Nauna na ako pumasok sa school, hindi ko na hinintay sila Pangs at Lance. Sino ba ang tinutukoy ni pangs sa mga post niya? Pumunta ako sa maliit na gazebo sa garden ng school dahil maaga pa naman. Mamaya na ang audition at alam ko na naman ang gagawin pero parang nawalan ako ng gana. I never felt this empty before. Kahit iniwan kami ni Papa hindi naman naging ganito ka lungkot. The thought of Pangs having someone special breaks my heart, hindi ko kayang mawala siya sakin. Umupo ako sa bench at nakinig sa piece na kakantahin namin ni Lance mamaya. Nagulat ako dahil may biglang umupo sa tabi ko.
"Why didn't you wait for me?" seryosong tanong niya. I stayed silent dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Are you mad?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Tumayo ako at akmang aalis pero hinatak niya ako at niyakap. "I'm sorry pangs, please don't be mad." Saad niya at mahigpit akong niyakap. Hindi ako umimik I waited for him to let me go and I walked away from him. Tears slowly run down my cheeks, I don't even know why I'm crying right now. I wiped my tears and went to our classroom.
"Daphie are you okay?" tanong niya I just smiled at him
"Kinakabahan lang." sagot ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa kaya umupo na ako sa upuan. The audition started, naupo sa tabi ko si Lance and held my hand kaya napatingin ako sa kanya.
"We can do it." He assured me and smiled. I nod at him. Tinawag na kami at kumanta na kami ni Lance everyone in the room went silent. At makikita ko sa mga mata nila na nagagandahan sila sa boses ni Lance at napapangiti at kinikilig naman ang mga babae. Natapos din ang audition at mamaya pa nila iaanounce ang mga nakuha. Kaya dumerecho na kami sa cafeteria at nakita namin ang barkada na hinihintay kami.
"Daph, si Ly?" tanong ni Kyle I shrugged my shoulders
"Hindi ba siya pumunta ng gym?" tanong ni Lance
"Hinanap nga siya ni coach eh, I made excuses nalang dahil hindi ko din siya ma contact." Sagot nito. Napahawak ako sa sentido ko, alam ko dahil sakin iyon. Baka nasaktan ko siya, sinaktan ko na naman siya. You're really very capable of hurting your best friend Daph! Umalis ako ng walang pasabi at hindi ko na sila nilingon kahit tinatawag nila ako. Bumalik ako sa garden para tingnan kung nandun pa siya.
Nakita ko siya nakaupo sa may malaking puno wearing his headphones. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hindi ako umimik at nanatiling nakapikit ang mata niya. I stayed quiet and closed my eyes as well.
"Bakit ka ba galit sakin?" biglang tanong niya
"Hindi ako galit, nagtataka lang ako sa inaasal mo." Sagot ko at tiningnan siya. He sighed. "Marami ka nang hindi sinasabi sakin, ang layo mo na pangs." Saad ko at napaiyak nalang. Tinanggal niya ang headphones niya. "Hindi mo na ba ako pinagkakatiwalaan?" malungkot na saad ko
"Alam mong hindi totoo iyan." Sagot niya "Ano ba ang hindi ko sinasabi sayo?" taong niya at hinawakan ang kamay ko
"Ewan ko, nasanay na kasi ako na alam ko ang lahat ng tungkol sayo. Sinanay mo ako na maging ganto." Sagot ko. "Dahil ba may nagugustuhan ka na, pinagbabawalan ka ba niyang maging open sakin?" umiiyak na saad ko "Iiwan mo din ba ako-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap. Humagulhol ako dahil nasasaktan ako sa katotohanang dadating din iyong araw na iba na ang priority niya.
"Hindi kita iiwan, I will always be here for you no matter what." Saad niya at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ko pa maipakilala ang taong nagugustuhan ko pangs, dahil hindi din niya alam ang nararamdaman ko. Natatakot pa akong umamin dahil maging iba ang paningin niya sakin." Malungkot na saad niya. "Someday I'll have the courage to say what I really feel for her and I hope that she feels the same." Saad niya at malungkot na ngumiti. He wiped the tears running down my cheeks. "I am very sorry for making you feel that way, it was never my intention." Malambing na saad niya, I just smiled.
The reason why I'm afraid of him having someone special is that I don't want him to forget and leave me by myself. I am too dependent on him, and I don't know if I can still make it without him by my side. Ganito ba talaga kasakit ang tinatawag nila na pagmamahal? My father is the first man who broke my heart. Nagawa nga niya akong saktan ano pa kaya ang iba. I'm afraid of falling inlove and getting hurt. Package deal daw kasi yun, once you fall inlove you must bear getting hurt by them. Hindi ba pwedeng love na lang? Mas masaya kasi kung ganun lang eh, less hassle.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni pangs sakin.
"I don't feel like going somewhere, maybe later?" sagot ko, ngumiti naman siya at tinulungan ako makatayo. Dumerecho kami sa cafeteria at nakita namin na andun pa ang barkada.
"Dude, saan ka galing?" tanong ni Kyle
"May inasikaso lang." maiksing sagot ni pangs.
"Umiyak ka ba Daph?" tanong ni Harper tiningnan ako ng malapitan.
"Ahh napuwing lang, mahapdi pa nga eh." pekeng ngiti na sagot ko. Lance just looked at me and pangs.
"Saan ka kasi nagsusuot." Saad ni Lance at ginulo ang buhok ko. I just smiled at him.
"Kumain na kayo?" tanong ni Pangs, umiling silang lahat
"Hindi ko bet ang food nila ditto eh." Sagot ni Olie
"Labas tayo kain, treat ko." Saad ni Lance napangiti naman si Harper at Olie
"Ayun libre." Nag apir silang dalawa
Umalis kami ng school at pumunta sa isang restaurant na malapit lang.Dito din kami kumakain nila Olie pag hindi naming gusto ang luto ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
Bound by Friendship, Unleashed by Love
Romance"Bound by Friendship, Unleashed by Love" is a captivating story that explores the powerful connection between friendship and love. Set in a vibrant and diverse world, the narrative follows a group of friends who embark on a journey of self-discovery...