WINONA's POVThere was a knock on my door that made me move. Bumalik ako sa pagpikit at nagkuwaring natutulog.
"Winona Jade, are you awake?" Nagulat ako sa boses ni Mommy. Gusto kong tumayo pero sobrang bigat pa rin ng ulo ko.
Saka ayokong makipagtalo kay Mommy. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya na nagdadahilan lang ako para hindi pumasok.
Damn. Sana matapos na ang drama play ng club. My body is already giving up.
For two weeks, nonstop na ang rehearsals namin. Grabe ang tutok sa amin ni Mrs. Javier sa aming lahat. Uulit from the top kung may nagkamali. Kahit isang linya lang.
Kaya kahapon, sobrang natuyuan ako ng pawis sa likod kaya nilagnat at inubo na ako.
Oh, and plus the fact that I cried the whole night when I found out from Stella about Izrajel's confession.
"Hindi pa siya kumakain, please talk to her." Saka ako napadilat nang mapansin kong parang may kausap si Mommy. "Winona, nandito si Dani. Wake up."
Unti-unti kong nilingon si Dani na nakangiti sa akin. Behind her smile, her eyes seemed so worried. Her bags dropped on the floor with a thud when she rushed to hug me.
"Nona," yakap yakap niya ako nang mapansin kong parang paiyak na siya. "You look so beat up and weak. Kamusta ang pakiramdam mo?"
I don't know what to feel, really. Naglalaban ang sama ng pakiramdam ko at sama ng loob ko. It's not her fault.
Is she here to tell me about how Izrajel confessed to her?
"I'm okay." Matipid kong sagot sa kanya. "Dani. Get away from me. Baka mahawaan kita."
As always, Dani never listens. "Sabi ni Tita Sara, hindi ka pa kumakain. I brought you something..." May kinuha siya sa loob ng bag niya. "Sinamahan ako ni Matias sa palengke malapit sa school. He bought you fruits, nandoon sa baba. Binili ko ang comfort food mo, siopao."
Naglaway ako sa amoy ng siopao. My body is betraying me. Kinuha ko kaagad 'yon para lantakan. Mainit-init pa ang siopao kaya napangiti ako nang makita kong dalawa ang binili ni Dani.
"Buti na lang at Friday ngayon." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. "Makakapagpahinga ka pa over the weekend. Mainit ka pa, oh." Saka niya nilapat ang kamay niya sa leeg ko.
"Thank you, Dani. Really." I offered a small smile. Hindi ko siya matignan sa mata. "Pero dapat hindi ka na nagpunta dito. Dapat nagpapahinga ka na rin, eh."
"Don't worry about me, ako pa ba?" Then she looked down and played with her hands. "Saka na-miss kita kahit na isang araw ka lang absent. Alam mo ba sa PE, we did hurdle jumps. Diba magaling ka doon?"
Napakagat ako ng labi. "Shit. Oo nga pala, may PE ngayon!" Napahinga ako nang malalim. "Sayang! Nalimutan ko. Kamusta naman ang activity kanina?"
"I completed the sets, si Matias lang ang hindi." Natawa ako sa last part. The thought of Matias falling over made me giggle.
![](https://img.wattpad.com/cover/323545042-288-k136373.jpg)
BINABASA MO ANG
Be the First (Love in Rivalry #1)
Teen FictionWhat Dani wants, Dani gets - with both hard work and excellence. Daniella Miel 'Dani' Samaniego has always been the first and the best in everything. Matalino. Talented. Goal-driven. Competitive. Kaya hindi na nakakapagtakang isa siya sa mga acceler...