Syang kabig ng aking dibdib
At akoy bumilib
Sa tindig mong kaakit akit
Ngiti mong marikit
Na syang pumawi
saking lungkot na kinikimkim.Pusoy nanibago
Sa pakiramdam na umusbong
Unti unting natutuklasan
Sa bawat araw na ika'y aking nasisilayan
Syang hatid sa aki'y kapayapaan
At katahimikan.Di nag laon iyong natanto
Ang aking pag iidolo
Iyong tinanong aking pagkatao
Ang puso ko ay biglang tumalon
Pagkat yaring sobrang kagalakan
Ay walang pag sidlan.Kalooban ko'y unti unting nahuhulog
Sa iyo aking iniirog
Puso ko'y nilalamon ng nararamdaman para sayo
Utak koy puro kaligayahan ang binubuo
Ngunit lungkot koy di maitago
Sa takot na baka iyong malokoPinigil yaring damdamin
Sa pag aakalang baka iyong paikutin
Sa mga salita mong ubod ng tamis
Na maaaring siya ring aking itatangis.
Sa mga kilos mong mapang akit
Na syang aking ikaakit.Ako'y bahagyang nalungkot
Sa sobrang takot
Luha ko'y unti unting dumaloy
Sapagkat ang aking puso'y sobrang
nananaghoy
Luhay pinunasan at syang sabay na sinabing
"Wag ka mag alala ang iyong iniluha ngayon ay sya ring iyong huling iluluha sa aking piling aking mahal".(Wew=____=)