“Baka mas masarap ako kaya ipinalit nya ako sa'yo...”CHANDRIA's POINT OF VIEW
"So, you're my fan?" Abala ako sa pagpili ng damit sa isang sikat na shop ng may nagsalita sa tabi ko.
Tinigil ko ang ginagawa at nilingon ang nagsalita. Kusang tumaas ang kilay ko ng mabungaran ang babaeng isa sa kinainisan ko. Maayos ang pagkakatindig niya sa tabi ko habang nakacross arm at nakangisi sa akin.
"What do you mean?" Hindi ko naiwasang magtanong. Kailan man ay hindi ako umiidolo ng taong kinaiinisan ko at ang katotohanang nagtagpo kami ngayong araw ay nakakuha sa buong atensyon ko.
"Yang tinitingnan mong damit, I made that one. Tsaka yang hawak mo I personally design that and..." She cut her words at inilibot ang paningin sa buong paligid na ikinasunod ko naman. "Every things and parts of this room is belong to me."
"Kung ganun, nagkamali pala ako ng bouquet na napasukan." Padabog kong ibinigay sa kanya ang hawak kong hanger kung saan nandoon ang napili kong damit. Nagbago na ang isip ko, Hindi ko na bibilhin ang damit na 'yon kahit gustong-gusto ko. Kung alam ko lang na sa kanya pala ang shop na 'to sana hindi man lang tumungtong ang dalawa kong talampakan sa pag-aari niya.
Irita ko siyang nilampasan pero hindi pa naman ako nakakalabas ng shop hinabol nya ako at hinawakan sa braso. Huminto ako at seryosong tiningnan ang kamay niya na nasa braso ko. She's crossing the line!
"S-sorry." Napapahiya niyang inalis ang kamay sa braso ko.
"Tsss!" Napasinghap at irap lang ako.
"Here..." Bigla ulit niyang hinila ang braso ko but this time isinabit nya lang dito ang damit na ibinalik ko sa kanya. "Let's talk for awhile and for the exchange, lahat ng damit na magustuhan mo hindi muna kailangan bayaran."
Pumayag ako sa alok ng babaeng ito. Sino ba naman ako para tumanggi sa libre? Saka, marami akong gustong damit sa shop niya. Mga pangmalakasan ko 'yon at pamorma, pangparty at pangseksi.
Kinapalan ko na rin ang mukha ko. Mahal ang oras ko dahil sabi nga nila ' time is gold' kaya hindi sakin puwede na sa shop lang niya kami mag-uusap, nagrequest ako na sa isang five star restaurant kami at mukhang barya lang sa kaniya ang lahat ng pagkain dito.
"Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin? Kung ipapamukha mo sa'kin na fiance mo ang lalaking hinayaan kong angkinin ako, please lang, wag na, bukod sa wala akong paki, lasing din ako nong gabing 'yon at mas lalong hindi ko alam na ikakasal na pala siya." Tuloy-tuloy akong nagsalita sa harap niya. Hindi man lang ako nakaramdam ng hiya kahit usapang pagkababae na. 'Yon naman ang gusto ko, e. Malas lang ng babaeng nasa harap ko dahil hindi loyal ang mapapangasawa niya. Kung tutuusin dapat na nga niya iyon ireject.
Hindi agad siya sumagot dahil na rin siguro dumating ang waiter at ini-serve ang orders namin. With S dahil marami.
Nang makaalis ang waiter, "I told you that's not a big deal. Kung may nangyari sa inyo, okay. Nangyari na, e." Napahinto ako sa pagkuha ng pagkain dahil ang weird niya.
Okay lang talaga sa kanya 'yon? Ikakasal na sila tapos tumikim pa ng iba ang groom niya. Hindi ba talaga big deal yon?
"What with that look?" Napansin niyang napatitig ako sa kanya kaya maging siya napahinto sa pagsubo.
"Your so weird." Nginiwian ko pa sya.
"I know but believe it or not it's fine and nothing to worry about."
Iiling-iling akong nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain saka 'yon nilagay sa plato ko. Habang kumakain kami pareho, tuloy din ang pag-uusapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Her Obsession: PLEASURE
RomanceWARNING: SPG | R18 | MATURE CONTENT | NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS 50% ACTION in BED 50% ROMANCE in BED ______ 100% of PLEASURE Quinea Chandria Fein had a boring life, she's living with her own way and being a v*rgin is one her insecurities. One u...