Chapter 1

1.6K 26 1
                                    

"Isda kayo diyan! Sariwang-sariwa pa! Bili na kayo ng isda na kasing-fresh ng tindera!" sigaw ko habang inaayos ang mga paninda kong isda.

"Ate Ganda! Bili ka na po!"

"Kuya, ano'ng hanap mo? Mayroon akong tilapya at bangus dito!"

"Magkano ang kilo ng isda ngayon, Lorena?"

Matamis ang ngiti sa aking labi nang lingunin ko ang babaeng nagtanong.

"Isandaan ang isang kilo, Ate Osang," sagot ko na nginiwian niya. "Medyo tumaas kasi ang presyo ng isda ngayon. Malaki ang patong ng supplier namin dahil sa bagyo noong nakaraang linggo,"  paliwanag ko kahit na hindi naman niya hinihingi.

Malakas ang dumaan na bagyo nitong nakaraang linggo. Halos lahat din ng pananim ni Tatay sa bukid ay na-wash out. Kaya gipit na gipit kami ngayon. Kahit gustuhin ko mang magpahinga sana kahit isang araw lang, hindi puwede. Bawal magpahinga ang isang kahig isang tuka na gaya ko.

Kailangang tuloy-tuloy ang pagtatrabaho upang makatulong ako sa gastusin sa bahay. At upang makabayad din sa mga pagkakautang namin.

High school graduate lang ang tinapos ko. Hindi na ako nakapag-college dahil pinauna ko na lang ang mga kapatid ko. Hindi kami kayang pag-aralin ng mga magulang namin ng sabay-sabay. Bilang panganay na anak, nag-give way na lang ako sa aking mga kapatid na mas maliit pa sa akin. Kailangan kong tulungan ang aking mga magulang sa paghahanap buhay.

Naiinggit ako sa mga kaklase ko nang high school na nag-aaral ngayon sa kolehiyo. Pero ganoon talaga ang buhay sa mundo, may mayaman at mahirap. May pinagpala at mayroon din namang mga salat. At napabilang nga ako sa salat at kapus palad. 

Gusto kong mag-ipon ng pang-matrikula pero sa dami nang bayarin, hindi ko magawa. Ayaw kong maging pabigat sa pamilya namin.

"Bigyan mo ako ng isang kilo, hija," sabi ni Ate Osang at agad nag-abot ng bayad. "Nasaan pala ang Nanay mo? Bakit ikaw ang pinagtinda niya ngayon?"

"May paani po ngayon ng mais kaya sumama siya kay Tatay, Ate Osang. Sayang din kasi."

Nangangati kasi ang balat ko, kapag nadikit ang balat ko sa mga pananim na mais, kaya si Nanay na lang ang nakiani at ako muna ang inutusan na magtinda dito.

Minsan nakiki-extra kami ni Nanay sa pagtatahi ng pakyawan sa may factory sa karatig bayan, kapag ganiyan na marami ang order sa kanila.

Ngumiti siya at tumango. "Siya, mauna na ako nang maluto ko na ang pananghalian ng mga bata, bago ko sila sunduin sa kanilang eskwelahan."

"Salamat, Ate Osang!"

Pinaypapaypay ko ang isang daan sa mga paninda ko upang swertehin ako at mabilis kong mapaubos nag aking paninda.

"Kuyang pogi! Bili ka na ng isda!" sabi ko sa lalake na patingin-tingin sa tapat ko.

Hindi naman siya guwapo pero syempre, para makabenta kailangan kong sabihin na guwapo siya.

Dapat mapaubos ko ang mga ito ngayon. Gipit na gipit talaga kami ngayon. Nitong mga nakaraang linggo nga, umasa na lang kami sa mga relief goods na pinamudmod ng DSWD..

Kung hindi dahil sa mga relief goods na ipinapamahagi nila, baka namatay na rin kami sa gutom.

Napangiti ako nang lumapit si Kuya. "Ilan, Kuya?" masigla kong tanong sa kaniya.

Tinuro niya ang mga isda gamit ang kaniyang daliri. Ayaw niyang humawak sa isda, kaya ako na lang ang dumampot sa mga ito saka kinilo.

"Dalawang kilo, Kuya," saad ko. Tumango naman siya saka naglabas ng pera sa kaniyang pitaka.

My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon