pang labing pitong akit

1.7K 57 4
                                    

winter's POV

"problema nyo?" kunot noong tanong ko kila jacob ng sila ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto. kumpleto pa talaga sila. reesse smiled at me bago itaas at ipakita sakin ang case ng beer. kilala ko yung kambal ngayon dahil may pangalan yung polo shirt nila

niluwagan ko ang pinto para makapasok silang lahat. admit it or not kailangan ko din talaga ng kausap. huling pumasok si cyrone

"im sorry" sabi nya. nagkatinginan kami at sabay na napatawa.

"kasalanan ko naman"

"tang ina mo sa dalawang dekada nating pagsasama simula nung pinanganak tayo ngayon ka lang umamin ng pagkakamali na gago ka!" ginulo nya yung buhok ko

"drama mo, sipain kita eh!" natawa na ko at hinila sya papasok. arte eh

naupo ako sa couch at hinayaan silang maghalungkat sa fridge. tang ng mga toh, magdadala ng alak wala namang pulutan.

"si sunshine?" dustin asked. i give him a death glare "wala pa din?" he grinned

it's been two weeks. two fucking weeks na hindi ko alam ang gagawin dahil wala sya. if she just let me to explain.

"hindi mo hinanap?" allyson asked. kumpleto na silang nakaupo sa couch. yung iba sa carpeted na sahig

"sya yung umalis. bat ko sya hahanapin?" matigas na sabi ko. kumuha ko ng beer sa case at binuksan iyon

"tang inang pride!" napapalatak si chace

"she choose to leave me. ako pa maghahanap sa kanya? ng swerte nya naman!" hindi ko maitago ang inis sa boses.

putang ina shine nasan ka na ba?! i already hired private investigators pero walang resulta. ni hindi sya pumapasok sa school. kung saan saan ko na sya hinanap. tinanong ko ang mga magulang nya pero wala. tinanong ko si rem pero ayaw nyang sabihin. nilunok ko na din yung pride ko at tinanong si vin. pero putang ina wala! i tried to keep calm. kahit pa gusto ko ng sumabog sa inis at pag aalala. i wanted to see her so bad. i felt incomplete without her.

"lahat ng nasasaktan, napapagod. hayaan mo muna sya" chace tapped my shoulders

"sino bang hindi napapagod? tang ina. i looked for her this past weeks. mababaliw na ko sa kahahanap. nilunok ko na yung pride ko at kiausap yung ex nya. i called her, i texted her kahit pa alam kong nagpalit na sya ng number. mababaliw na ko sa kahahanap" frustrated na sabi ko at inisang lagok ang alak sa bote ko

"akala ko ba hindi mo hinahanap?" si jacob

"tang ina panong hindi hahanapin eh mababaliw na nga ako!"

"makinig ka nga sakin" cyrone said seriously kumuha sya ng baso at sinalinan iyon ng tubig pero hindi pinuno "kunyari si sunshine yung tubig, ikaw yung yelo" nilagyan nya ng ice cube yung tubig kaya umapaw iyon "nung nilagyan ko ng yelo yung tubig, anong nangyari?"

"napuno" walang ganang sagot ko

"exactly!" pumalatak sya "napuno! that's what happened. napuno si shine so she needed space, ibigay mo muna yon sa kanya"

"dumale na naman si master cyrone" natatawang sabi ni treece

"kundi ka ba naman isat kalahating gago, alam mo ng may girlfriend ka iiskor ka pa kay autum. buso natin yon oy!" jacob sneered

"i talked to her for closure" muli kong nagbukas ng bote ng beer

"closure pero may halikan portion? ano yon seal?" sarkastikong sabi ni reesse. natigilan ako

"i let her kissed me because i was confused" napasandal ako sa upuan. muli kong tinungga ang alak sa bote. at muling nagbalik sa ala-ala ko kung anong nangyari ng gabing yon

swag kings series: and they seduced each otherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon