Chapter 5

5 0 0
                                    

Ginawa namin ni Tita Lana ang mga plinano namin ng sunday, after church, nag grocery and nag lunch out naman. Sa dinner nagpadeliver na lang kami.

Dumating ang lunes at unang araw namin ni tita Lana sa LC. Sabay kami ni tita pumunta sa basement at nakita kong naghihintay na dun ang driver na ipinadala ni dad. Aside sa first day ko sa work, first day ko rin na magdrive with the supervision ng driver na pinadala ni dad. Nang makarating ako sa building ng LC ay nadatnan ko dun si Tita Lana na naghihintay sa akin, saglit lang naman agwat ng dating namin dahil sabay naman kaming umalis sa tower. Kasama ni tita ang dalawang babae habang hinihintay akong makalapit sa kanila.

"Aria, this Dani, your assistant." pagpapakilala ni tita sa akin.

"Good morning, Ms. Aria!" Masiglang bati naman sa akin ni Dani. "Good morning, Aria," sabi ko sabay ngiti at lahad ng kamay sa kanya.

Nahihiya pa siyang tanggapin ang kamay ko. "Don't be shy, from now on you will work for me so you should get used of me." Mahinahon kong sabi.

"Noted po. By the way Ms., I have here your schedule for today."-Dani

"Alright, but before that, please lead me to my office."

"Alright. Ms. here's the way."Aniya at iginiya ako sa elevator, sumunod na rin sina Tita samin kasama din ng kanyang assistant. 

Nang makarating kami sa tamang floor ay lumabas na rin kami ni Dani, si Tita ay sa top floor pa ang opisina niya kaya naiwan pa sila dun ng assistant niya para tumungo rin sa kanyang opisina. Iginiya ako ni Dani sa aking opisina. Nagsitayuan ang mga tao nung bumukas ang electronic glass door upang makapasok kami. Bumabati ang mga empleyado na naassign sa Operations department. Bumati din naman ako pabalik. Kilala na nila ako dahil naipakilala na ako ni lola last week. Iginiya ako ni Dani sa part na may maliit na hallway,bago ang hallway ay isang cubicle.

"Ms. This is my cubicle po, I'll be staying here while you are at your office unless tawagin niyo ako sa intercom."-Dani

Tumango ako at giniya niya ako sa hall way. Sa dulo ng hallway ay ang wooden double na may nakalagay na "Chief Operations Office". Ito na siguro ang magiging opisina ko. Si Lola ang dating COO bago ko iassume ang position, siya rin ang naging acting CEO nung di na tuluyang nakarecover si lolo mula sa kanyang pangatlong heart attack.

Binuksan ni Dani double door at pumasok na ako. Sobrang laki ng opisina. may maliit na sala sa harap ng malaking office table. Classic ang design ng opisina, konti lang ang palamuti at may malaking abstract painting sa likod ng aking Swivel chair. Sa malapit naman sa sala ay saktong table and chairs na kasya ang nasa anim na tao. For small group meeting siguro or pwede ring diyan na rin kumain if ever. Mula sa table na yun ay ang fullwindow na natatakpan ng blinds. Inopen ko ang blinds at tumambad ang view ng iba't ibang malalking building.

Tahimik kong inoobserbahan ang opisina para if ever man may ipapabago ako pero mukha naman akong walang ipapabago. Simple, elegant and classic ang ayos ng office. Just the way I like it.

"Uhmm, Ms." Pagkuha ni Dani sa aking atensyon.

"Yes?"

"By 9:00AM po, you'll have a meeting with the CEO and boards. Naghihintay na po sila sa conference room, kayo na lang po ni Ms. Lana ang hinihintay dun."-Dani.

"Alright. Let's go." sabi ko. Agad naman siyang sumunod sa akin. Alam ko ang way ng conference room dahil dun nangyari ang turnover ni lola samin last week. Ipinagbuksan ako ni Dani ng pinto kahit kaya ko naman, tong babaeng to masyadong pormal. Sabagay professional world na pala to. hehe. Nagsitayuan ang mga tao sa loob nung nakita nilang papasok ako nang napahinto ako ay pumasok na rin si Tita.

My SolaceWhere stories live. Discover now