Chapter 35: Fleeting

11.2K 503 122
                                    

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

CHAPTER THIRTY-FIVE: FLEETING

TIARA'S POV

2 hours ago...

Tutok na tutok sa laptop na sandaling nag-angat ng tingin si Damian. Akmang ibabalik sana niya ang atensyon niya sa ginagawa nang mapatingin siya sa akin ulit. He inclined his head to the side, and there's a look of confusion on his face.

"Did I do something?" napapakamot sa pisngi na tanong niya.

Napakurap ako at napaayos ako ng upo. I didn't realize that I was looking at him weirdly. I probably look annoyed. "No."

"Are you sure? You remind me of Sav when she's trying her best not to tear my head off." His lips pursed a little as he looked at the sky. "Wala naman akong ginagawa. Mabait naman ako."

I blinked slowly and forced myself to look away from him before I suddenly started having the ability to shoot lasers with my eyes.

"I mean, ini-entertain ko lang naman siya kapag pakiramdam ko naiinip na siya. Kapag gusto niyang manood ng favorite TV series niya sinasamahan ko siya, kapag nagbabasa siya sa library, o kapag gusto niyang maglibang sa pool. I even make sure she's okay when she doesn't want to get up from bed."

I have a feeling why his wife is losing patience with him. Kahit naman ako kung gusto kong mapag-isa at laging may nakasunod sa akin baka ganoon din ang maramdaman ko.

He reminds me so much of Emeric. I thought he was childlike, but Damian was in a different league. Emeric knows how to have fun on his own, but Damian seems to be a clingy type of person. Parang kahit saan ata ako pumunta sa vacation house na pag-aari ng asawa niya ay lagi siyang nakasunod sa akin. At first, I thought he was guarding me, but it wasn't long before I realized that he just wanted company.

"What do you think?"

Instead of answering him, I looked at his laptop pointedly. "I thought you needed to work?"

He made an "oh" sound as if he just suddenly remembered that he needed to do something. He's like a Siberian husky, but in human form, while Emeric is the golden retriever. Parehas na high-energy dogs, pero mas maingay nga lang ang husky. Tapos iyong isa puro playtime.

"Parang ang sarap ng pizza. Gusto mo?"

Ang gusto ko si Domino. "At katahimikan," bulong ko sa sarili ko.

"Hmm?"

Nilingon ko ang lalaki at nakita kong inosenteng nakatingin siya sa akin. He really looks like he belongs to the dog personality type category. Something that Lucienne told me na pinaghaharian daw ni Trace. Ang pagkakaiba lang daw si Trace hindi lang personality niya ang pang-aso. Aso daw talaga si Trace na nagpapanggap na tao.

Dagger Series #7: UnbalancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon