Ang Simula

305 15 2
                                    

Isinilang si Cha, isang babae. Isang magandang batang babae. Lumaki siyang masayahin, malambing at mapagmahal na babae. Naglaro siya ng piko, chinese garter, jackstone, model-modelan, titser-titseran, bahay-bahayan, at kung anu ano pang klaseng larong pambabae.

Bunso siya sa limang magkakapatid. Si Aileen ang panganay, isang elementary teacher. Si Bok, isang factory worker. Si Ogie na isang mentally delayed/late maturity. At ang sinundan nyang si Mateth na medyo blacksheep ng family.

Di man sila mayaman, masaya, simple at mapagmahal ang pamilyang kanyang kinagisnan. Kahit isang kahig isang tuka, likas pa rin silang matulungin at mapagbigay sa kapwa.

Sabi nga ng kanyang mga magulang "walang problemang hindi nasosolusyonan. Naiahon sila sa kahirapan at napag aral sila ng mga ito sa pribadong eskwelahan..

Wala nang mahihiling pa si Cha sa kanyang buhay. Bukod kasi sa mabait at mapag arugang nanay at tatay, meron pa siyang mga kapatid na lagi nyang karamay.

Mayaman din itong si Cha sa kaibigan. Sya na ata ang pinaka madaming group of friends sa kanilang lugar at eskwelahan. Siya kasi ang takbuhan ng mga kaklase at kaibigan nyang may problema sa buhay.

Nakakatawa man pero siya din ang leader ng mga batang mahihilig maglaro sa lansangan.

Friendly, mabait, masayahin, understanding at joker kasi itong si Cha. Kaya siya palagi ang nilalapitan ng friends nya, sa school man o mga kapitbahay.

Wala na syang mahihiling pa sa buhay nya. Masayang masaya at kuntento na sya. Perfect na ito para sa kanya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hi sana maenjoy mo ✌

PURPURA (Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon