Bakas ang saya sa mga mata ni Cha habang pinagmamasdan ang tatay niya na nakangiting nagmamaneho papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin niyang may kasama ang tatay niya, hindi lang isa, kundi dalawa.
Nang mamukaan niya kung sino ang mga ito'y hindi na niya napigilang sumigaw upang tawagin ang tropa, gamit ang malakas at matinis na boses.
"Guys!!! Si Joy at Ijen!!!"
"Waaaaaaaaah!!! Kumpleto na ang tropa!!!" Di magkamayaw ang OA na tropang nag uunahan sa pagtayo at pagtakbo papunta sa kinatatayuan ni Cha.
Para na namang sinaniban ng masamang espiritu ang mga ito. Ang totoo'y gusto lang talaga nilang gumawa ng ingay. Halos magkandarapa sa pagtakbo. Nadulas na naman ang iba pero di ito alintana sa kanila. Tawanan na naman. Konting salita, tawa. Konting kilos, tawa. Minsan nga siguro iniisip ng ibang tao na abnormal ang mga ito. Pero kahit papaano ay nagawa naman nilang tumahimik sandali kanina dahil sa pagod.
Tawa din naman ng tawa ang bagong dating na dalawa. Istilong nagmomodel pa si Ijen papalapit sa kanila.
"Ay ang taray ng lola mo.", sabi ni JL habang pinapanood ang nagmomodel na si Ijen.
"Oh bakit JL, inggit ka na naman sa sexy kong katawan?", sagot ni Ijen na pinagmamalaki ang maganda naman talagang katawan.
Lumapit si Cha sa kanyang tatay at niyakap niya ito ng mahigpit bago nagsalita at nakipagbiruan.
"Ikaw ha 'tay pinapasaya mo na naman ako!", sabay hampas nito sa braso.
"Aba syempre nakakahiya sayo eh! Ikaw ang boss eh!", sagot ng tatay niya na alam niyang naglalambing sa kanya.
"Asus!", sabay kuwit ni Cha sa baywang nito.
"Eh!", paarteng sagot naman ng tatay niya. "Sige na alis nako at magpapatuka pa ako ng manok.", dugtong pa nito.
"Sige 'tay ingat! Salamat ha?", paalam ni Cha sabay kindat.
"Anong salamat? May bayad yan.", angal nito.
"Yaan niyo 'tay!", patawang sagot ni Cha. Nagtinginan ang mag ama dahil sila lang ang nagkakaintindihan sa ibig sabihin ng "Yaan niyo."
Ibig sabihin sa kanilang mag ama ay "yaan niyo pag yumaman ako, ako ang bahala sa inyo."
"Sabi mo yan ha? Ge alis nako." Paalam nito kay Cha at pinaandar na ang motor niya pauwi.
"Mga aswang alis nako, ingat kayo.", pahabol pa nitong paalam sa tropa habang nagmamaneho.
"Salamat tsong! Ingat.", sabay sabay na sabi ng tropa.
Maya maya pa ay nakaramdam na ng gutom ang iba, rason kung bakit nag unahan na naman sa pagtakbo patungo sa kinalalagyan ng dala nilang mga pagkain.
"Kainan na! Hahahahaha!", tawanan na naman, para lamang mga batang naglalaro ang mga ito.
Walang pakialam sa mga taong makakakita. Basta ang mahalaga sa kanila ay maipakita at maipadama sa tropa kung ano at sino ang bawat isa sa kanila. Na kahit anong ugali, kahit anong pananaw at istilo sa buhay, alam nilang tanggap sila. At kahit gaano man kagulo ang pagkatao, kahit hindi magpaliwanag ay nagkakaintindihan sila.
Habang kumakain sila ay pinagmamasdan ni Cha ang bawat isa. Mga walang humpay na kwentuhan kahit may laman at punong puno ang mga bibig, mga matang pairap irap, mga boses na matitinis at malalakas, na kabisadong kabisado na niya kung alin ang para kanino. Mga iba't ibang ugali, na naging isa para sa tropa.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila sandali bago tuluyang nagsimula sa paglalakad paakyat sa bundok kung saan matatagpuan ang 3falls. Mahabang lakarin, matarik at maputik na daan, yan ang kanilang matutunghayan.
BINABASA MO ANG
PURPURA (Purple)
Non-Fictionbughaw - lalaki PURPURA - pagitan rosas - babae Samahan ang ating bidang si Cha sa kanyang paglalakbay. Mula sa kasiyahan at kalungkutan. Sa tagumpay at kabiguan. Sa problema at pasakit na dulot ng pag-ibig. At sa pagpasok ng mga bagong tao sa buhay...