Lungkot o depresyon

13 0 0
                                    

Akin itong nasulat upang aking loob ay gumaan.
Nais ko itong isulat sa simpleng pamamaraan
Ngunit aking utak ay may sariling pamamaraan.

Ilang araw ko ito bago napansin...
Ang aking puso ay binabalot ng kaba sa diko malamang kadahilanan.
Pero dama ko itoy gawa ng kalungkutan at takot.

Takot na maging isa sa mga mamamatay dahil sa pandemiyang hinaharap ng mundo.
Pero, hindi ba ito din ang nais ko?

Nung mga panahon ding akoy kinakain ng lungkot.
Aking hiniling na sanay akoy mawala?
Na kung maaari lang na ibigay ito sa taong mas karapatdapat at nais pang mabuhay ay itoy aking ibibigay.

Hindi ko alam kung ano itong tumatakbo sa aking utak.
Nais kong lumuha pero luha ko yata ay nawawala.

Damdaming kaybigat
Utak na walang tigil sa pag iisip
Pusong binabalot ng lungkot.
Iniisip ngayon sanay malagot.

Nais ko nang mamahinga
Kasama si amang nasa taas.
Kung ako man ay hindi para sa itaas
Aking ihihingi ang mga kasalanang aking ginawa mula sa ibaba.

TULA ALA MAKATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon