March 23, 2007
5:00 a.m.(alarm tone)
. . . I'm just a little bit caught in the
middle. Life is a maze and love is a
riddle. I don't know where to go, I can't do it alone I've tried. And I don--- . . .Iminulat ni Cha ang isa niyang mata, at sabay niyang pinatay ang alarm ng cellphone niyang Nokia 2100i.
(kunwari mahalagang banggitin ang unit ng cellphone)
"Ugh! bat kasi di ko in-off ang alarm nito kagabi, hay Chaldea tanga mo talaga!"
"Mahihirapan na naman ako makatulog nito ang aga aga pa. Tsk! Tsk!"
Muling nagpaantok si Cha upang makatulog. Sa palagay niya'y kailangan pa niyang matulog kahit mga dalawa o tatlong oras." . . . hmm huhumm huhuhummm huhuhummm 'cause i know that you feel me somehow. . huhmmm huhummm huhuhummmm . . . "
Halos mag iisang oras ding humihimig si Cha, bago tuluyang mapapikit muli ang kanyang mga mata.
Nang biglang may pumasok sa kwarto niya.
"Hoy Chaldea! Bangon! Umaga na!! Hahahahahaha!" , si Gigi, isa sa mga tropa niya.
"Grrrrr! Gi, alam mo bang kakatulog ko lang ulit? as in kakapikit ko pa lang. Kakasakit ng ulo. Labas ka muna mamaya tayo mag usap!!", pasigaw na sabi ni Cha.
"At hindi ka ba marunong kumatok?", pahabol pa nito na mistulang galit na.
"Hahahahahahaha! Bumangon ka na at may outing ang tropa. Dali! Hahahahaha!", patuloy ang tawa ni Gigi at tumabi siya kay Cha sa higaan nito.
Sumasakit na talaga nang tuluyan ang ulo ni Cha, dahil naalimpungatan ito sa pagpasok ni Gigi sa kanyang kwarto.
Pero tila sumuko na din si Cha sa kakulitan ni Gigi, dahil sa pambobola at parang batang payakap yakap pa ito sa kanya. "Hays, wala ka namang balak umalis eh noh? so anong plano?"
"Ganito, Cha! Itext mo silang lahat sabihin mo may outing tayo, sa 3Falls kamo, dapat nga makaalis na tayo ng mga alas-otso eh. Kasi mag peprepare pa ng foods, bago pa makabihis yung mga hitad na yun. Akala mo naman party ang pupuntahan eh magsuswimming lang naman. Haynako kilalang kilala ko na yang mga yan!", dere-deretsong pagsasalita ni Gigi na akala mo'y hinahabol ng magnanakaw sa bilis ng bibig.
Napakunot ang noo ni Cha, parang mas lalong sumakit ang ulo niya sa boses ni Gigi. "Lubayan mo nga ako at magtu-toothbrush muna ako, Alis!"
"Hahahahaha ang arte nitong Chaldea nato! Sapakin kita diyan eh! Bwahahahaha!", mala bruhang tawa ni Gigi.
Pagkatapos niyang mag toothbrush ay nagtaka siya kung bakit biglang tumahimik. At pagpasok niya muli ng kanyang kwarto ay nakita niyang natutulog si Gigi.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Hoy!!! Gising!!!! Aga aga nakikitulog ka sa kapitbahay." masayang pang aasar ni Cha, nakaganti din, ang nasa isip niya.
"Kainis naman to eh, itext mo na nga lang sila. Ngayon na at nang makapag prepare na tayo.", nawalan na ng energy ang sagot ni Gigi dahil sa antok.
Matapos itext ang buong tropa ay kinuha ni Cha ang kanyang Hawk na backpack, na gamit niya din sa school. Itinaktak niya ang bag na naglalaman ng samu't saring basura. Mga balat ng mentos, scratch papers, pinagtasahan ng lapis na ginagamit niya sa pagdu-drawing, mga iba't ibang kulay ng nagtataeng ballpen, at mga notebooks na napuno lang ng sulat dahil sa Flames at S.O.S. (makakarelate ka kung ipinanganak ka ng early 90's).
BINABASA MO ANG
PURPURA (Purple)
Non-Fictionbughaw - lalaki PURPURA - pagitan rosas - babae Samahan ang ating bidang si Cha sa kanyang paglalakbay. Mula sa kasiyahan at kalungkutan. Sa tagumpay at kabiguan. Sa problema at pasakit na dulot ng pag-ibig. At sa pagpasok ng mga bagong tao sa buhay...