"Dito ka lang, ha? Huwag kang lalabas. Babalikan kita." Bulong ni mommy sa akin. Puno ng takot ang kanyang mga boses.
"Mommy, saan ka po pupunta?" lito kong tanong.
"Baby, please listen to mommy. Pag di ako dumating, your dad will be here for you. I love you my princess. Stay here okay? wait for me or your dad. shhh be quiet, don't make some noise okay?" Isinuot ni mommy sa akin ang isang necklace na may pendant na Parang nanay na nakayap sa ina at may maliit na diamond sa gitna nito.
Tumango ako kahit wala akong ideya sa nangyayari. Isinara ni mommy ang takip ng malaking baul kung saan niya ako inilagay. Maya maya lang, nakarinig ako ng kalabog ng pinto, mga nagsisibasagang gamit. Sa mga kalabog at tunog ng mga nababasag na gamit, nabuhay ng sobra sobra ang takot ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para magpigilng iyak, dahil sabi ni mommy huwa akong gumawa ng ingay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakakramdam ako ng takot. Sobrang takot. Pinilit kong huwag gumawa ng kahit ano mang ingay.
"Hanapin niyo, ang mag-ina! Sigurado ako di pa nakakalayo ang mga yun" Rinig ko ang isang lalaki na sumisigaw.
"Ang bata! hanapin niyo ang bata! kailangan makuha nating buhay ang bata! Kung hindi, malilintikan tayo kay, boss!" isa pang boses ng lalaki.
Pagraan ng ilang minuto may narinig akong tumatakbo.
"Boss! nakita ko yung babae, tumatakbo, walang dalang bata, na nabaril ng kasama natin" sigaw ng lalaking kakarating lang.
May narinig ulit akong binasag na gamit. "Mga bobo! bata lang yun, maiisahan kayo?! Ang tatanga niyo! Ang batang yun ang susi natin sa mga Saavedra!"
"Boss, paparating na po ang mga pulis! Tumakas na tayo!"
Maya maya lang may narinig akong sirena ng sasakyan ng mga pulis, napapikit ako at nahihilo na kaya habang naririnig ko ang putukin bigla na lang akong nahimatay.
Idinilat ko ang aking mga mata at puno pa rin ako ng pagkalito. Iginala ko ang aking mata at nakita kong nasa puting silid na ako. Sa aking gilid ay si Daddy na nakahawak sa aking kamay at nakayuko.
"Daddy?" agad na nagising si daddy sa tawag kong nanghihinang boses. kitang kita ang pagodniyang mga mata.
"My princess, how are you? may masakit ba? do you need anything?" Punong puno ng pag-aalala.
"Where's mommy?" Tanong ko. DI nakapagsalita si daddy. Tumitig lang siya sa akin.
"Aria, apo, magpahinga ka muna. Later someone will talk to you do you need anything? are hungry? look I brought pizza from your favorite pizza parlo." Ani Grandpa.
Lumapit si lola sa kin at hinalikan ang aking noo. Litong lito ako sa nangyayari at wala akong naiintindihan. maya maya lang may dumating na doktor. chineck niya ako lahat lahat at may inexplain sa kina daddy. Pag tapos ay umalis ang doktor.
"Aria, anak, someone will talk to you later, would that be okay for you? " Baling ni daddy sa akin.
"Okay. But dad, where's mom? she said she'll come to get me from that big box."
Huminga ng malalim si daddy at hinalikan niya ang aking noo. He rests my head on his chest at unti-unti ko ng naramdaman ang kanyang paghikbi.
"I am sorry, my princess."Aniya.
Lito pa rin ako nung may kumatok sa pinto at isang babaeng nakacoat ng puti ang pumasok. Mukha siyang doktor pero iba siya dun sa doktor na nagcheck sa akin kanina.
YOU ARE READING
My Solace
Roman d'amourOn going... Aria Solana Fuentes Saavedra is the only heiress of most powerful and richest families, her mother is a Fuentes and her father is a Saavedra. She had everything, beauty, money, power and intelligence. Her family love her sp dearly. But...