15 : Bloom and Boil

13 2 0
                                    


"Magkano ba ang allowance mo per week?" Taas-kilay kong tanong kay Airen, matapos niyang magyaya ng lunch ulit dito sa Student's Corner.

Marami na namang pagkain na in-order at pina-deliver niya sa labas. It's the fifth time he's done this in a row.

"Secret." Sabi niya sabay hila sa akin para maupo sa tabi niya. Lumalaban na sa kainan sina Winona at mga kambal.

"Tara na, Dani! Dig in!" Yaya sa akin ni Winona na punong-puno ng kanin ang bibig.

At almost one week na rin akong hindi nakakaubos ng baon na gawa ni Mom dahil sa mga deliveries ni Airen!

"Seriously, Airen, hindi normal ito." Umupo ako at kumuha ng serving ng kanin at isang stick ng roasted chicken from a famous restaurant.

Unag kagat pa lang, mapapalaban na ako sa kanin for sure. Sino bang aayaw kapag ganito ang ulam?


Nilabas ko ang chicken nuggets na baon ko saka ko inalok sa kanila. Kailangan kasing maubos 'yon kundi lagot ako sa bahay. "Guy, ubusin niyo na rin 'to ha."


Kumuha si Airen ng ilan. "I'll have some. Baka magalit si Tita Mer kapag hindi mo ginalaw 'yang baon mo." Basically Airen just read my mind.



Pero masyadong magastos si Airen, to think na lagi niyang sagot ang lunch ng lahat. Hindi na nga nagbabaon si Winona at Matias eh.


"Pare, nilibot ko na buong campus. Wala talaga si Izrajel." Hingal na hingal na lumapit sa amin si Matias. "Baka pwede na kong kumain?"


I saw Airen nodded. "Okay. I'll go look for him instead." Patayo na siya nang pinigilan ko siya sa kamay. "Why? May papabili ka?"


"Ah, eh..." I don't know pero bigla ako nahiya sa sasabihin ko. "I think I know where he is. Try the library." Bulong ko sa kanya.


Matagal akong tinignan ni Airen na parang ang wirdo ng sinabi ko. He's got that confused look in his face as he nodded. "Alright. This will be quick."


Nang umalis si Airen papuntang library para sunduin si Izrajel, halos lahat ng kamay dumampot ng mga pagkain. "It's a feast!" Sigaw ni Matias.


"Kakaiba talaga si Kuya Airen cutie! Busog ka na nga sa hitsura, bubusugin ka pa sa pagkain!" Natatawang sabi ni Cienna.


"Hoy, Cienna, akin na lang 'yang wing part! Nakakarami ka na!"


"Favorite part ko 'to, ako ang nauna!"


"Madamot ka talaga!"


"Matakaw ka lang!"


"Hep, hep! Ladies, nasa harap ng pagkain." As usual, eto si Winona, ang dakilang tagasaway. "Kunin mo 'tong sa akin, Martha. Para peaceful ang lunch natin. Sige na."


Few minutes have passed, and Airen came back with Izrjel. Sa tabi siya ni Matias umupo kaharap namin nila Airen at Winona. Sa kabilang side naman ang kambal.

Natigilan ako saglit para tignan ang grupo na bigla na lang nag-bonding dahil sa pagkain. Weird combo, but I like it.


"ANG DAMING paperworks, nakakaurat." Rinig ko si Winona nang magsabay kami lumabas ng building namin. Tapos na ang klase, pero kailangan pa rin namin pumunta sa kanya-kanya naming after-school clubs.


Nag-unat ako ng katawan at humikab. Papunta ako ngayon sa Pinta't Guhit Club at si Winona naman sa Drama & Music Club niya.


"Pagod na 'yung utak ko, Dani. Pero ikaw, parang nasa eighty percent pa energy mo. Bakit parang sisiw lang sa'yo ang dalawang surprise long tests at isang pop quiz?"


Be the First (Love in Rivalry #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon