Chapter 1

15 0 0
                                    

Umiiyak ako sa swing, nasa playground ako na malapit sa bahay. My Papa left us iniwan niya kami at hindi ko alam kung ano ang dahilan. I always ask my mother but she always say na may lakad lang si Papa. Hindi ko pinapakita na nasasaktan ako sa kasinungalingang pinagsasabi niya. Its been two years, dalawang taon nang wala si Papa. Dalawang taon ko nang naririnig umiiyak gabi-gabi si Mama at gigising ng kinabukasan na para bang okay lang siya. She never let us see her vulnerability and alam ko kung bakit, dahil ayaw niya kaming masaktan ng kapatid ko. Kahit alam ko pilit siyang ngumingiti pag binabanggit ni Axel ang makasarili naming ama. Natigil ako sa pag iyak ng may umabot ng panyo sakin, inangat ko ang aking mga mata at nakita ang best friend kong ngumiti sakin.

"Shsh... Tahan na, gusto mo ba ng ice cream?" tanong niya sakin at hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak patayo. Alam niya na sa tuwing malungkot ako ice ceam lang ang makakapagwala nun. We knew each other since birth dahil magkapitbahay lang naman kami at close din ang pamilya namin sa isa't isa. Pumunta kami sa malapit na sari-sari store at nilibre niya ako ng ice cream

"Thank you pangs, thank you for cheering me up." I said while smiling and eating the ice cream he gave me. He pinched my nose and smiled.

"You know I hate seeing you sad pangs, and of course my role is to make you happy." saad niya at ginulo ang buhok ko. He is my protector, noon paman pag inaaway ako ng mga classmate nandiyan siya para ipagtanggol ako. We are in our second year, at palagi kaming mag kasama at tinatanong kami ng mga classmates namin kung kami ba daw. And we both just laugh, kasi para na naming kapatid ang isa't isa. Hinatid na niya ako pauwi dahil mag gagabi narin at may pasok pa kami bukas. Pumasok ako sa bahay at nakita si Mama nagluluto ng hapunan.

"Where have you been anak?" tanong niya sakin, lumapit ako sa kanya at nag mano.

"Kasama ko po si pangs ma, nilibre niya ako." sagot ko sa kanya, tumango lang siya at nag patuloy sa pagluluto. Dahil iniwan kami ni Papa bumalik si Mama sa pagtatrabaho bilang isang empleyado sa isang kumpanya. At dahil wala siyang trabaho ngayon kaya andito siya at inaasikaso kami. Well off ang family ni pangs dahil producers ang parents niya. His parents is in the showbiz industry, pero hindi sila umaarte. Sila ang mga bigating producers dito sa Pilipinas at sabi sa akin ni pangs isa sa stockholders sa BSA-BCN ang magulang niya. At sikat ito na TV network kaya masasabi ko talaga na well off sila. And what I admired sa family nila ay napaka humble at ang babait hindi sila katulad ng iba. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama, kinuha ko ang isang librong binabasa ko. I'm addicted to love stories, dahil I believe na masaya ang pagmamahal. Naniniwala ako sa soulmates, destiny at walang hanggang pagibig. Mahilig talaga ako sa romance at dun ko narin kinukuha ang motivation lumaban sa buhay. Sabi nga nila there's always a rainbow after the rain. Binabasa ko nga pala ay isang wattpad book, entitled sacrifice for love by DanieMaldita_28. May biglang pumasok sa kwarto ko walang iba kundi si pangs.

"Patambay." sabi niya at tumabi sa akin.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa, naamoy ko kasi na masarap ang niluluto ni Tita." ngumiti siya sakin kaya napailing ako kinuha niya ang binabasa ko at binasa ang title nito

"Hindi pa ba dumating sila Tita?" tanong ko sa kanya napatingin siya sa akin.

"Hindi pa eh, may titingnan daw sila. Maybe isang movie na sila ang kinuhang producer." sagot niya at binalik sa akin ang libro. Nahiga siya sa bed at kinuha ang kaliwa kong kamay at hinawakan. Ganyan talaga si pangs at wala namang malisya sa amin iyon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng biglang pumasok si Mama.

"Dinner's ready, bumaba na kayong dalawa." saad ni mama at ngumiti kay pangs

"Ey, makakalibre na naman ng masarap na pagkain." natawa si Mama sa kakulitan ni pangs. Bumaba na kaming dalawa at nakita ko si Axel doon na nakaupo at ng makita niya si pangs kumaway siya dito.

"Hi kuya Sander!" lumapit si pangs sa kanya at ginulo ang buhok niya, umupo na kami at nagdasal para makakain. Masaya kaming kumain at pagkatapos nag presinta naman si pangs na siya na ang mag huhugas nang pinagkainan, tumanggi si Mama pero dahil makulit si pangs ay pumayag narin siya. Pumasok na si Mama at Axel sa kwarto nila at nanatili lang ako sa kusina pinapanood si pangs maghugas.

"Pangs, kanta ka naman diyan." request niya sakin, umalis ako at pumunta sa kwarto para kunin ang gitara ko. Bumalik ako at umupo sa isang upuan at nagsimulang mag strum.

"When I was younger I saw my daddy cry, and curse at the wind. He broke his own heart and I watched as he tried to reassemble it." I saw him looked at me and I smiled he smiled back. "And my momma swore that she would never let herself forget. And that was the day that I promised I'd never sing of love if it does not exist." I sang it wholeheartedly, nakita ko kuminang ang mga mata ni pangs ewan ko ba baka namalikmata lang ako. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta at pag gui-guitara. "You are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. I'm on my way to believing and I'm on my way to believing." ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Ganda talaga ng boses mo pangs, pwede ka nang mag dancer." biro niya at binatukan ko siya. Nag tawanan kaming dalawa, natapos siya paghuhugas at nag paalam na kasi maaga pa ang pasok namin bukas. Pumasok na ako sa kwarto at naligo para matulog na din. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang tweet ni pangs nangunot ang noo ko sa nabasa.

You make every day brighter. - @LysanderX

Bound by Friendship, Unleashed by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon