Prologue: The Door and the Gift

3 0 0
                                    

"Kuya! Hintayin mo'ko" sigaw niya sa nakakatandang kapatid na nauna ng lumabas sa silid ng kanilang ama. Pinagalitan na naman siya ng kanilang ama dahil nasangkot na naman siya sa isang gulo na hindi naman nito ginusto, mabuti nalang at laging nandyan ang kuya Azito niya na laging sinasalo ang mga problema at parusa niya.

"Bilisan mo kasing maglakad!" Singhal sa kanya ng kuya niya habang binabaybay ang pasilyo sa mansyon nila.

Napakalaki ng bahay nila at mabibilang lang sa daliri ni Mikyla ang mga silid na pwede niyang puntahan, limitado lang din ang galaw niya sa mansyon nila at tiyak na kung bago ka palang sa bahay na 'to ay hindi nakakapagtakhang maliligaw ka talaga.

Sa loob ng 12 years na pananatili niya sa mansyon ay masasabi niya na hindi siya ang tipo ng bata na masunurin at mahinhin, mahilig siyang gumawa ng gulo at masangkot sa gulo. Touch down ang mga kalaban niya sa eskwelahan kapag nagsimula na siyang manuntok ng kaklase. At dito sa mansyon nila maraming mga palatuntunin ang laging pinapatupad ng kanilang ama at ang kuya niya ang laging sumusunod sa mga 'yon dahil wala sa bokabularyo niya ang sumunod sa kahit na anong utos, matigas ang ulo niya kaya lagi siyang napapa-away pero wala naman siyang pakialam.

"Gotcha!!" Sabi niya ng maabutan ang kuya niya. Hindi siya nito pinansin at nagsimula nalang maglakad uli.

Wala sa sariling napatingin siya sa isang malaking pintuan na kanina ay tinitingnan lang ng kuya niya. Naalala niya ang mahigpit na bilin ng kanyang mga magulang tungkol sa pinto na 'yon. Ang sabi bawal daw pumasok dyan sa loob kahit kailan. Walang nagsasabi kung anong laman niyan at kung bakit bawal pumasok diyan. Isa ito sa mga kwartong nais niyang pasukin kahit ilang beses na siyang pagalitan sa pagtatangkang pumasok roon. Hindi niya lang talaga maatim na kuryusidad na bumabalot sa isipan niya at naiirita siya dahil ayaw siya nitong tantanan.

"Ano ba kasing meron sa loob na hindi pwedeng makita?" Puno ng kuryusidad niyang saad.

" Kahit kailan 'wag mong tatangkain na pumasok diyan, kapag nangyari man ay nasisigurado kong hindi na kita matutulungan" may babala sa boses nito na lalong ikinakunot ng nuo niya.

Mahigpit siyang napakapit sa doorknob ng pinto at magsisimula na sanang maglakad at sundang muli ang kuya niya ng may narinig siyang kakaibang tunog na nagmumula sa loob ng silid.

Akala niya ay guni-guni lang ang lahat kaya nagsimula na siyang maglakad. At parang natulos siya sa kinatatayuan ng marinig muli ang mahinang boses hindi pa siya nakakalayo, tinatawag siya nito sa pangalan niya na parang humihingi ng tulong. Agad siyang humarap at akmang maglalakad pabalik ng biglang may umihip na malakas na hangin sa paligid niya. Kailan man ay hindi binubuksan ang mga bintana sa mansyon nila kaya laking gulat niya ng biglang umihip ang malakas na hangin. At patuloy parin ang pagtawag sa pangalan niya mula sa pintong iyon. Kaya kahit na nagdadalawang isip man ay malalaki ang hakbang na pinuntahan niya ang pinto at akmang hahawakan iyon nang may biglang humawak sa braso niya.


Sa sobrang gulat ay napatalon pa siya palayo at abot ang kabang dinama niya ang kanyang puso.

"Ang bilin ay siyang dapat na matupad at masunod. Mikyla ilang beses ba kitang pagsasabihan tungkol sa mga bagay at batas dito sa mansyon?" Mahinahong tanong ng kaniyang ama pero wala dito ang atensyon niya.

Bakit nawala ang boses?

" Mikyla, nakikinig ka ba sa akin, anak?" Ulit ng kanyang ama.

Itinuro niya ang pinto " M-may b-boses....mula sa loob" naguguluhang wika niya. Sa tanang buhay niya ngayon lang ito nangyari sa kanya.

Hinila naman siya palayo ng kaniyang ama sa silid at nagpatuloy sa pagsasalita. " Walang sino man ang dapat na pumasok sa silid na 'yan, kaya 'wag mong tatangkain na pumasok maliwanag ba?"

My Journey Inside Of The Book Where stories live. Discover now