Chapter 6: Obsessive Childhood Friend
Written by CDLiNKPh
KINABUKASAN...
Tuwang-tuwang niyakap ni Saion si Nikki pagkakita nito sa babae. Hindi malaman ni Don Manuel kung maaawa ba siya kay Saion o hindi. Masyado itong sabik na sabik kay Nikki.Si Nikki naman ay hindi alam kung paanong kikilos. Naaasiwa siya sa yakap ni Saion pero hindi naman niya magawang itulak ito dahil sa hiya. Nasa harap kasi sila ng daddy niya at ni Senator Fortalejo.
Iniwan na sila nina Senator Fortalejo at ng Daddy niya sa sala. Asikasong-asikaso siya ni Saion at pinakita pa at pinagmalaki ang mga list of achievements nito sa kanya.
Nalula rin naman siya kahit papaano sa dami ng medals, trophy at awards na nakuha nito. Lahat ng iyon ay mga achievements ni Saion hindi lang sa Philippines kundi maging sa ibang bansa.Hindi lang puro sa academics ang lahat ng iyon kundi pati na rin sa ibat-ibang larangan ng sports katulad ng swimming, soccer, karate, taekwondo, martial arts, motor cross at gun shooting. Isa rin itong international model. Lahat na yata ay pinakyaw na nito sa dami ng talents nito.
Parang bigla tuloy siyang nahiya sa sarili. Kahit kasi kailan ay hindi man lang niya nabigyan ni isang medalya ang daddy niya.
"Ito ang mga medals na nakuha ko noong nag-aral pa ako sa Harvard University sa America, Nikki. Lahat sila ay hangang-hanga sa talino ko roon. Madami ring babae ang naghabol sa akin at halos magmakaawa na para lang patulan ko sila pero wala akong pinansin ni isa sa kanila. Dahil ikaw lang ang mahal ko, Nikki." Mula sa pagyayabang ay naging maromantiko ang tinig ni Saion.
Kinilabutan siya. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon pala ay hibang pa rin ito sa kanya.
"Kung totoo ang sinasabi mo, bakit maraming listahan ng mga babae sa Bachelors Magazine tungkol sa mga babaeng naging girlfriends mo?" pambabara niya rito.
"Ohh... I didnt expect that you're also stalking me, babe. Well, lets just say na isa sila sa mga naging laruan ko noon sa States. I'm a guy, Nikki. May mga pangangailangan ako bilang lalaki. Well, if you know what I mean," pagyayabang nito.
Napaismid siya. May pagkabastos din talaga itong si Saion.
Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. But youre the only girl in my heart, Nikki. Kahit marami pang babae sa mundo ay ikaw lang ang ititibok nito ma-romantikong sabi nito na para bang gusto pa nitong pakinggan niya ang tibok ng puso nito.
Pasimple niyang binawi ang kamay dito at nag-iwas siya ng tingin.
"Siya nga pala, tutal ay nandito ka na rin lang, mabuti nang mapag-usapan na natin ang mga detalye tungkol sa kasal natin pagdating nina daddy, Nikki." Nagsalita na ito ulit nang mapansin na wala siyang balak magsalita.
Pero nanlaki na naman ang mata niya dahil sa sinabi nito. Kasal? Anong kasal ang sinasabi mo? Naguluhan na talaga siya. Tama ba siya ng narinig o nagbibiro lang si Saion?
"You know how I feel about you. Mga bata pa lang tayo ay mahal na mahal na kita and it doesn't even change when I leave this town. I've already talk to your father about this and he really wants me for you. I think, wala nang dahilan para patagalin pa natin ang pagpapakasal dahil sa bandang huli ay tayo pa rin naman, hindi ba?" Hinawakang muli ni Saion ang mga kamay niya na akmang isusuot ang mamahaling singsing na inilabas nito pero bumitaw siya rito.
BINABASA MO ANG
2. The Necklace (SELF PUBLISHED)
TeenfikceNagpanggap si Nikki na lalaki para matakasan ang kasal sa obsessed niyang kababata na si Saion. At syempre, para hanapin ang boyfriend niyang si Christian sa Manila. Pero paano kung makita niya ulit si Christian pero Leonard Petrova na ang pangalan...