Chapter 17

6 3 0
                                    


"When love enters your life, there is no turning back."

CALI

NANATILI lang ako sa loob ng kuwarto ko after kumain, medjo nahihiya pa ako sa nangyari sa aming dalawa ni Gabby, parang hindi ko kayang tignan siya ng diretso lalo na't naalala ko yung mga nakita ko. I mean normal lang naman iyon sa lalaki kasi meron talaga silang ganon, nasa Science din iyon, pero kasi nakakahiya talaga na need ko pang tignan iyon.


"Ate, Ate labas ka jan!" sambit ni Jay. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtawag sa akin ni Jay. Tumayo naman ako sa king kama sabay pinagbuksan siya nang pinto.


"Bakit, ano'ng meron?" tanong ko sa ka niya.


"Tignan mo si Kuya Gabby siya yung nagluluto nung hapunan natin," bulong niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko din alam kung ano bang meron itong bwisit na kapatid na ito eh. Naging teenager na't lahat-lahat naging marites naman dahil sa pagkachismoso.


Pero meron akong naamoy na mabango, pakiramdam ko nagugutom tuloy ako. Sinundan ko yung amoy na iyon hanggang sa makababa ako. Nakita ko si Gabby na naka sando lang habang may suot na apron at siya mismo ang gumagalaw doon habang si Mama naman ay nakatingin lang.


"Ano bang course mo, Elvis?" tanong ni Mama sa kaniya.


"Political Science po, balak ko din po kasi mag-abogado eh," sambit niya kay Mama.


"Wow, paano kang natuto magluto ang galing ah kuhang-kuha yung bango ng amoy," sambit ni Mama sa kaniya. Napangiti lang naman si Gabby sa kaniya.


"Sabi ni Dad sa akin nung bata pa po ako, na dapat daw ang lalaki marunong magluto para sa magiging misis niya," sambit ni Gabby. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Seryoso ba talaga siya, talagang iyon yung sasabihin niya kay Mama? Sira ulo talaga, 22 pa lang naman gusto na talagang mag-asawa. Swerte naman ni Mikhaila.


"Swerte nang mapapangasawa mo pala," masayang sabi ni Mama.


"So swerte po pala yung anak ninyo?" biro niya kay Mama. Bigla naman akong napalunok nang marinig ko iyon. He caught me off guard.


"Swerte mo pala Ate eh," sambit ni Jay. Agad ko naman siyang binatukan dahil sa kaingayan niya pero huli na din kasi nakatingin na sila Mama at Gabby sa aming dalawa.


"Anjan pala kayo, ito nagluto na si Gabby yung favorite mo," sambit ni Mama sa akin. Napangiti naman ako sa kanila sabay naglakad papunta doon.


"Ano 'yan, bakit hindi ko naman maamoy yung bango?" pagsisinungaling ko, yung totoo talaga natatakam na ako sa amoy pa lang.


"Gusto mong tikman?"


"Sino?" tanong ko.


"Huh? Ano'ng sino? Sino'ng titikman mo?"


Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon