Aba pagpasensiyahan niyo na ulit ako ha.
Di ko lang talaga mapigilan ang aking sarili ang hindi mahulog sa kaniya ng ganito kabilis.
Oo mabilis pero hindi kasing bilis ni flash pero mas mabilis pa ata kay flash kung tutuusin eh.
Sana ay hindi kayo nababagod diyan kakabasa nitong kaartehan at pagiging ignorante ko dahil ika pa nga ng aking kapatid na si Chloride Sowey! Sowey! Sowey! Sowey! Sowey!
"Chlorine! Chlorine! Hoy Chlorine!" pagtawag pa ni Franco Luis sa kapatid nito habang hinihingal ito sa pagtakbo para sundan lamang kung saan direksyon patungo ang kapatid niya
"Saglit lang. tumigil ka muna kasi ako itong hinihingal sa kakatakbo mo eh" sabi pa niya matapos tumigil muna sandali sa pagtakbo upang habulin lamang ang kapatid niyang daig pa ang sumali sa pabilisan ng pagtakbo sa pagiging maliksi nito sa takbuhan
"Kuya naman eh" naiiyak pang wika nito kay Franco Luis habang tumigil ito sa pagtakbo at napaupo sa isang upuan na medyo may kalayoan sa kapilya
"Anong kuya ka diyan? kuya mo ba ako ha?!" galit-galitan pa siya sa kaniyang kapatid sabay umupo ito sa tabi ng kapatid niya at sinimulan din itong kausapin
"Kuya naman eh binibiro mo lang ba ako ha" wika pa ni Chlorine sa kuya niya
"Biro? hindi noh seryoso ako" giit pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay tinignan ito ng makahulugan
"Hindi nga kuya, paano yan mukhang nagsisinungaling ka lang sakin hindi ba?" tanong pa ni Chlorine sa kuya nito na may paninigurado pa ang tono ng boses nito
"Paano kung hindi, may magagawa ba ako ha upang mabago ang katotohanang hindi kita tunay na kapatid?" sabi pa ni Franco Luis sa kapatid niya sa napakaseryosong ekpresyon pa ng mukha
"Kuya Franc pinaprank mo lang ba ako ha?" seryoso pang tanong ng kapatid ni Franco Luis
"Anong prank sa sinabi ko, totoong-totoo kaya ito" sagot pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay tinignan ito ng malalim
"Kuya bawiin mo yan! sabi nang bawiin mo yung sinasabi mo sakin na hindi ako ang kapatid mo!" sobrang lakas pang sigaw ng kapatid niya habang nangingilid na ang mga luha nito sa mata
"Ayaw ko nga" parang nanunukso pang sabi ni Franco Luis
"Pangako kuya pag binawi mo na di moko kapatid eh, manghihingi na ako ng tawad doon sa batang nakabunggo ko kanina" panunumpa pa ng kapatid nito sa kaniya
"Ano nga ulit sinabi mo, hindi ko marinig?" wika pa niya na parang nabibingi pa sa sinabi ng kapatid nito
"Ang sabi ko, manghihingi na ako ng tawad!" pasigaw pang wika ni Chlorine sa kuya niya para marinig nito ng malinaw kaniyang sagot
"Pakiulit nga. Ano nga ulit sinabi mo hindi kasi malinaw ang pagkakabigkas mo eh ang hirap lang intindihin" saad pa ni Franco Luis sa kapatid niya sabay inilapit ang tenga nito sa bibig ng kapatid
BINABASA MO ANG
Wake me up, When September Ends
Short StoryAnong sakit ang maiwan ng minamahal, pero paano kung huling pagkakataon niyo na magkasama may magagawa ka pa ba para pigilan ito? Ganitong-ganito ang kwento ng ating mga bida na si Anna Flora Curtiz at Franco Luis Torres.