PROLOGUE

14 4 0
                                    

20 YEARS AGO...

"Akiho, hinahanap ka ni chichioya." Kumunot noo ko.

"Naze?" (Bakit)

"Pumunta ka nalang don." Hindi kona pinakinggan ang kapatid ko at pumunta sa silid ni papa.

"Pinapatawad niyo daw ako?" Tanung ko.

"Take a seat, Kiho." Umupo ako. Seryoso ang mukha ni papa. Nakakatakot pag ganito.

"Uuwi kayo ng asawa mo sa pilipinas." Mas kumunot noo ko. Para saan?

" 'Pa? Biglaan naman ata? Bakit?" Hindi kami sanay sa pilipinas.

"Makinig ka nalang anak."

Naguguluhan ako kailangan ko nang rason. Kahit magtagal pa ako dito wala ako matatanggap na rason. I know papa, matigas siya sa mas matigas pa. May nangyari bang masama?

Pagpasok ko nang silid. Nakita ko ang asawa kong si Izumi.

"Hon, pinatawag ka daw ng Head?" Tumango ako.

"Uuwi tayo Pilipinas, Zumi. I-ready mo ang mga gamit." Tumango lang ito.

Lumabas ako nang silid namin mag asawa at nadatnan ko sa sala ang mga kapatid kong lalake. Lalake naman kaming lahat. Hindi ko alam bakit ni isa hindi nagka babae anak si mama. Lima kaming mag kakapatid at iyon dalawa lang ang hindi ko makasundo. Ako ang panganay pero parang hindi naman sila nakikinig sakin.

"Oni chan? Naze firipin ni kaeru nedesu ka?" (why are you going home to the Philippines?) .

Umiling ako. Wala rin ako masagot kasi wala din akong alam.

"Maiiwan sina Akio at Hiroto dito. Tayong tatlo ay uuwi nang Pilipinas. Hindi ko parin magets bakit? Ano dahilan?" Tinignan ko si Kazumi at Mizuho. Umiling lang ako sa kanila dalawa.

"Sundin niyo nalang si papa." Nasabi ko nalang.

"Hahahaha. Wala kasi kayong hambag tatlo sa Sanjiro. Masyado kayong soft hearted." Akio.

"At kaya kami maiiwan ni Akio dito dahil kami dalawa ang mamahala sa lahat nang business natin. Wala naman aasahan si papa sa inyo tatlo kahit na matanda pa kayo samin. Mas magaling parin kami sa inyo." Hindi nalang ako kumibo..

"Wala naman akong pake sa business natin. Kahit laklakin niyo nang dalawa yon." Biglang sabi ni zumi.

"Kazumi!" Bulyaw ko.

"Tama naman si Kazumi, Kuya. Wala tayo pakealam sa mga business. Kahiy yan dalawa pa na yan ang mamahala wala ako pakealam. Hindi ko naman yon ikakamatay." Zuho.

"Tignan niyo nga naman mga ugali niyo!" Naputol ang away nang dumating ang magkakapatid na Kaydee, Kairo at Akane.

"Hindi pa kayo tulog?" Nakangiti kong sabi.

Kayde , Kairo and Akane is triplets. Hindi sila totoong Sanjiro pero kinupkup parin sila ni papa. Pero tutol don si Akio at Hiroto.

"Oh, nandito pala ang mga sampid ng bahay. Hindi ko din alam bakit yan kinupnup ni papa. Nakaka sira nang pangalan ng pamilya ito!"

"This is disappointed." Umiiling silang umalis hanggang.

"Wag mona sila papakinggan ha." Sabi ko sa tatlo.

"Ampon po kami?" Biglang tanung ni Kairo ang pangalawa, panganay si Akane tapos si Kaydee.

"Kahit hindi kayo totoo anak ni papa mananatili Sanjiro kayo." Naging kapatid namin ang tatlo kahit na bata parin sila. Magkakasing edad lang sila nang mga anak ko.

HATING GABI nang makarinig ako nang pag kalampag sa ilalim. Buong akala ko na baka isa sa mga kapatid ko lang iyon baka kumakain lang pero sumunod sunod ang kalampag at isang putok nang baril. Napa tayo kami ni Izumi.

"Akiho, ano yon?"

"Dito kalang at bantayan mo mga bata. Titignan ko lang." Tumango ito.

Pagbaba ko sobrang dilim. Wala ako maaninag ni isa. Pag karating ko sa kusina agad ko binuksan ang ilaw at doon nalang ang pagkabigla ko nang nakahandusay si papa at naliligo sa sarili niya dugo. Buong akala ko magisa lang siya pero nakita ko sina Kazumi at Mizuho. Umiiyak ang mga ito. Tumayo sila nang makita nila ako nandito.

"Wala ako g-ginagawa. Maniwala ka. Nakita ko nalang siyang ganyan...."

"K-kuya. May pumatay kay papa. Kuya!" Naguguluhan na ako.

Gusto kong manapak. Gusto ko pumatay. Tangina. Mas lalo ako kinabahan nang bigla nalang may dumating na mga police at ang hindi ko akalaing masasabi ni Akio iyon samin na kapatid niya.

"Pinatay niya si papa!" Akio pointed us. Umiiyak pa ito. At si Hiroto naman na umiiyak lang.

Set up ba to?

"Wala kaming ginagawa masama! Nakita nalang namin siya nakahandusay dyan!"

"Sinungaling! Galit kayo diba kasi kami ang mamamahala nang lahat nang business natin. How could you do this? Napakasama niyo!" Akio.

Pinoposesan na ako. Inaalala ko ngayon ang magiina ko. Kailangan ko sila itakas dito.

Nagpupumiglas kaming tatlo. Nakita ko ang asawa ko na kasama mga anak namin pababa sila. Kasama nang mga anak ng mga kapatid ko at asawa ng mga ito. Mas lalo ako nanginig nang makita nagsiwalan nang malay sina Izumi, Itzsuki at Tori.

"NOOOOOOOOOO!"

"ITSUKIIIII! NO! NO!"

Ako na hindi maka galaw sa ginagalawan ko. Kailangan ko maligtas ang asawa at anak ko. Hindi! Panaginip lang to! Hindi pwede! Naka handusay na ako sa sahig hindi na ako makagalaw kasi hawak ako nang mga police. Ang dalawa kong kapatid na sila Akio ay tumatawa lang.

Maling mali to.

Ano ba ang nangyayari? Bakit pinapauwi kami sa pilipinas?

Bakit namatay si papa? Bakit ganito? Sino nagpapatay sa mga asawa namin. Bago pa mandilim ang paningin ko. Ang pagiyak ni Akari at Kaede ang narinig ko.

"P-patawad mga a-anak..."

Sanjiro Clan (ONGOING)Where stories live. Discover now