Chapter 2

701 28 0
                                    

"Mabuti at nandito ka na, Anak," nakangiting bungad sa akin ni Nanay pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay. Alas-kuwatro na ng hapon. Kaunti lang ang paninda ko pero natagalan pa bago ko ito napaubos.

Nagsawa na yata sa isda ang mga tao at puro karne o gulay na ang inuulam nila.

Hindi pa tapos ang paani ng mais kaya ako muna ang nagtinda sa palengke.

Tipid akong ngumiti kay Nanay.

"Bakit, Nay?" Nagtataka kong tanong kay Nanay. Kakaiba kasi ang ngiti niya sa mga labi. May maganda bang nangyari?

"May nag-offer kasi sa akin na maging ng yaya. Kaso. . . Hindi ko pwedeng iwanan ang mga kapatid mo, kaya naman umaasa ako na kung pwede ay ikaw na lang ang pumalit sa akin."

"Dito sa bahay?" kunot noo kong tanong. Marahan siyang umiling.

"Sa Maynila, anak."

Hindi ako agad nakasagot. Ilang sandali akong nag-isip.

Tumikhim si Nanay.

"Maganda ang offer nila, anak. Busy daw kasi sa trabaho iyong daddy ng bata, kaya naman kailangan niya ng mag-aalaga sa anak niya. Huwag kang mag-alala, dahil mabait naman daw ang magiging amo mo. . . kung papayag ka."

Ngumuso ako.

"Nasa sa 'yo yan, anak, kung papayag ka," sabat naman ni Tatay.

"Pero kung tatanggihan mo, wala rin namang magiging problema."

Tumango si Nanay bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Tatay.

"Pero kung ako sa 'yo, anak, tatanggapin ko ang offer nila. Hindi ka na makakahanap ng trabaho ngayon na halos triple ang bayad sa ‘yo sa pag-aalaga lang ng bata. Hindi mo kailangang maglinis ng bahay dahil may ibang gagawa nun para sa ‘yo. Ang kailangan mo lang gawin ay tutukan ang pag aalaga sa anak niya."

"Sige po, 'Nay. Payag po ako. Malaki po ang sahod, tiyak na ilang buwan lang mababayaran na natin ang mga pagkakautang natin."

Malungkot na ngumiti si Tatay.

"Pasensya ka na, Anak, kung mahirap lang tayo."

"Naku, Tay. Bawal umiyak," biro ko sa kaniya.

Baka mamaya biglang magbago ang isip ko. Hindi pa man din ako sanay na mawalay sa pamilya ko. Malulungkot ako, tiyak iyon. Kaso para sa malaking sahod at para na din sa pamilya ko, laban lang.

"Sige, puntahan ko na muna si Ate Ising upang sabihin sa kaniya na pumayag ka."

Pagbalik ni Nanay, sinabi niya na kailangan ko nang mag-empake, dahil bukas na bukas din ay luluwas na daw ako agad ng Manila.

"Bakit agaran naman yata?" reklamo ko.

"Urgent ang kailangan nila, anak," sagot naman ni Nanay.

"At saka kilala naman ako ni Aling Ising, kaya hindi na siya nagdalawang isip na contact-in ang pinsan niya na kasambahay ng kakilala nang magiging amo mo."

"Sige po."

"Nagdadalawang isip ka ba?" tanong ni Nanay.

"Hindi po, mamimis ko lang kayo."

Niyakap ko si Nanay. "Mamimis ka din namin, Anak. Pasensya ka na kung kailangan mo na namang magsakripisyo."

"Para po sa pamilya natin, Nay. Lahat gagawin ko."


MAAGA akong hinatid ng aking pamilya sa terminal ng bus papunta ng Manila.

Nakangiti sina Nanay at Tatay habang nagpapaalam sa akin, ngunit kita naman sa mga mata nila ang kalungkutan dahil sa pag-alis ko.

My Boss Is A Hot Byudo- COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon