Chapter 04

3 1 0
                                    

"How is it possible for me to fall for you?"


CALI

"Cali alam mo naman na yung lines natin hindi ba? Pwede naman tayo magpahinga after," sambit niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya.


"Sige lang, masyado na din namang mahaba yung practice natin eh," sambit ko sa kaniya.


"Punta muna ako canteen, meron ka bang gustong ipabili?" tanong niya. Napangiti naman ako sabay napailing-iling.


"Hindi okay lang ako, thanks Andrei," sambit ko sa kaniya. Agad naman siyang lumabas sa music room habang ako ay nakaupo lang sa couch at nag-aaral para sa next subject namin, meron kasi kaming quiz doon.

Napatigil ako nang biglang may bumukas ng pintuan. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko ang pamilyar na mukha.


"Ay sorry meron pa lang tao dito," sambit niya sa akin. Napangiti lang naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko na din naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.


"So ikaw yung taga-section three?" tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya dahil baka meron siyang ibang kausap pero nakita ko naman na sa akin lang siya nakatingin.


"Ah yes," sambit ko sa kaniya. Kilala ko na itong lalaking ito, ito yung laging kinukwento ni Sam. Yung lalaking nag-dump sa kaniya nung grade seven siya.


"What's your name?" tanong niya sa akin.


"Cali," sambit ko. Napatango-tango naman siya sabay umupo sa mataas na upuan.


"You know what your voice is great," compliment niya sa akin.


"Thanks," nakangiti kong sabi sabay nagpatuloy muli sa pagbabasa.


"So mukhang naku-kwento na ako sa 'yo ni Sam?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko sabay napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Friends kayo ni Sam, hindi ba?" tanong niya sa akin.


"By the way baka hindi ka naman interested sa kwento niya, I'm Nate," sambit niya sa akin. Napangiti lang naman ako sa akniya sabay napatango-tango.


"Sometimes nakukwento ka nga niya," sambit ko.


"Mhh, so kumusta ang kwento? Masama na ba ako sa paningin mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang meron sa kaniya at talagang makikipagkwentuhan siya sa akin about sa mga sinasabi ni Sam sa kaniya na para bang close na close na kaming dalawa.



"I don't know, I don't take sides naman in terms of those issues, besides hindi ko naman alam yung side mo. Well, hindi naman siguro masama mag-dump especially kung hindi mo talaga siya gusto," sambit ko sa kaniya. "But the problem is, kapag intentional mo siyang pinahulog sa 'yo and nung nahulog na siya tsaka mo siya aalisan, like you just did a damage through her life and hindi mo man lang pinandigan iyon," sambit ko sa kaniya.


"Ganon ba ang kwento niya?" tanong niya sa akin. "Well, hidni ko naman alam kung saan ba ako nagkamali doon? We're friends, and ganon ako mag-treat ng lahat ng kaibigan ko? Siya yung may kasalanan kung iba ang naging approach niya doon," sambit niya sa akin.


"Bakit mo ine-explain sa akin yung bagay na iyon? Wala naman akong paki doon, besides the damage was already done, kahit naman mag-explain ka wala ng magbabago," sambit ko sa kaniya.



"Well, I'm trying to give clear things sa part ko, baka kasi nagmukha na akong masama dahil sa kwento na iyon," sambit niya sa akin.


"Masyado ka namang defensive, if alam mo sa sarili mo na wala ka namang ginawa edi wala kang ginawa. Pero kung bumabagabag sa damdamin mo iyon why don't you clear things up kay Sam. Especially, masyado pa din atang sariwa sa kaniya yung sa inyong dalawa. Patunayan mo namang lalaki ka," sambit ko. Napatayo ako sa aking kinauupuan sabay naglakad palabas ng room.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon