TULA 1.3

86 3 0
                                    

"Wakas"



Ako'y naglalakad lamang ng matiwasay
Sa hanging ako nagpapatangay
Upang sabayan ang agos ng buhay





Ilang hakbang pa lamang ang nasimulan
Bigla ka ng sumulpot sa aking harapan
Ako'y nagulat sapagkat biglaan ka lamang





Sinubukan kong 'wag kang pansinin
Ngunit ika'y malakas sa akin
Isang kindat lamang at ako'y muli mong naangkin





Akala ko'y hindi ka na babalik
Sapagkat nawala ka sa akin saglit
Dahil akala ko ako'y iyo ng pinagpalit





Matapos ang mahabang usapan
Ika'y tinanggap ng agaran
Sapagkat ika'y bumalik sa aking tahanan






Ang akala ko'y bumalik ka upang ako'y mahalin
Ngunit bumalik ka lamang para ako'y utuin
Siguro nga'y hindi tayo ang tinadhana ng mga bituin






Ang akala kong makatotohanan
Ay bigla na lang napakawalan
Siguro'y pinanganak lamang ako para iyong iwan






Sa mga buwang lumipas
Ang pag ibig ko sayo'y unti unting kumupas
At doon nagwakas ang pag ibig ko sa'yong wagas





Ang iyong pang Iwan
Ang naging dahilan
Ng buhay kong wala ng kaguluhan





Simula nung nawala ka
Hindi na ako umibig pa
Dahil ang iniisip ko'y iiwan rin ako nila



Tila ika'y nag iwan ng bakas
Sa aking pusong ngayo'y lumakas
Ngunit hindi na kaya pang bumukas
Sapagkat masakit ang iyong pinadanas

Mga Lihim na TulaWhere stories live. Discover now