Wake me up, When September Ends Three

42 8 0
                                    

"Mama lalabas muna po ako" pagpapalam ko pa kay Mama habang abala itong binibigyan ng meryenda ang mga bata sa loob ng chapel


"Franco Luis!" pagtawag ko pa sa kaniya sa di kalayuan


Lilingon kaya siya?. Sana naman lumingon.

Lingon ka na! sige na kahit isang saglit lang. nakikiusap na ako sayo. please! please! please! please! please!


"Hello Ann!" buong ngiti pa niyang sagot sakin habang hinarap ako matapos nang pagkakatawag ko sa pangalan niya kanina


"Oyy ikaw pala yan?" tanong pa niya sakin matapos magulat na makita ako

"Oo ako nga" nakangisi ko pang tugon sa kaniya




"Teka matanong lang ha. Bakit ka pala andito?" tanong ko pa sa kaniya bilang paniniguro lang baka kako sinusundan lang niya ako aba malay ko di ba hay naku may pagka- ambishosa din talaga ang tita ninyo ano pagpasensiyahan niyo na. pasensiya! pasensiya!


"Andito kasi yung kapatid ko" sagot pa niya sakin na para bang nahihiya pa sakin dahil di ako matignan ng diretso sa mata


"Hala totoo? bakit dito pa samin di ba may chapel din naman sa inyo?" pangungwetsiyon ko pa sa kaniya kunwari ayaw-ayaw pa pero heto naman talaga ang gusto



"Taga dito kasi ang mga kaklase at mga kaibigan ng kapatid ko eh" nangingiti pa niyang paliwanag sakin sabay napahawak sa buhok at napakamot din bigla





"Ganun ba, pasensiya naman sa tanong ko" parang nahihiya ko pang wika sa kaniya matapos mapagtantong mali ako sa iniisip ko





"Ano ka ba Ann, okay nga lang kasi magkaibigan na tayo di ba?" sabi pa niya bigla sakin na parang napansin din nito na medyo nahiya ako sa inasta ko sa kaniya kani-kanina lang




"Oo naman Franco, naintindihan ko kaya wala kang dapat ipag-aalala sakin" sabi ko pa sa kaniya para man lang basagin muli ang katahimikang namumuo samin ngayon



"Ang totoo niyan Franco may kapatid din ako at tiyak akong magkakasundo sila ng kapatid mo hindi ba?" dagdag ko pang wika sa kaniya habang pilit na ngumingiti sa kaniya para di ako mahalatang sobra na ang kahihiyan ang nararamdaman ko mula sa kaniya


"Sana nga Ann" tipid pa niyang sagot sakin

"Halika na pasok ka dito sa loob" pag-aaya ko pa sa kaniya sabay hinila ito papasok sa loob ng chapel


"Salamat pala Ann, pero kaya ko na ito" pagtanggi pa niya sa paanyaya ko pero ako itong mapilit at medyu makulit para ipasok pa siya sa loob ng chapel




"Wag ka nang magmatigas, hayaan mo akong makatulong sayo" wika ko pa ulit sa kaniya habang dahan-dahan siyang itinutulak papasok paloob sa chapel



"Pangalawang beses na ito ha, nakakahiya na tuloy bilang ako ang lalaki na tinutulongan pa ng isang babaeng gaya mo" tugon pa ni Franco Luis sakin nang makapasok na kami sa loob ng chapel



"Sandali lang ha, susuriin ko lang kung may meryenda pa bang natitira para sayo" aniya ko pa sa kaniya sabay nilapitan si Mama na nasa lamesa kumakain kasama ni Papa



Wake me up, When September EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon