TULA 1.5

97 3 3
                                    

"Unan"



Sa mga panahong ayaw ka nilang pakinggan
Narito lamang ako at hindi ka tatalikuran
Kahit ilang beses mang masaktan
Hinding hindi ka pa rin iiwan





Hindi tao ang pinaparinggan ko
Hindi kung sino sino
Kundi ang pinakamahalagang bagay sa mundo
Ang unan na naging karamay ko




Saksi ito sa mga sakit na aking binuhos
At kahit nabasa ko ito ay hindi sya naubos
Hindi sya naubos na pakinggan akong lubos




Hindi man sya nakakahinga
Wala man syang kamay at paa
Ngunit ramdam ko ang mga yakap nya




Yakap na hindi ko naranasan sa tunay na tao
Yakap na ibinagay nya sa akin ng buong buo
At walang pagrereklamo





Tanging unan ang nakikinig
Saking mga masasakit na himig
Na niisa sa mga tao ay ayaw marinig






Unan, walang buhay ngunit binigyan ako ng pag asa
Walang buhay ngunit pinatahan ako sa piling nya
Unan na niyakap ako't binigyan ng ligaya





Ang simpleng unan na naging saksi
sa'king mga luha
Ang syang lagi kong magiging kasangga
Ang palaging sasalo sa sakit na aking nadarama




Nawa'y magsilbing aral ang mga ito
Na hindi lahat pwede sa tao
Na hindi lahat ipagkakatiwala mo sa may buhay na magulo

Mga Lihim na TulaWhere stories live. Discover now