MMUNTING PUSA
Karaniwang makikita
sa loob ng malaking tahanan
Kasama ang aming taga alaga
na mas kilala sa tawag na amo
na sa aki'y nag papaamo.
Ang aming trabaho'y
magtanggal ng pagod
pumawi ng lungkot
tagaboy ng ipis at daga
sa tahanan ng aming tagapag alaga.
Ngunit hindi maitatanggi
Karamihan sami'y sawi
nananahan ang takot at pighati
sa puso naming munti
para sa mundong mapili.
Madali kami'y alagaan
ngunit madali din kaming iwanan
sa mundong walang katapusan
na mas kilala sa tawag na lansangan.
BINABASA MO ANG
TULA ALA MAKATA
Poetryisipang malawak inspiradong puso ang susi ng isang MANUNULAT.