Wake me up, When September Ends Two

45 9 0
                                    

"Tama na anak! Tama na! Tumahan ka na! Magiging maayos din ito anak. maniwala ka malalagpasan mo rin ito at tatandaan mo andito pa kami ng Papa mo para tulungan kang mas mabuhay pa ng matagal" sabi pa ni Mama sakin nang ako'y kaniyang pinapakalma habang ako'y nagwawala sa kama ko


"Ma naging masama po ba ako?" tanong ko pa kay Mama habang umiiyak pa din habang yakap-yakap niya ako


"Hindi anak. Sa katunayan niyan anak kami ng Papa mo ang may kasalanan" pag-aako pa ni Mama sa sisi





"Wag niyo pong sabihin yan ma" wika ko pa ulit kay Mama sabay pinunasan ang mga luha ko at pilit na nagpapakatatag para sa kanila

"Anak matulog ka na at siyaka wag ka na mag-isip ng kung ano diyan. Goodnight na at Mahal ka namin ng Papa mo" malambing pang saad ni Mama sakin sabay hinalikan ako sa pisngi at niyakap ako muli bago niya isinarado ang pinto ng kwarto at pinatay ang ilaw upang makatulog na ako


"Sige po ma. Goodnight din po at siyaka super duper duper duper ko din love kayo ni Papa" sabi ko pa kay Mama nang nakangiti habang hinalikan at niyakap din ito pabalik bago ako tuluyang nahiga at ipinikit ang mata ko matapos masirado at patayin ni mama ang ilaw sa kwarto ko




Magpakatatag ka Anna Flora.
Magpakatatag ka hindi lang para sa sarili mo kundi pati na rin sa mga magulang mong mahal na mahal ka.

Makakaya mo din ito!
Hindi Kakayanin mo ito!
Dapat lang dahil marami ka pang gustong gawin at tuparin sa buhay mo kaya kung ako sayo huwag na huwag kang susuko ha!

Sige lang ituloy mo lang ang buhay!
ituloy mo lang ang pakikipaglaban mo sa sakit mo okay?


Dahil pag hindi mo ginawa baka wala ka na talagang pagkakataong makita pa ulit siya.


Ano gusto mo puro na lang pagsisi ang maramdaman mo.

Sobrang naguguluhan na talaga ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nagdurusa ng ganito?

Bakit sa dinarami-rami ng tao dito sa mundo.
Bakit sa akin pa dumapo ang sakit na to bakit? bakit kaya?

Kayo alam niyo ba kung bakit?
Kasi ako marahil pinanghahawakan ko na lang ang paniniwalang lahat ng paghihirap at pagdurusang dinadanas ko ngayon ay matatapos din ito dahil ika nga ng karamihan ay lahat ng pagsubok dito sa buhay na ito ay may dahilan ang panginoon kung bakit kinakailangan na maranasan natin ang mga ganitong klaseng bagay.

Hay sa wakas tapos na din ang buwan ng Abril!


Sana sa mga susunod na buwan ay pagbigyan ulit ako ng pagkakataong makita siya para hindi maging huli ang lahat para sakin ang maranasan man lang ang pag-ibig na hanap-hanap ko noon pa lang ako ay bata pa.




*Summer May 2015*
( Pagsisimula ng Flores De Mayo sa Chapel namin)


"Anak Gumising ka na!" malakas pang tawag sakin ni Mama habang inakyat ako sa kwarto para gisingin


"Mama naman eh, inaantok pa po ako" reklamo ko pa sa kaniya nung ako'y niyuyogyog pa niya para magising lang



"Anak. Huwag kang makulit!" rinig ko pang sambit ng baritonong boses ng Papa ko



Sa pagkakataong ngang yun ay wala akong nagawa kundi ang bumangon na lang kasi alam ko naman na mabilis kung makasermon si Papa ko eh.






Mga ilang sandali pa ay naghilamos muna ako at bumaba na nga ako para makapag-almusal na kasabay pa nila Mama at Papa.




"Tanda mo ba anak ang buwan na to ha?" pagtatanong pa bigla ni Papa sakin nung nasa hapagkainan na nga kami





"Oo naman po Pa" inaantok ko pang sagot kay Papa sabay hikab sa harap nila at pati sa mga nakahaing pagkain sa mesa





"Di ba ang buwan po ngayon ay Mayo?" paniniguro ko pang tanong kina Mama at Papa habang sumusubo ng beef mushroom steak at kanin na paboritong-paborito ko pa





"Tama ka anak" nakangiti pang sabi ni Mama bilang pagsang-ayon sakin sabay ibinaling din ang tingin kay Papa na sobrang seryoso pang tinitigan ako





"Oo nga anak tama ka nga sa sagot mong ang buwan ngayon ay Mayo" wika pa ni Papa matapos magsalita ni Mama kanina sakin





"Pero ang punto ko dito. Alam mo ba kung anong pinagdiriwang din tuwing Mayo bukod sa mga pista sa mga kaprobinsyaan anak?" pagtatanong pa ni Papa sakin sabay tinignan ako ng diretso sa mata




"Ano po ba pa?" pabalik ko pang tanong sa kaniya habang naguguluhan parin sa mga pinagsasabi niya




"Nakalimutan mo na anak?" may pagtataka pang sabi ni Papa sakin



"Ang alin po ba ang tinutukoy mo pa?" naguguluhan ko ring sagot sa kaniya



"Ngayong mayo kasi ito rin ang panahon na isinasagawa ang Flores De Mayo sa bawat kapilyahan sa iba't-ibang rehiyon dito sa Pilipinas" pagpapaliwanag pa ni Papa sakin kaso di ko parin makuha ano ba alam ko sa mga ganiyan eh


"Anak nakuha mo naman ang ibig ipahiwatig ng Papa mo sayo?" tanong pa ni Mama sakin na parang sinisigurong naintindihan ko nga ang bawat salita na binanggit ni Papa sakin





"Alam mo Sweetheart, ang mabuti pa isama na lang natin ang anak natin sa chapel dito sa atin at nang masaksihan niya kung ano nga ba ang mga nagaganap sa Flores de Mayo" suhesyon pa ni Papa kay Mama matapos kaming kumain



Sa mga nakakaalam diyan pakisagot naman oh ano nga ba ang ibig sabihin ng Flores de Mayo sa inyo? pakikomento naman sa ibaba ng comment box ang mga sagot niyo sige na.



Dahil tatanawin ko talaga ng utang ng loob ito sa inyo kung mabibigyan niyo ako ng malinaw na sagot tapos dapat may malinaw ding paliwanag ha okay lang ba sa inyo yun lahat?


Pasensiya na kayo sakin ang bobo ko talaga kasi pati yan hindi ko pa alam.

Gaya nga ng inaasahan, kami nga nila Mama, Papa, at ako ay nagtungo na sa loob ng chapel ng aming lugar.



Nung una, aminado akong kinakabahan at may nanabik din ako sa anong pwedeng sapitin ko sa pagfloflores de mayo pero maling-mali ako sa pag-aakalang hindi ko magugustuhan ang mapasali sa aktibidad na ito. Dahil ang totoo sobrang saya pala sa pakiramdam ang mapalapit ng medyo kunti sa mga kabataan.


Oo tama kayo ng iniisip niyo diyan, kadalasan pala sa mga aktibong sumasali sa Flores de Mayo ay ang mga bata dahil kay dali sa kanilang mahikayat na makinig at matuto tungkol sa mga kaalamang mapatungkol sa pananampalataya lalong-lalo na kung yun ay tungkol kay Mama Mary.



Akala ko ang pagtuturo at ang pakikipaglapit sa mga chikiting, bulilit, at mga nagkyukyutang mga bata lang ako masisiyahan kaso sa hindi ko pag-aakala may hihigit pa pala sa sayang dinulot sakin nito dahil darating at muli ko din makakaharap ang hanap-hanap at labis kong pinakapinanabikang muli man lang siyang makita sa isa pang pagkakataon.



Alam niyo na siguro kung sino ang ibig kong ipakahulugan sa aking pagsasalarawan ng aking damdamin na kahit anong oras ay pwedeng-pwede na talagang sumabog na tila bulkang Mayon sa pag-alburuto.

Wake me up, When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon