Chapter 10

130 5 1
                                    

Chapter 10

N

ABITIWAN niya ang one piece chicken at hindi na nakagalaw nang lumapat na ang labi ko sa kaniya. Masuyo siyang hinagkan at nananantiya ang bawat halik ko dahil baka di ako matansiya at masupalpal ako ng wala sa oras. Tumigil rin ako agad para silipin ang reaksyon niya. Nakapikit ang mga mata niya ngunit marahang napadilat nang lumayo ako ng kaunti. Namumugay pa ang mga mata na akala mo ay inaantok.



Isang mabilis na pagdampi muli sa labi ang ginawa ko. Tatlong magkakasunod, sa tuwing ginagawa ko iyon ay bigla siyang napapapikit at magmumulat rin agad sa tuwing inilalayo ko ang labi sa kaniya. Lalayo na dapat ako para tumigil na nang bigla siyang humawak sa batok ko at siya na mismo ang naglapit sa akin sa sarili niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Napangisi ang labi ko bago siya halikan ng buong suyo at mas lalong idiin ang sarili sa kaniya. 



Tuluyan na akong nalunod. Blanko na ang isip dahil sa mga nakakagulat niyang tugon. Nagsimulang humaplos ang malalamig niyang daliri sa batok ko pataas sa aking buhok. Ang nagtitimpi kong mga kamay ay tuluyan nang nagkasariling utak. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim, mas lalong nag-iinit ang temperatura sa loob ng kotse.



Bago pa tangayin ang isip ko sa kahalayan at tuluyang malunod ang sarili ay ako na unang bumitaw. Napatingin ako sa mga mata niyang tila inaantok, bumaba ang tingin ko sa labi niyang namamasa. Mabibigat rin ang paghinga na tulad ko. Inayos ko ang nagulo niyang buhok at mabilis na pinatakan ng halik sa labi bago tuluyan akong lumayo at ibalik ang atensiyon sa daan.


"I think that's enough..." Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga habang nakatingin sa rearview mirror para ayusin ang sariling buhok na nagulo niya. "Baka abutan tayo nang gabi sa daan. Delikado." Napatikhim ako hindi pa rin makamoveon sa nangyari. Masyadong mainit pa rin kaya nilakasan ko ang aircon.


"Maaga pa naman."Muntik ko pang maisagad nang husto nang bigla siyang nagsalita para muling tangayin ang isip ko sa kung saan.


"W-what... did you say?"


Bigla siyang natauhan sa sinabi. Napakurapkurap ang kaninang inaantok na mata. Bigla siyang sininok sa hindi ko alam na dahilan. "May s-sinabi ba ako? Wala akong sinasabi." 

Muli akong napangiti. "What an adorable gorgeous sexy, baby." Gulat ang mga mata nitong napatingin sa akin. Bago pa siya makapagsalita sinakop ko na ang mga labi niya. Mas malalaim at nakakalunod.




HINDI na siguro mawala ang ngiting nakapaskil sa labi ko. Kahit ilang ulit akong nasigawan ng mga kotseng nakasunod sa amin dahil daw sa bagal ko magmaneho ay nakangiti pa rin ako. Kahit businahan ako nang malakas wala akong paki sa kanila. Mapapasulyap na lang ako sa katabi dahil animo'y naging musika sa pandinig ko ang bawat pagtikhim niya segu-segundo. Hindi ito makatingin sa direksyon ko. Mas piniling ituon ang tingin sa labas. 



Malapit na kaming makauwi sa bahay  hinihiling ko na lang na wag na matapos ang byaheng to. Kung pwedeng ganito na lang kami palagi. Na huwag sana magbabago ang pakikitungo niya tulad ng dati.



Buong byahe ay tahimik na kami, wala nang nagsalita. Naalarma tuloy ako kung anong tumatakbo sa isip niya. Hanggang sa makarating ng bahay doon ko lang namalayan na nakatulog pala siya.




Ilang minuto na ang tinagal ng panonood ko sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Kung hindi pa kumatok si Kuya Kanor sa bintana hindi pa ako matatauhan sa malalim na pag-iisip.


"Magandang araw, sir." Tumango ako rito nang hindi nilalayo ang tingin kay Tianna. Napansin ito ni Kuya Kanor. "Kaya po pala kayo hindi lumalabas dahil tulog pa ang prinsesa." Nakangiting biro nito kaya hindi maiwasang mapakamot sa ulo dahil pagkaramdam ng hiya.


"Ba't hindi mo po, sir, gisingin? Baka mangalay riyan si ma'am." 




Natauhan ako sa sinabi nito. May punto siya pero sa tuwing naririnig ko ang masarap nitong pagkakahilik ay nagdadalawang isip ako. "Baka po sumakit ang ulo." Nagpakawala ulit ako ng hangin, simpleng bagay lang ito pero grabe ako mag-alala sa babaeng ito.



Sinimulan nang kunin ni Kuya Kanor ang mga gamit sa likod. Napatingin ako sa oras, mag aala-diyes na. Saka lang ako nakapag-isp na lumabas ng sasakyan para buhatin na lang ito.



Pagbukas ko palang ng pinto sa tabi niya ay saka lang siyang nagkamalay. Napapikit muli ito dahil nasilaw sa tindi na ng sikat ng araw.


"Bubuhatin na sana kita..."

"No need." Kung gaano kalawak ang ngiti ko kanina ay unti-unti itong naglaho dahil sa kung gaano kalamig ngayon ang boses at tingin niya sa akin. Matamlay na tinanaw ko ang likuran nito hanggang sa makapasok ng bahay.





Pagpasok ko palang ay sinalubong ako nang yakap ni Bettina habang nagtitili ito. Muli tuloy sumilay ang ngiti sa labi ko. Nasaksihan ko pa kung paano ito hinila sa harapan ko ni Mia na animo'y umaasta daw na parang asawa ko.


"Sir, buti bumalik ka na! Ang lumbay nitong bahay kapag wala ka! Na miss kita sir ket 'di mo ko na miss. Hmp!"


"Ang landi mo talaga, Bettina! Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo! Jusko!"


Binigay ko na lang ang hawak na take out sa kanila nang natahimik na ang dalawa. Pero mali ako dahil bigla na namang nangyapos ang mga kamay ni Bettina, natawa na lang akong ginulo ang buhok nito.



"Grabe, sir, hindi mo talaga ako kinakalimutan! Love talaga kita!"


"Suskopo, bhe, yang take out na yan hindi lang yan para sayo. Sa ating lahat yan na mga maid. Hibang na to!" Nasaksihan ko pa kung paano mag asaran ang dalawa bago ako nanunang maglakad sa kanila. Nakasunod naman sila sa akin.



"Sir, anong gusto mong luto?" Tanong ni Mia.


Magsasalita na sana ako nang biglang tumambad sa harapan ko si Tianna.



"Bettina..." Nakanguso naman itong lumapit kay Tianna habang ang mata ay nagtataray.


"Bakit po, ma'am?" Labas sa ilong nitong saad.




"Pakilinis ng buong kwarto ko. Labhan mo na rin ang bedsheet, mga unan at kumot. Ngayon na mismo." Mautoridad nitong saad walang bakas na ngiti na tinalikuran kami nito. Nagtaka ako dahil ngayon lang ito magpapalinis ng kaniyang kwarto at magpapapasok ng ibang tao.


"Sir, tama ba yon na pagtrabahuhin ako nang walang kain?" Hahawakan sana ako ni Bettina sa braso pero hindi na natuloy nang muli g bumalik si Tianna.



Kung kanina walang reaksyon, ngayon kitang-kita ko na ang malamig at seryosong tingin nito na bumaba ang tingin sa braso ko kung saan patuloy ang palihim na paghawak ni Bettina sa akin na animo'y natatakot sa presensiya ni Tianna.

"Nagrereklamo ka? Ba't hindi ka sa 'kin mismo magreklamo?" Tumagal ang tingin nito sa akin nang mag-angat ng tingin matapos titigan ang braso ko. Namamangha ko itong tiningnan pabalik. "Isa pa, huwag mong basta-basta hahawakan ang pagmamay-ari ko... sa kwarto ko."



Hindi ako makapaniwalang napahawak sa noo nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Ayaw kong paniwalaan ang nasa isip pero impossible talaga.


"Ayan kasi Bettina, mukhang nagselos pa si ma'am. Pasensiya ka na, sir, ako na humihingi ng pasensiya." Hindi na nakaangal ito nang hilain na siya ni Mia paalis sa harapan ko. Natulala na lang ako at paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang salitang selos. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil kung totoo ibig sabihin may nararamdaman na rin siya para sa akin, finally!

___________________
#HGDW
#King&Tianna

His Gold digger's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon