UNANG PAGKABIGO

55 1 0
                                    

Kay sarap malamang ako'y ginugusto
Nang taong una palang ako nakatagpo
Puso ko'y tumibok sa unang pagkakataon
Dahil sa aking dating umahinasyon na ngayon ay nagkatotoo.

Itsura ko ay di naging batayan para ako nya ay ligawan.
Sa bawat araw na lumipas na sya'y aking nakakasama
Puso ko ay di mapigilang sya'y aking naising hagkan.

Sa pagnanais na sya'y makasama Aking ibinigay ang kauna unahang "OO" na sagot sa isang sumisinta.

Bawat araw na sya'y kasama'y sobrang saya
Pagod ay walang puwang
Bawat bigkas ng kanyang salita'y napagandang pakinggan.

Pero isang araw lahat ng masayang pagsasama ay napalitan ng kabaligtaran
Sa di malamang dahilan.

Ang dating masusuyong salitay napalitan ng katahimikan
Ang dating tingin na sa aki'y tumutunaw
Ngayon ay nagdudulot ng ginaw.

Nakakalungkot at napasakit isipin kung bakit nagkaganoon
Aking di lubos maisip ang dahilan ng kanyang biglang pagbabago.

Dumating ang araw na sya'y
Nagsabi
Puso ko'y sobrang humapdi
Laman ko'y biglang nanlamig kasabay ng malamig
na simoy ng hangin at ulan na dumadampi sa akin.

Biglang pagganti masasakit na salita ay aking nasabi
Upang ang hapdi ay aking mapawi.
Mga luhang nais ilabas ay biglang umatras.

Dumaan ang araw at gabi sya'y akin paring ninanais
Ngunit sumagi sa aking isip
"Itong aking unang pagkabigo ang maaaring maging susi sa aking MAGANDANG PAGBABAGO"

TULA ALA MAKATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon