TULA 1.6

81 1 0
                                    

"Hiling"





Ang dating hiling na syang aking dinalangin
Ngayon ay dumating at ako'y hindi naka iling
Sa bawat salitang napakalambing





Laking pasasalamat ko sa maykapal
Dahil ako'y iyong minahal
Pinaramdam mo ang dating aking dinarasal





Akala ko'y ang tulad mo ay hindi ko na makikita
Ngunit hindi ko alam na nakatago ka lang pala
At ngayong ika'y nakita wala na akong mahihilang pa






Nagsimula sa simpleng usapan
Hanggang sa pinagaan ang iyong pakiramdam
At napunta na sa madaming asaran






Yun ang simula ng ating kwento
Kung saan tayong dalawa ay nagkatagpo
At hindi na muling nagtago





Pinakikinggan ko lamang ang masasakit mong hinaing
Ikaw ay binigyan ng salitang mala awitin
At hindi katulad sa nakaraan mong puro pagsisinungaling




Sa araw na ako'y nagtapat
Akala ko ako ay hindi sapat
At hindi sa iyo karapatdapat
Ngunit ako pa rin ay iyong tinanggap





Sa agos ng ating pag iibigan
Wala na akong hihilingin kundi ang iyong katapatan
At magpawalanghanggang pakikipag unawaan






Nawa'y tayo'y magtagal
Kahit maraming sagabal
Sa mundong maraming gustong maging karibal





Ako si Maria Klara
Na nahanap na ang tunay na Ibarra
Sa mundong puno ng gulo at tunay na tao

Mga Lihim na TulaWhere stories live. Discover now