End

175 9 0
                                    

Please don't read this chapter if you haven't read the very beginning of the story. Sinasabi ko sa 'yo, you can't enjoy the story if you start reading the last chapter. Now, go back to chapter one, love.
 

>> Last Chapter <<

"Do you still love Daddy? "

Nabigla man sa naging tanong ng anak kong si Thalia ay pinili ko na lang huwag itong sagutin. Isang linggo na silang nasa puder ko, hinayaan ako ni King na manatili ang mga bata sa bahay ko. Sa loob ng isang linggo  naging magaan na ang loob ng mga bata sa akin. At Malaki ang pasasalamat ko kay King. Tuwing hapon ay binibisita niya ang mga ito. Hindi naman siya nagtatagal sa bahay kapag pumupunta siya. May ilangan pa rin kasing namumuo sa pagitan namin.

Maging ako ay hindi sanay na nakikita ko siya sa loob ng bahay ko. Minsan nakaupo sa couch, kumakain sa kusina kapag niyaya ko o kaya ang makita siyang nakatalikod habang nagluluto para sa ulam ng kambal, dahil mapili ang mga ito sa kinakain. Pakiramdam ko bumalik kami sa dati. Mga panahon na gigising ako sa umaga at sasalubungin ako ng yakap ni King, maamoy ko ang mabangong niluto nito. Ang gagawin ko na lang ay ang uupo at ngingiti sa harap ng mga niluto niya. Hindi ko rin makalimutan ang pinakapaborito niyang gawin, ang suklayan at itali ang buhok ko.

Napangiti ako sa alaalang iyon ngunit hindi na kasing saya tulad ng dati sa tuwing naalala ko. Minsan talaga ang mga masasayang alaala ay nagiging malungkot sa paglipas ng panahon. Hindi lang dahil sa hindi na mababalikan ang mga sandaling 'yon, dahil hindi na rin mangyayari ulit.

"Ang bango-bango naman ng dalaga ko." Sinusubukan kong ibahin ang topic. Ang mawala ang pagiging mausisa nito tungkol sa amin ni King. Alam ko naman na hindi ko habang buhay matatakasan ang ganitong mga tanong, lalo na sa mga anak ko. Sadyang hindi pa lang ako handa sumagot.

Pinunasan ko nang marahan ang basa niyang buhok matapos ko siyang mabihisan dito sa loob ng kwarto ni Kiel na pansamantalang naging kwarto na rin nila. Ang dalawang binata ko naman ay nasa sala at abala ito sa paglalaro ng Chess.

Sinusuklayan ko na ang buhok ni Thalia nang muli itong magsalita. Natahimik ako dahil wala akong masabi.

"Mom?"

Napangiti ako nang marinig 'yon. Ang gaan at masarap sa pakiramdam. Hinalikan ko ito sa pisngi. "Hmm?"

"Are you trying to ignore my question again?" Ang inosenteng mga mata nito pero sa boses na parang nagtataray pero malumanay. "Why do you keep avoiding my question when it's about you and Daddy?Napansin ko ikaw, you suddenly change the topic instead of answering my question."

"Oh, I-Im sorry baby. What is it again. . . your question?" Pagmamaang-maangan ko. Sa pagkakataong ito alam kong wala na akong kawala. Kahit bata lang si Thalia hindi naman pwedeng magsinungaling ako sa kaniya. Lalo na't napansin ko rin na very observable siyang bata. Maliit man na detalye ay napapansin niya.

"Do you love Dad po?"

Nawala ang tingin ko kay Thalia nang mapansin ang pagpasok nila Kiel at Thom sa kwarto. Narinig nila ang tanong ng kapatid nila. Nanatili ang mga itong nakatayo sa tapat ng pinto, nakikinig sa magiging sagot ko.

Muli kong binalik ang tingin Kay Thalia. Malungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Kung ibang tao lang ang natanong sa 'kin ng ganitong bagay ay mabilis ko na ito na sagot ng kasinungalingan.

"S-siguro. . . Siguro kung nanatili ako sa inyo, maybe yes."

"You're not sure. But Daddy still loves you." Napalunok ako sa naging sagot nito.

"I often saw him looking at your pictures in his phone with sadness in his eyes. When he had nothing to do, he stayed in our living room just to stare at your wedding picture. Sometimes I ask him, why our own mom left us and why he let you go somewhere? Then dad said, You have another business you need to fix; that's why you left us. He tried to tell that little by little so we could understand everything, but Mommy, I couldn't stop myself from being mad with you, but now not anymore. I'm not mad anymore. I learned that you have Kuya Kiel; maybe that's the reason why you left us."
 
"Mommy, daddy loves you so much. But I think it doesn't matter anymore, right? Because I heard Tito Cad and daddy talking. Is it true that you have something with Tito Van? How about daddy?"

His Gold digger's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon