Chapter 14

10 3 0
                                    


"The same person, I thought I forget..."

CALI

Napatingin lang ako kay Gabby habang busy siya sa ginagawa niya. Madaming pinagbago si Gabby, ewan ko ang haba ng panahon na hindi ko na siya nakita ever. Because after what happen to us kailangan ko pang mag-move forward, hindi ko nga alam kung paano niya nagawang tulungan pa ako kahit na ganon na ang nangyari sa kaniya. He even sent me in a psychiatrist by the help of Quin para lang mawala yung anxiety na nararamdaman ko.

"Are you sure you're, okay?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti.

"Gabby, okay lang ako and thanks sa pagtulong mo kanina but really hindi mo na dapat ginawa iyon." Dahil alam kong mapapahamak ka na naman kapag nakita tayo ng pamilya mo.

"Then ano'ng gusto mong gawin ko hayaan ka doon? I'm not like that Cali."


"Yeah that's why salamat, pero sana hindi na maulit ito. Ayaw ko ng makita ka Gabby, but really, I'm thankful sa ginawa mo. Pero aalis na din ako."

"Matagal na 'yon Cali." Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa bagay na iyon.

"Let's not meet each other Gabby, para walang gulo. Ayaw ko na din ng gulo." Napahinga ako nang malalim sabay naglakad palabas ng condo niya. Tama, ayaw ko na ng gulo lalo na ngayon na maganda na yung buhay niya, okay na din ako kaya bakit pa ako gagawa ng paraan para guluhin niya yung buhay ko hindi ba?

Bumaba ako sa condo unit niya para humanap ng masasakyan pero sakto naman na merong huminto sa harapan ko. Agad siyang lumabas ng sasakyan at doon ko siya nakita, nakasuot ng putong t-shirt, nakataas ang buhok at may salamin. Yeah it's him.

"Cali, what are you doing here?" tanong niya sa akin. Napangiti lang naman ako sa kaniya.

"Can I have a ride?" tanong ko.

Habang nagmamaneho siya nanatili lang akong nakatingin sa kawalan habang tinatahak niya ang mahabang kalsada ng taft.


"So ano'ng nangyari, sakto papunta sana ako ng MOA but nakita kita dito."

"Nakagulo pa ako sa 'yo, sorry Quin," sambit ko sa kaniya. Napalunok lang naman siya sabay napahinga nang malalim.

"No worries, mamaya ano pang mangyari sa 'yo eh, hatid na kita sa boarding house mo. Bakit ka ba nandito asaan sila Zei?" tanong niya sa akin."


"I don't know, may nangyari kasi kahapon eh and... we meet." Napatingin naman siya sa akin na gulong-gulo ang isip dahil sa sinabi ko.

"Who?"

"Si Gabby, nagkita ulit kami, doon mismo sa bar and hindi ko naman expected na siya pa mismo ang tutulong sa akin."

"What, so yung lugar kung saan kita nakita is doon yung lugar ni Gabby? Tangina seryoso ka ba? Nakita mo na naman yung lokong iyon? Sira ulo talaga." Napailing-iling lang siya habang nagpapatuloy sa pagmamaneho.

"Hindi ko naman din expected, the last time I meet him e doon sa province nila and doon pa yung nangyari yung bagay na ayaw ko namang mangyari," sambit ko sa kaniya.

"Yeah, we know, pero okay ka na hindi ba? Don't let him enter your life again Cali. Alam mo kung paano niya ginulo yung buhay mo. Alam mong gago iyon, tignan mo ang daming babae na nga ang na-meet ng loko, hindi na siya yung Gabby na nakilala mo noon, he changed a lot at hindi mo dapat pinanghihinayangan ang bagay na iyon.


"I know kaya nga sinabiko sa kaniya na ayaw ko na, na huwag na kaming magkita. Hindi ko naman alam na bumalik na pala siya sa Pilipinas eh, akala ko he still stays in Canada," sambit ko sa kaniya.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon