Chapter 4

653 26 0
                                    

Ilang araw lang nawala na ang pamamaga ng aking mga paa. Ako na ulit ang nag-asikaso kay Chichi.

Kahit paano nagbago na din ang pakikitungo sa akin ng bata. Sabi ng mga kasama kong kasamabahay, mukhang nahuli ko ang kiliti ng bata kaya mabait na ito sa akin.

Hindi maaalis ang pagiging makulit niya. Pero nakakatuwa dahil marunong na siyang magsabi ng sorry kapag nakakasakit na ang pagkamakulit niya.

"Sorry nga po pala sa ginawa ko sa mga damit mo, Ate Lorena." Kahit nakanguso siya, ramdam ko naman ang pagiging sinsero niya sa paghingi ng tawad.

Nakangiti kong hinaplos ang ulo niya. Nginitian naman niya ako.

"Kalimutan mo na iyon. Pinalitan naman na ng daddy mo ang mga damit. Kaya okay na. Pinapatawad na kita. Basta ipangako mo sa akin na bawas-bawasan mo na ang pagkamaldita mo, okay?"

Natawa ako ng sumimangot siya.

"Sorry din pala sa nasabi ko sa'yo noon." Hindi ko iyon dapat sinabi. Napaka-insensitive ko sa parteng iyon, lalo sa isang bata na nangungulila sa namayapa niyang ina.

Namatay ang mommy ni Chichi sa panganganak sa kaniya. Ang kaniyang lolo at lola ang nagpalaki noon sa kaniya, pero nang tumuntong daw siya ng edad na anim, kinuha siya ng kaniyang ama.

Workaholic daw si Mr. Dizon sabi ni Mely. Bukod doon, madami din daw itong mga babae. Siguro iyon ang paraan niya upang makalimutan ang sakit at upang mapawi ang pangungulila sa kaniyang namatay na asawa.

Pero very wrong pa din ang paraan niya.

Sayang, gusto ko pa man din sana siya kaso babaero pala.

Mahigit isang buwan na akong yaya ni Chichi. At natanggap ko na din ang sahod ko. Pinabale na nga din ako ni Sir ng isang buwan, kaya malaki ang naipadala ko sa pamilya ko.


"Hello, Nay. Nakuha niyo na po ang padala ko?" Tanong ko kay Nanay mula sa kabilang linya. Binilhan ko sila ng celphone. Gamit ko naman sa pagtawag sa kanila ang celphone ni Rita.

"Oo, Anak. Bakit hindi ka man lang nagtira para sa sarili mo?"

"Ayos lang po iyon, Nay. Para mabilis nating mabayaran ang lahat ng utang natin."

"Kumusta ka naman diyan, Anak? Hindi ka ba nahihirapan sa alaga mo?"

"Mabuti naman po, Nay. huwag niyo po akong alalahanin. Nang una, medyo nahirapan ako. Pero kalaunan naging maayos din po ang lahat."

"Mabuti naman kung ganoon. Basta, kapag nahirapan ka, umuwi ka na lang."

Hindi naman porket nahirapan, susuko na agad.

"Opo," sagot ko na lang. Nang matapos ang tawag saka ko lang napansin na may kasama pala ako dito sa may garden.

Nakaupo si Sir sa bakal na upuan habang mag-isang nag-iinom. Alas-nuebe na ng gabi, at tulog na din si Chichi.

Nakakapagtaka na maaga siyang umuwi ngayon at dito na lang niya sa bahay naisipang mag-inom.

"Good evening po, Sir."

"Come here, Lorena," tawag niya sa akin.

"Bakit po, Sir?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

"I just want to thank you. Salamat sa pagtatiyaga mo kay Chichi. Masaya ako na tumagal ka."

Isang buwan pa lang pero akala mo naman isang taon na ako dito kung maka-react si Sir. Kung sabagay, wala nga palang nagtagal sa mga naging yaya ni Chichi.

Titig na titig sa akin si Sir habang sinasabi iyon. Ramdam ko tuloy ang pag-iinit ng aking pisngi. Tiyak na namumula na ito ngayon.

"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, Sir," sagot ko.

My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon