Wake me up, When September Ends One

56 10 0
                                    

Naalala mo pa ba nung tayo'y unang nagkakilala yun ang pinakamasayang tagpo sa aking buhay. Mga tagpong pilitin ko mang kalimutan ngunit hindi yun magiging madaling alisin na lang sa aking alaala. Sapagkat, piliin ko mang maging masaya ay parang napakaimposibleng mangyari ngayong wala ka na.

At ako andito heto nakatunganga at nagbabakasaling na pawang isang napakasamang panaginip lamang ang mga bagay na nag-ugnay sa ating dalawa noon.


Ngunit, kabaliktaran dahil binigyan mo ako ng pag-asa at pati na rin sigla na kailanman di ko nararanasan sa buong pamamalagi ko dito sa makapagkait at mapanuksong mundong ito.


Animoy, para akong hayop na nakulong ng matagal sa hawlang ako rin ang may kakagawan sa sarili ko. Subalit, sa pagdating mo sa buhay kong parang guguho na lang bigla ngunit inalis mo ang mga nakaharang na pader at nagawa mo ngang ako'y tuluyang palayain mula sa pagkakarehas ko sa kalungkutan at kawalan ng pag-asa.



Sa pagkawala mo ay, parang natibag din ang saya at pag-asa na aking nadarama tuwing kasama kita. Ngayong wala ka na ako'y umaasa na masaya at payapa ka kung nasaan ka man ngayon habang ako patuloy ka paring mamahalin kahit napakalabo na nang ating hanggan dahil inunahan mo na ako diyan sa langit.



Aking mahal, huling-huli na ito pwede bang Gisingin mo ako kung kailan tapos na ang Setyembre.
ikaw kasi ang naalala ko sa tuwing pinipikit at minumulat ko ang aking mga mata.



Sige naman oh tulongan mo rin akong pahupain at galingin ang sugat na aking natamo mula nang ako'y linisan mong bigla na wala man lang pasabi.


Nakakainis ka ulan, ganitong-ganito ang panahon dati simula nang kaming magtagpo at tandang-tanda ko pa ang musikang aking nadinig sa aking tenga. ang musikang naging mitsya kung bakit ako'y napaibig sa kaniya sa isang eksenang di malilimutan.



*Summer April 2015*

(Kakagaling lang sa pagbisita sa tahanan ng aking Tiya Marie)

"Auntie maraming salamat po pala, sa pagpapatuloy sakin sa bahay mo" sabi ko pa sa tiya ko habang kinakausap ko ito sa payphone


"Walang anuman yun, alam mo namang parang anak ang turing kong sayo Anna kaya welcome ka anytime sa bahay ko" wika naman ni tiya Marie na halatang-halata na nasisiyahan siya sa pagbisita ko sa bahay nila


"Sige po Auntie, ibaba ko na po itong tawag dahil uuwi na po ako sa Caloocan" pagpapaalam ko pa rito sabay ibinaba ko na ang payphone sana kaso pinigilan niya akong gawin yun


"Teka lang Anna, bakit mo pala ito ibaba ang tawag. matanong nga lang bakit hindi sumama ang Mama at Papa mo sayo sa pagbisita dito sa bahay ko ha?" seryoso pang tanong ni tiya sakin


"Yun po ba Auntie, kasi po ang totoo niyan kaya po sila hindi sumama sakin dahil wala po daw magbabantay sa kapatid kong 2 years old pa lang kaya po hindi na po sila pumunta diyan sa bahay mo" paliwanag ko pa sa tiya ko


"O siya sige na, ba-bye!" mga huling katagang sinabi nito sakin bago tinapos ang pag-uusap namin


"Hayy sana matapos na lahat ng aking paghihirap sa buhay na ito!" malakas ko pang sigaw matapos lumabas sa phone booth

"Naku naman oh mukhang makulimlim ang kalangitan" nag-aalala ko pang bulong sa aking sarili matapos mapansing dumidilim na ang ulap sa langit


Sa matagal na paghihintay, sa wakas ay dininig na rin ng langit ang aking dasal ang paulanin ang buwan ng Abril di ba nakakabaliw isipin pero totoo ngang naganap ito sa kalagitnaan pa ng traffic dito sa Roxas Boulevard.


Wake me up, When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon