so hurt and if I can back to the time I already did and just wish I never been with that relationship with him.

       Masakit kasi ang ginawa niya kung mababalik ko pa ang dating ako siguro sasabihin ko pasensya ka na self kasi hindi kita nagawang turuan ng tama sa mga desisyon mo, pero I'm proud of you dahil ang lakas mo eh. Sana ibalik mo na lang ako sa dating ako iyong walang pakialam sa buhay. Sana lang, kasi ang sakit eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon