CHAPTER 2

45 0 0
                                    

CHANDRIA's POINT OF VIEW

NAGISING ako na masakit ang buong katawan ko. Agad akong umupo sa kama at tumingin sa paligid. Nasa hindi pamilyar na kuwarto ako. Sa motif ng kuwarto, maging sa ayos nito, pati ang mga gamit at amoy halatang lalaki ang nakatira dito.

Totoo nga? Tuluyan kong naisuko ang bataan. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagkahabag kahit naibigay ko ang virg*nity sa lalaking hindi ko kilala. Wala lang 'yon sa akin ang mahalaga na satisfy ako kagabi.

Oo. Satisfy na satisfy ako kagabi. Hindi ako nagsisi na ang lalaking 'yon ang kumuha sa virginity ko.

Pero tulad ng sinabi ko wala akong balak makipag-fling ulit sa naka-one night stand ko kagabi kaya dali-dali akong tumayo at kahit hirap-hirapan sinikap kong magbihis ng damit.

"Do you want a help?" Sandali akong natigilan ng may lalaking nagsalita sa aking likuran.

Nang lumingon ako sa kanya, nanlaki ang mata ko sa aking nabungaran. Naka-topless siya at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa pambaba niya. Panay ang hawi niya sa kaniyang basang buhok, tinotoyo ito, habang nakatuon ang isang kamay sa pintuan ng banyo na mukhang sinadya niyang gawin para maakit ang mata ko. Walang kahirap-hirap ko tuloy nasilayan ang six pack abs niyang maganda sa paningin ko.

"N-no, thanks." Nanginginig akong umiwas ng tingin at hindi na sinaulo ang mukha niya.

Matapos kung magbihis agad akong tumayo at iika-ikang naglakad patungo sa pinto. Handa na sana akong lumabas ng kuwarto nang magsalita ulit ang lalaki.

"No any words?" Napilitan tuloy akong pumihit paharap sa kanya at tiningnan siya ng hindi makapaniwala. This time sa mukha nya lang ako tumingin at hindi sa nakakainit niyang katawan. Pero nang masilayan ko naman ang kaniyang mukha parang gusto ko ulit humiga. Shits! Nakakalambot ang itsura niya. Labi pa lang dessert na, sarap sipsipin at lamutakin.

"Wag mong sabihing kalalaki mong tao ikaw pa ang maghahabol sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kita ko namang napailing-iling siya.

"No."

"So, inakala mong maghahabol ako sa'yo?" Pumamewang ako at pinatikim sa kanya ang pagiging bitch ko.

"Hindi rin. Ikaw ang may gusto sa nangyari kaya wala kang karapatang maghabol sa akin." Nginisian nya ako kaya lumabas ang kaniyang dimple na aminado akong mas lalong nakapagpa-guwapo sa kanya. Inirapan ko lang siya at hindi na nakipagtalo about sa sinabi nya.

"Let's forget what happened last night.  Sa lawak ng mundo sigurado naman akong hindi na tayo magtatagpo." Tuluyan ko ng binuksan ang pinto ng kuwarto at lumabas ng kaniyang condo.

Naglalakad na ako sa pasilyo ng may babaeng humarang sa akin.

"Who are you?" Tiningnan ko ng maigi ang babae at kahit katiting hindi ko man lang natandaan na dumaan na siya sa mata ko before, mukhang ngayon ko nga lang siya nakita.

"Quit staring at me..." Mataray nitong pagsuway sa akin. Sumeryoso naman ako. " Anong ginawa mo sa condo ng boyfriend ko?"aniya.

"Baliw ka ba? I don't even know who is your boyfriend." Napipikon na rin ako sa ginawa niyang pagharang sa akin para lang akusahan ako. Paki ko sa boyfriend niya? Pati nga siya hindi ko kilala. Tsaka, gusto ko ng makalabas sa building na ito dahil mas lalong nananakit ang katawan at pati ulo ko.

"Nakita kitang lumabas sa condo niya tapos sasabihin mong hindi mo siya kilala!" Napagtataasan nya na ako ng boses at itinuro nya pa ang pinto na nilabasan ko kanina. Napatango-tango na lang ako ng makuha kung sino ang tinutukoy niya.

Her Obsession: PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon