^^ ONE..

5 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat ng makilala ko ang lalaking nagbigay ng kulay sa buhay ko sa hindi inaasahang pangyayari nakilala ko ang lalaking nagpatibok sa puso ko ang lalaking pinakamamahal ko..

Isang maulang gabi, alas diyes na ng gabi ng maisipan kong umuwi ng condo ko dahil na rin sa pagod na naramdaman ko.

" Aist. Nakakapagod. Makauwi na nga." Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya napagdesisyunan ko ng umuwi ng condo.

" Ako na lang pala ang tao dito. Pambihira ang sipag ko talaga. Haha " natawa na lang ako sa sarili ko ako na lang pala ang taong nagtatrabaho dito masyado na akong masipag aa.

Lumabas na ako ng company dala ang mga gamit ko at pumunta sa waiting shed kung saan dumadaan ang mga taxi..

" grabe wala na ngang tao. Ang creepy naman sana may dumaan ng taxi. " tanging malakas na hangin na lang at malakas na pagbuhos ng ulan ang naririnig ko. Kaya naisipan kong libangin ang sarili ko..

Pinaglaruan ko ang mga patak ng ulan sa palad ko na nanggagaling sa bubong ng waiting shed ang lamig habang ginagawa ko ito naisipan kong kumanta..

Maybe I'm your Mr.right
Baby, maybe I'm the one you like
Maybe I'm a shot in the dark
And your the morning like

Whoaaaa...

" Wow, miss ang galing mu naman kumanta. Mr.Right yang kinakanta mu no. Hehe"

" Ay palaka! Waaahhh.." nagulat ako ng makita ang isang lalaki..
Pero agad din naman ako tumahimik at natulala sa lalaking kaharap ko ngayon parang huminto ang pagbasak ng ulan walang hangin akong naramdam suma total humito ang oras na meron ngayon at ang tanging pagtibok lang ng puso koang naririnig ko ang lakas hindi ko maintindihan..

ANG WEIRD...

" Miss "

" Miss! okay ka lang?? " habang kinakaway ang kanang kamay niya.

Shocks. Bumalik ang tino ko ng maalala ko nakatulala na pala ako sa kanya nakakahiya.

" Yes, I'm okay. Hehe sorry nagulat kasi ako sayo feeling ko kasi ako na lang ang taong nasa building na ito ee. " tugon ko.

" hahaha. Ako nga din ee kaya nung nakita kita natawa ako pano ba naman akala ko may baliw na nagtatrabaho sa company ee. Haha piss. Jokes lang. nga pala ako nga pala si Carlo. :) " masayang pakilala niya.

Pambihira napagkamalan pa akong baliw. (_ _)..

" Grabe ka naman, sobrang ganda ko naman parang maging baliw. Ang hard mu sakin aa. Hmp. " kainis na lalaki to ang gwapo pa naman niya.

" hahahaha. Talagang pinanindigan mu ang kagandahang meron ka aa. Hahaha. Kasi naman wala baliw lang ang alam kong kinakausap ang sarili niya. " -carlo

Aba ang saya niya aa, ngayon lang ba siya nakakita ng maganda?? Kainis tong lalaki na to' bakit kasi wala pang taxi ee ako tuloy ang napagdeskitahan.

" Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng maganda na nagsasalita aa. Kainis to. "inis na sabi ko.

" haha. Sorry na sige na maganda ka na hindi ka naman mabiro ee. Nga pala anung pangalan mu?? "tanong niya.

"hay naku! i don't give my name to strangers no. Mamaya gamitin mu pa pangalan ko ee sa kung san mahirap na noh!. " sagot ko sa kanya pagkatapos kong sabihin yun ay agad namang may dumaan na taxi. Yes! makakauwi na ako.

" Bye! " paalam ko sa kanya sabay bukas ng pinto ng taxi..

" Teka lang miss anung pangalan mu. Ang damot mu naman. " habol na sabi niya pagkasara ko ng pintuan ng taxi..

Magmula ng araw na yun hindi ko na inasahang makikita ko pa siya dahil hindi ko naman sigurado kung sa company talaga namin siya nagtatrabaho. Baka napadaan lang siya at saktong naabutan niya ako sa waiting shed..

Ngunit mali ako hindi pala yun ang huli naming pagkikita...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's just a DREAM..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon