. . "Salamat, tayo'y magkasamang muli
Salamat at may gabing nakalaan sa kaunting kasiyahanSalamat at tayo'y nagkasamang muli
Salamat at sa pagpawi ng uhaw ay may darating na arawChorus
Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
Salamat at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan" . .Masayang nagkakantahan ang buong tropa ni Cha. Halos mag iisang oras na sila sa daan ngunit malayo-layo pa ang kanilang pupuntahan. At sa sobrang dami ng sakay sa tricycle ni Kuya Justin ay hindi niya magawang makapag paandar ng mabilis.
Nasa loob ng tricycle si Lhen kasama ang magkakapatid na sina Jolen, Jen at JL.
Sa likod ni Kuya Justin si Grace, Lea Ann at Che Che. Sa bubong ang mag besprend na si Mita at Maryan. At sa likod ng tricycle si Gigi at Cha.
Gustong gusto ni Cha sa pwestong ito. Walang sagabal sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang bawat tanawing nakikita sa daan.
Nakangiting pinapanood nito ang mga batang tumatakbo, mga taong nag aararo sa palayan, na animo'y ginto ang mga butil ng palay na nasisikatan ng araw. Kapag humahampas ang hangin ay para itong kumikinang. Masarap pagmasdan. Parang isang bata si Cha sa kanyang pagkakangiti. Mabilis siyang mamangha, gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag nakikita niya ang ganda ng kapaligiran, ang makukulay na bulaklak at luntiang kabukiran.
Saktong sakto, na tinatahak nila ang tuwid na daan, nasa gitna sila ng isang kapatagan, sa pagitan ng malalawak na palayan. Sa magkabilang dulo ay napapalibutan ng kabundukan.
Ang kalsadang ito'y nabanggit ni PNOY sa kanyang SONA taong 2012 (fastforward).
"Kapag sinabi nating tuwid na daan, may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa Sta. Maria, Laguna" - PNOY
Patuloy ang kanya kanyang kwento ng tropa habang sandaling pumikit si Cha at ngumiti dahil sa sarap ng kanyang pakiramdam.
May pagkawirdo ito. Minsan malalim mag isip. Minsan mababaw ang kaligayahan. Madalas ang damdaming emosyonal. Ngunit natural na isang taong mapagmahal. Yan ang katauhan ni Cha. Ang taong mas inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya.
"Wag kayong maingay nagdadasal si Cha!", seryosong pagkakasabi ng katabi nitong si Gigi, at ang lahat ay nagtawanan.
Napatawa din naman si Cha sa kalokohan ni Gigi. At maya maya pa ay biglang tumigil ang tricycle na kanilang sinasakyan.
"Yehey! Nandito na tayo!", pagbibiro ni Lea Ann.
"Loka ka!", sagot ni Gigi sabay pektus sa kanya.
Napatigil ang tricycle dahil sa matarik na daan, hindi kakayanin kung lahat sila ay nakasakay. "Baba muna kayo lahat.", utos ni Kuya Justin na halatang pagod na sa dami ng pasahero niya.
"Tulak guys, tulak!", sabi ni Maryan na parang nag aalala kung kakayaning makaahon ng tricycle.
Ang lahat ay bumaba maliban kay Gigi. Pakaway kaway pa ito na parang kasali sa isang beauty pageant, habang itinutulak ng tropa ang tricycle. At hindi nagpatalo ang kapatid nitong si Mita at tumabi sa kanya.
"Kaya ng muscles natin yan.", hirit ni Cha.
Tila nahihirapan ang tropa sa pagtulak. "Waaaaaaah! Ayoko na!", pasigaw na sabi ni Che Che, pero pinagtatawanan lang siya ng tropa.
Para lang silang naglalaro sa daan, putikan ang mga paa dahil simula sa tinigilan ng tricycle ay hindi na sementado ang daan. Medyo mabato at madulas dahil sa basang lupa.
BINABASA MO ANG
PURPURA (Purple)
Non-Fictionbughaw - lalaki PURPURA - pagitan rosas - babae Samahan ang ating bidang si Cha sa kanyang paglalakbay. Mula sa kasiyahan at kalungkutan. Sa tagumpay at kabiguan. Sa problema at pasakit na dulot ng pag-ibig. At sa pagpasok ng mga bagong tao sa buhay...