Chapter 2

8 0 0
                                    


Sabay kami pumasok ni pangs and he greeted his other friends na puro lalaki. Umupo na ako at nag soundtrip na lang dahil wala pa naman si Ma'am, sumubsub ako sa arm chair after awhile may biglang humawak sa kamay ko kaya napaangat ako ng tingin. Si pangs lang pala tinaasan ko siya ng kilay para sabihing may problema ba umiling lang siya at ngumiti. Kaya binalik ko nalang ang sarili ko sa pag idlip, pinipisil niya ang mga kamay ko. Medyo clingy talaga si pangs, kaya akala nila mag on kami. At marami din ang naiinggit sa akin lalo na ang mga babaeng may gusto sa kanya. Sikat din siya sa school dahil nanalo siya last year sa pageant sa Mr. Intramural sa school namin dito sa laguna ang Calamba National High School. Imagine may 24k followers siya sa IG at 20k sa twitter. Magaling din mag basketball si pangs sa katunayan siya ang team captain sa school namin. Friendly naman ako pero hindi ako katulad ni pangs na maraming kaibigan sa katunayan maliban sa kanya may tatlo akong kaibigan at kaklase din namin. Si Kyle Enriquez na kasama ni pangs palagi sa court, si Harper Alcantara at si Olivia Velasco kaibigan namin sila simula first year magaan din ang loob ko sa kanila dahil pranka sila at kung may ayaw sila sayo sasabihin agad nila. For short hindi sili plastic. Dumating na si Ma'am at nag simula na siya mag turo. Sa tuwing nagtatanong si ma'am sumasagot naman ako, pati na din si pangs. At ang iba pa naming kaklase. Sa totoo lang ang iba naming kaklase masyadong competetive pero hinahyaan ko lang naman sila at wala naman sakin ang pagiging top ang importante sakin ang pumasa lang. But that doesn't mean na mababa ang grades ko ha sakto lang. Snack time na kaya lumapit ang tatlo naming kaibigan ni pangs at niyaya kami sa canteen.

"Arat kain, gutom na talaga ako." saad ni Kyle habang ngumunguso, inakbayan naman siya ni pangs. Sabay sabay kami pumunta sa canteen at umupo sa palagi naming inuupuan.

"Tara Kyle" akmang tatayo ako para sumama sa kanila mag order ng pinigilan ako ni pangs at sinabing siya na daw at alam na naman niya ang gusto ko. Kaya wala na akong magawa at naupo nalang

"Favoritism talaga tong si Ly eh. Bilhan mo din kami ni Olie" saad ni Harper, nag tanong siya kung ano ang gusto nila at umalis si Kyle.

"Akala ko talaga noon mag jowa kayo ni Ly eh" biglang sambit ni Olie tumawa lang ako sa kanya at napailing sa sinabi

"Lol, kasama ko na yan lumaki. Impossible maging kami ni pangs dahil best friend ko siya at best friend niya ako." proud na sabi ko at napailing si Harper

"Pwede naman siguro yun, marami namang ganun ah." saad niya at umiling lang ako ng umiling

"Iba kami ni pangs eh, at tsaka wala pa yan sa isip ko." tanging sagot ko lang. Sakto at dumating sila pangs bitbit ang pagkain. Nilapag niya sa harap ko ang lasagna at mango shake dumukot ako ng pera sa bulsa ko at binigay sa kanya pero binalik niya sakin.

"Sana all ni lilibre." hirit ni Kyle binatukan siya ni pangs at tumawa naman kami sa kakulitan nilang dalawa.

"Pangs may practice pala kami mamaya, okay lang ba na antayin mo nalang ako. Madali lang naman daw eh." sabi niya sakin, tumango nalang ako at kinain ang ibinigay niyang pagkain. Mahilig talaga ako sa cheese at sa mangga.

"Sure ba kayong, hindi kayo mag jowa?" tanong ni Kyle at tumango naman ang dalawa na para bang hindi sila kumbinsido sa relayon namin ni pangs sa isa't isa.

"Hindi nga, tsaka itong si pangs may pinariringgan sa socmed. Nabasa ko pala tinweet mo kagabi." sabi ko at tumingin sa kanya agad naman siya nag iwas ng tingin. At ang tatlo naman agad nilabas ang mga cellphone at tinignan. "Sino ba yung nagpapaliwanag ng araw mo ha pangs?" tanong ko nakita ko namula ang tenga niya.

"Nakita ko lang iyon noh kaya naki tweet narin. You know to gain more followers hehe." sagot niya at tumikhim siningkitan ko siya ng mata. "Oh ba't ka ganyan makatingin ha?" balik tanong niya sa akin

"May tinatago ka ba sakin pangs?" tinaasan ko siya ng kilay bigla naman humaba ang nguso niya at hinawakan ako sa mukha narinig ko ang pag singhap at bulungan ng iba naming kaklase. Pero balewala lang sakin ang ganitong gesture ni pangs sanay na ako sa kanya.

"Pangs wala nga kulit neto." sabi niya at pinisil ang ilong ko napangiwi naman ako sa sakit.

"Takte parang mag jowa kung umasta talaga!" reklamo ni Olie, tumayo na kami at bumalik sa room dahil may klase pa. Pumasok ang teacher at nagturo lang. Nahuhuli ko din si pangs na palaging nakatingin sakin hindi ko nalang pinansin at baka bored na naman siya. Pagkatapos mag lecture ni Sir agad din kami nag quiz, kaya ayun rinig ko ang reklamo ni Kyle. Hindi kasi nakikinig malayo pa naman siya samin buti nga sa kanya napaka tamad mag-aral. Naabutan kami ng time kaya kinolekta na ang mga papel namin at nag paalam na din si sir.

"Gagi, ang hirap naman ng quiz." reklamo agad ni Kyle, Olie jus rolled her eyes at him.

"Try mo kasing makinig minsan, hindi puro tulog ano" asar sa kanya ni Harper, napakamot lang siya sa ulo niya. Lumapit si pangs sakin at inakbayan ako.

"Tara na, kain na tayo." aya niya sa amin, tumango na ako at sabay kami lahat papunta sa canteen maraming babaeng tinitingnan ako at ang braso ni pangs na naka akbay sakin. I just ignored them total wala naman kaming pakialam kung anong sasabihin nila eh.

Kumain na kami lahat at pagkatapos nun bumalik na din sa classroom at klase na naman, natapos ang tatlong subject at uwian na din. Nauna na si Olie at Harper naiwan kami tatlo ni pangs at Kyle dahil nga may practice sila. Naupo lang ako sa bleachers at kinuha ko ang libro ko at nagbasa. Nag earphones na din ako para hindi ko marinig ang ingay ng bola at takbuhan nila sa court. Nagulat ako dahil may biglang humatak sakin, yun pala malapit ako matamaan ng bola. I looked at him and I was drowned by his dark brown eyes, hawak niya parin ako sa kamay at hindi pa ako makagalaw at hindi ko alam kung bakit. Nabitawan niya lang ako ng may narinig kaming tumikhim sa harap namin, napatingin ako at nakita ko si pangs na magkasalubong ang kilay at ang seryoso ng mukha.

"Are you okay?" tanong ng lalaki sa akin, kaya nabalik ako sa wisyo ko at napatingin sa kanya. Naramdaman ko ang init ng aking mukha.

"Uh yeah, t-thanks" nahihiyang pagpasasalamat ko, nag paalam naman siya at tiningnan ko si pangs na nakakunot parin ang noo. Galit ba siya? "Oh, b-ba't ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot at bumalik sa gitna ng court nakita ko pa nakayuko ang isang teammate nila yun ata ang muntik naka tama sakin ng bola. Narinig ko pinapagalitan siya ni pangs.

"Give me twenty laps!" inis na utos niya sa lalaki, sobra naman ang twenty laps gusto ko sana umangal pero sumenyas sakin si Kyle na wag na kasi nga badtrip daw si pangs. Naawa ako sa ka team niya pero wala akong magawa baka lalong mapaginitan siya ni pangs. Napakamot nalang ako sa sentido ko. Naku bakit ba kasi mainit ang ulo niya! Natapos din ang practice nila nag paalam sakin ang mga teammates nila.

"Una narin ako bro, Daph" paalam ni Kyle sa amin, hindi umimik si pangs niyakap ko si Kyle.

"Ingat sa pag uwi." sabi ko at ngumiti siya sa akin at kumaway. Naglalakad kami ni pangs at hindi parin siya umiimik kaya hinayaan ko na lang. Bigla nalang siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako. "Anyare sayo ha?! Kanina ka pa ah, galit ka ba ha?" tanong ko sa kanya

"Next time be careful, I don't want seeing you hurt Daph. At naiinis ako dahil muntik ka nang matamaan ng bola kanina at wala man lang akong nagawa. I'm angry at myself for not moving fast enough to save you earlier." seryosong saad niya at malalim ang paghinga. I hold his face and smiled at him

"I'm perfectly fine pangs, at may tumulong naman sakin. And it was an accident, you shouldn't have gave your teammate a punishment like that. Accident happens you know." saad ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

Bound by Friendship, Unleashed by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon