CHAPTER 2

1 0 0
                                    

5 pm na nung makauwi ako. Dumiretso kasi ako sa bookstore to buy new books and then after that, bumili na rin ako ng new strings for my guitar. After cleaning up, nakatulog na rin ko dahil sa pagod. Gigising nalang ako ng maaga to study our lessons for tomorrow.

Maaga akong nagising at naligo kinabukasan. I studied our lessons, and nagluto na rin ng breakfast ko. Naabutan ko pa nga si Manang na naghahanda ng breakfast nila mommy. After taking a shower, nagbasa nalang ako ulit habang inaantay si daddy na tawagin ako para ihatid sa school. We have our driver, pero mas gusto kong sumabay kay papa every morning.

General Biology ang first class ko, and as expected, lahat ng inaral ko kanina ay ang lesson namin. Hindi na ako nahirapan pang umintindi dahil nabasa ko na kanina lahat ng nile-lecture. After our class, sabay-sabay na kaming nag tae ng recess. Habang papunta ng canteen, nakasalubong namin si Khaliya. She's with a girl and I think they're arguing. Seryoso kasi mga mukha nito, kaya pakiramdam kong naiinis na siya sa kasama niya. "No. I told you, I'm not interested. Isn't that enough for you to buzz off?" Rinig kong inis na usal nito. "Trisha, sige na oh. Malapit na yung event, wala parin kaming vocalist." Sagot naman ng kausap nito. Hindi ko na narinig iba nilang usapan dahil papalayo na rin sila. Vocalist? Anong meron? Nasa loob na kami ng canteen at napansin ata ng mga kasama ko na tahimik ako.
"Uy, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik e." Pagsang-ayon naman ng dalawa.
"Nothing. Let's eat? We're gonna be late for class." Sabi ko at nauna nang naghanap ng upuan sa loob. Nakasunod naman sila sa akin, kaya nang makahanap na kami ay bumili na rin kami.
"Alam mo, Nea, sayang hindi ka gumaya kay Shaine. Englishera na, ang ganda pa!" Sumimangot naman ang katabi ko at hinampas si Charm. "Aray ko naman! Tignan mo, ang bayolente mo pa!" Simangot na sagot ni Charm kay Nea. Habang nagbabangayan ang dalawa, umusd naman sa tabi ko si Nikki. Tahimik lang itong nagbabasa ng libro habang kumakain, kaya hindi ko na rin muna siya kinausap. Habang kumakain kami, bigla na lamang may bumagsak ng libro sa lamesa namin na siyang nagpatigil sa dalawang nagbabangayan. I was shocked to see Khaliya looking at me intently. I don't know why but seeing her this close made me remember my childhood. The little Khaliya I met at Aling Sera's store. "Meet me after class, Filomena." She said before leaving our table. I followed her with my gaze as she left the canteen. What did I do?

Maagang natapos ang class namin since first week pa lang ng class. Papalabas pa lamang ako ng room ay nakaabang na si Khaliya sa pinto. Sinabihan ko na lamang ang tatlo na mauna na sila. KInakabahan akong lumapit dito. Nakatingin lang siya sa labas, kaya malaya akong nakakatingin sa kaniya. Grabe, ang tangkad niya. I remember back when I met her, magkasingtangkad lang kami. Ngayon, ewan ko nalang. Ang unfair naman. Nang makalapit ako ay siya namang pagtayo niya nang tuwid at nagsimula nang maglakad. Sinundan ko na lamang ito sa likuran at naglakad. "Why are you there? Walk with me." Tahimik naman akong sumunod sakaniya, at nagpalinga-linga nalang sa paligid. Tahimik lang kaming pareho. Hindi naman ako madaldal, kaya okay lang din sa akin na ganito. Okay lang pero kinakabahan parin ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit gusto niya akong sumunod sakaniya. With that thought, nagtanong na ako. "Ano bang kailangan mo? And where are we going?" Huminto rin ito maglakad at humarap sa akin, "What? I can't talk to my childhood playmate now? I missed you, Shai..."

Harmony UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon