Chapter 3

3 0 0
                                    

Lia's POV

I decided to take a stroll alone sa mall today. Tinakasan ko si Mimi and my other personal assistants. Since wala akong sched today, I told them I'd spend my whole day in my room and I don't want them to interrupt me. Kung paano ako nakatakas, it's a long story but hey!! At least now, I'm free.

I wore a wig, big black circle fake eyeglasses, and super simple ang suot ko ngayon, with my slippers, white tshirt, and black jogging pants. I didn't wore any make up and kinapalan ko kilay ko.

Bakit nga ba nandito ako sa mall ngayon? It's because may mall show ngayon ang favorite band ko. I am a celebrity but I still do have idols aside my mom. Just kidding, recently ko lang nakilala ang 5THUNDER and they're really really amazing. Their songs was a banger, and it really fits my taste.

Tumigil ako sa second floor at nakipagsiksikan sa mga tao until I finally made it to the glass railings. After awhile, nagsimula na nga silang tumugtog. I had fun.

After that, I decided to eat at my favorite fast food pero secret ko lang kay Mimi yun, bawal kasi ako sa unhealthy foods kaya secretly lang ang pagkain ko sa Jollibee. Napadpad ang tingin ko sa isang board na may hitsura ng isang artista. Vernon Spring. Siya pala ang current endorser ng fast food na 'to. Simula nang sumikat ang loveteam namin ni Liam, I became focused on my career and our love team at nawalan na ako ng updates about other artists, since I don't have time to watch television dahil maya't maya ang shoot, guestings, and I'm not even a socmed person. I have Twitter and Instagram but si Mandy ang nagmomonitor nun, tumitingin lang ako sa twitter to see if we're trending. But, hindi nakakalampas sa pandinig ko ang mga sikat na artista sa industriya especially this Vernon Spring. I heard he's super famous right now as a model, singer, and actor. And he's being compared to Liam. I also heard that he's the same age as me and Liam. Lagi ko nakikita name niya na Trending sa twitter but I gave no interest to that. I am too immersed in my own career right now.

May tumugtog na music sa loob ng fast food chain and wow, it's actually catchy. I'm vibing into it. I wonder anong title at sino kumanta ng song na 'to.

After eating, I decided to go home. Baka mahuli ako ni Mimi at biglang makatunog na wala ako sa room ko. I needed to go back as soon as possible.

I'm walking at the parking lot of the mall until I saw someone, running towards me. Naka black cap, black leather jacket, black eyeglasses, black pants, pula ang buhok, at.....

Hinila niya ako at sinama sa kaniyang pagtakbo!

"H-hey!" saway ko. I wanted to pull my arms back but natatakot ako na baka madapa ako at magasgasan, patay ako kay Mimi neto.

"Sorry Miss, nakahara ka kasi e. Now you have no choice but to run away with me." saglit niya akong nilingon at kinindatan.

My jaw dropped. Wait what?!

"Young master! Bumalik ka rito!!" nilingon ko kung sinong humahabol sa amin. Mga nakasuit na lalaki, apat sila, mga nakasalamin, at sandali, young master?!

"Uy sandali—"

Bigla niya ako hinigit at lumiko kami pakanan.

Hinihingal na ako sa pagtakbong ginagawa namin ng lalaking 'to na di ko naman kilala.

Hanggang ngayon, nakasunod parin sa amin yung mga nakasuit na humahabol sa kaniya.

"S-sandali, stop. I-I can't run anymore...." I pleaded. I was almost out of breath!!

Huminto siya. Whew. Thank God. Napakapit ako sa dibdib ko at sunod-sunod na malalim na paghinga ang ginawa.

Hindi pa ako nakakarecover nang bigla niya akong buhatin ng... bridal style.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE/TEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon