Himas-himas pa rin ni CK ang balakang niya kahit na nakaupo na siya sa sofa kaharap ng taong nagbukas ng pinto. Hindi niya inaasahang mangyayari ang nangyari sa kaniya pero mas hindi niya inaasahang ang nakabangga niya sa Paris ay siya ring makikita niya ngayon. Ang kaibahan lang, siya naman ang nasa sahig.
"What?" Tanong ni Rod kay Tintin ng makitang sinisinyasan siya nito para humingi ng tawad. "Oh c'mon Tin," ani ulit nito bago inirapan ang babae. "You know it's not my fault. Why do I have to ask for his forgiveness?"
"And why wouldn't you? You technically hurt me." Depensa ni CK sa sarili.
"FYI. I only open the door. Walang nag-utos sa'yong sumandal sa pinto so technically, it's your fault."
Hindi na nagulat si CK na nagmamatigas si Rod, hindi rin naman ito naging malambot sa kaniya noong nasa Paris sila. Ang hindi niya lang inaasahan ay ang pagsasalita nito ng tagalog na walang kahirap-hirap.
"What?" Tanong ni Rod ng tinitigan lang siya ng kaharap.
"Nagsasalita ka ng tagalog?" Gulat na ani nito.
"Hindi halata? Baka iba na ang description ng tagalog ngayon." Pambabara naman ng huli.
Hindi naman mapigilan ni Tintin ang sumabat dahil sa walang katuturang pagsasagutan ng dalawa. "Ano ba naman kayo, hindi na kayo mga bata para pag-awayan ang nangyari. Pwede ba magkasundo na kayo."
Humugot muna ng malalim na hininga si Rod na animo'y napapagod na sa paulit-ulit na pagpapaliwanag. "Tin, it's not my fault. I will not going to ask for his forgiveness because first of all, no one told him to be careless. It's his decision so it's his fault."
"Kung hindi mo sana binuksan kaagad ang pinto edi sana hindi ako natumba." Sagot naman ng isa.
"Alam mong hindi sandalan ang pinto. Kung sana nag-iisip ka, edi hindi ka sana nasasaktan. Ngayon naging kasalanan ko pa?"
"Kung hindi ka rin sana padalos-dalos sa galaw mo edi sana nasalo mo pa ako."
Hindi makapaniwala si Rod sa narinig. Siya? Sasalo sa kaniya? Kahit pa nga siguro boss niya ang matumba wala siyang balak na gawin 'yon. "Aba naman, ang kapal mo. Talagang naisip mo 'yon? Samantalang walang pagdadalawang-isip mo nga akong minura sa Paris. Wow ha." Sarkastikong paalala ni Rod na nakakuha sa atensyon ni Tintin.
"Uy! uy! uy! Anong Paris? Nagkita na kayo dati?"
"Nag-sorry ako. I offered you my help but you didn't accepted it. Ngayon ibabalik mo?" Sagot naman ni CK not minding Tintin's question.
"May nag-sosorry ba na nangmumura sa huli?" Rod rebutted.
"Hey wait." Pigil ni Tintin pero wa epek.
"Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit." Patuloy na pagdadahilan ni CK.
"Eh sino ba ang nasaktan?"
"Eh sino ba 'yong tatanga-tanga?"
"Eh sino'ng may gusto ng batok? Baka gusto niyo pag-umpugin ko kayong dalawa. Sinong nagsabi sa inyong balewalain niyo ako. Ha?" Malditang sabat ni Tintin na nakapagpatigil sa dalawa.
Marami siyang gustong itanong pero walang balak ang dalawa na tumigil para sagutin siya. Kung hindi lang niya kaibigan ang dalawang magkaharap kanina niya pa ito pinalayas sa opisina niya. Magtatanong na ulit sana siya ng biglang pumasok si Ricky na ikinasiya ni Rod.
"The boss wants to see you. His waiting in his office." Imporma ni Ricky.
"Hindi na ako magtatagal. I still have a meeting to attend. Mag-usap na lang tayo later." Paalam ni Rod bago deretsong lumabas.
Bago sumunod si Ricky sa pinagsisilbihan, dinaanan niya muna ng tingin ang lalaking naiwang nakaupo bago tinalikuran. And the way how Ricky looked at CK makes the latter grow an invisible irritation at the man. Hindi niya alam kung bakit, pero ayaw niya sa presensya ng lalaki lalo pa at parang lumiwanag ang mukha ng direktor pagpasok nito. If he's going to rate that man, he'll probably describe him as an average one. He's much more fashionable and handsome person than him. So why does he feels like he's no match to him?
Habang hindi pa rin kumakalma ang hindi maipaliwanag na iritasyon sa damdamin ni CK, hindi naman mapigilang mapalabi ni Tintin ng hindi man lang nakakuha ng sagot galing sa kaibigan.
"Hindi man lang nagpaliwanag." Bulong nito bago umupo sa iniwanang pwesto ni Rod. "Now, explain yourself."
Nalukot naman ang mukha ng kaharap ng talagang 'yon ang concern ni Tintin at hindi kung okay lang ba siya o 'yong balakang niya o kahit man lang sana ipinakilala niya 'yong lalaking walang galang na pumasok kanina.
"I'm still hurting." Reklamo ni CK bago ibinida ang paawa-effect-look kuno niya.
"Para kang timang. Ang laki-laki mo na pinipilit mo pa ring magpacute." Komento ni Tintin na inangalan niya.
"Hey, it's offensive. Kahit hindi ko gawin, cute pa rin ako." Tintin just shrugged her shoulders letting CK won. But, still insisted to ask what happen back in Paris.
"So ano nga? Nagkita na pala kayo hindi mo man lang sinabi."
"Malay ko ba kung sino siya? Ni hindi ko nga siya kilala."
"Hindi kilala pero may nag sorry at may nangmura?" Bakas ang pagkasarkastiko ni Tintin sa isinaad na nginitian lang ng kaharap.
Gustuhin man ni Tintin na pigain ang impormasyon kay CK, kailangan niyang maghanda para sa nalalapit na meeting para sa proyekto. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaang masahiin ng kaibigan ang sumasakit na balakang.
Five minutes before her meeting starts, kinuha niya ang mga gamit na kailangan niya bago inaya ang kaibigan na sumama sa kaniya sa meeting room.
"Come with me."
"Saan naman?" Balewalang tanong ng lalaki. "Kararating ko pa lang gusto mo na agad ako magtrabaho?" Dagdag pa nito.
"You want to achieve your dream right? Working with the legendary director. Ano pa'ng pinagpuputok ng butsi mo?"
"Kung 'yong Rod pala na 'yon ang direktor na tinutukoy mo, mas mabuti pa sigurong huwag na lang." Matigas na sagot nito na hindi naman pinaniwalaan ng kaibigan. She knows CK too much. And when it comes to his dreams, walang kahit na sinong makakapigil sa lalaki kapag may nakitang oportunidad.
"Sigurado ka? Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga." Pang-aasar niya na lang. She ought to have CK as the main lead character of the story at hindi siya papayag na hindi mangyari 'yon kaya sa ayaw at gusto ng binata, wala itong nagawa kundi ang paika-ikang sumunod sa kaniya papunta sa meeting room kung saan naghihintay ang ilan sa mga mabibigat na taong bumubuo sa BMG.
Whether pilitin man siya ni Tintin o hindi, working with Rod is really his big dream for the moment. At para matupad 'yon, kaya niyang tapakan ng kaunti ang pride at ego niya, not knowing na ang ang kaunti ay magiging napakalaking problema para sa kanilang dalawa. Wala naman siyang magagawa. Trabaho niya ang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
His Touch
FanfictionAn angelic but strict director fall inlove with a playful and badass actor