20

2 1 0
                                    

It's three in the morning when the two of them feel sleepy. Unang pinapasok ni CK si Rod sa kwarto dahil magliligpit pa siya. Agad naman tumalima ang direktor. Nang makarating sa kwarto, wala sa sariling napangiti siya habang nakasandal sa pinto. His heart feels light, warm and comfortable. He doesn't believe in the saying 'butterflies in the stomach', pero hindi niya maipagkakaila ang kiliting nararamdaman niya sa tuwing iniisip niyang iba ang trato sa kaniya ng aktor. Ayaw man niyang lumagpas sa pagiging asyumera, hindi niya naman mapigilan ang sarili. Idagdag pa ang maya't mayang pagtititigan nila na kung hindi lang talaga niya iniisip na tuwid pa sa ruler ang kaharap ay talagang sa ibang bagay nila inubos ang oras kanina.

Mag-i-imagine pa sana siya ng ilang oras kung hindi lang siya natulak ng nakasaradong pinto.
"Uh...okay ka lang?" Bungad agad sa kaniya ni CK.

"Yeah." Labas sa ilong na sagot nito. Pinangunutan pa muna siya ni CK ng kilay bago inalalayang tumayo.

"Sa susunod huwag ka ng iinom ng marami sa labas. Hindi mo mamamalayang ginagawan ka na pala ng masama dahil sa kalasingan." Pangaral nito na nagpasimangot lang sa kaniya. Hindi naman na siya lasing. Oo at nahihilo pa siya pero kaya niya naman. Tsaka ilang baso lang din naman 'yong pinagsaluhan nila kanina kaya bakit nangangaral na naman si CK? "Pasalamat ka at maaga akong nakarating." Rinig niya pang dugtong nito na siyang nakapagpainis sa kaniya. Ang kaninang kilig na nararamdaman ay napalitan ng inis. Akala pa naman niya makakatulog siya ng may ngiti sa labi pero mukhang hindi na 'yon mangyayari.

"Oo na. Salamat sa 'yo." Matigas na ani nito bago inirapan ang kaharap.

Naiinis siyang agad na napalitan ang kilig na naramdaman kani-kanina lang pero mas lalo pa yata siyang nainis ng makita ang multo ng ngiting nakadikit sa mukha ni CK bago siya talikuran para ayusin ang higaan.

Malaki naman ang higaan, kasya kahit tatlong tao. Pero ayaw na ayaw niyang may katabing matulog. Hindi niya alam kung dahil ba sa nakasanayan niya na kaya ayaw niyang matulog katabi si CK o dahil sa kabang hindi niya alam kung saan nanggagaling. Saan naman siya matutulog kung sakali? Sa sofa? E maliit ang sofa. Oo at hindi kalakihan ang katawan niya pero maliit pa rin ang sofa kumpara sa kaniya. Mas lalo naman kay CK. Komento niya sa isip ng masulyapan ang nakatalikod sa kaniya.

"It's done. Let's sleep." Anunsyo nito bago naunang mahiga sa pwesto nito. Ng mapansing hindi man lang siya gumagalaw sa kinatatayuan ay saka pa lamang nag-angat ng tingin si CK. "Hindi ka pa matutulog?"

"Where should I sleep?" Alanganin nitong tanong. Tinatantya ang magiging reaksyon ng kaharap.

Tiningnan ni CK ang pwesto sa tabi bago ibinalik ang paningin sa kaharap at pabalik ulit sa tabi na para bang sinasagot nito ang obvious na tanong niya.

"What I mean is.... I don't sleep with someone on the same bed." Pahina ng pahinang imporma niya. Yes he's a flirt when he's not a director but never did he once sleep with someone. Kung may nangyayari man, iniiwan niya ito pagkatapos. After all hindi naman siya ang nawasak kaya hindi problema sa kaniya ang umuwi sa sariling condo pagkatapos maglabas ng init sa katawan.

"So you want to sleep on the sofa rather?"

Kunot-noong tiningnan niya ito. "It's a common etiquette for an owner to offer the bed to the guest, right?" Bakit siya ang matutulog sa sofa? Dapat 'yong may bisita ang nag-aadjust.

"Kaya nga. Here." Tinapik-tapik pa nito ang higaan sa tabi niya. "I am offering you my bed. After all you are a guest here."

"I mean... I sleep on the bed while you sleep on the couch." Tinitigan pa muna siya ni CK na parang isang malaking kalokohan ang sinasabi niya. "I can't sleep with someone on the same bed after all."

"Oh so you want me to adjust?" Ngingiti-ngiti niya naman itong tinanguan. Madali naman palang kausap. "Kung ayaw mo ng may katabing matulog, pagkasyahin mo 'yang sarili mo sa sofa." Agad nalaglag ang ngiti niya dahil sa narinig. Binabawi niya na ang sinabi. Hindi pala madaling kausap ang kaharap.

"Don't be so rude." Komento niya.

"I'm not rude okay? I invited you to sleep on the bed, but you want me to sleep in the couch. Hindi ako nag-aadjust sa bisita Rod. Hindi ako mag-aadjust sa 'yo." Diretsong imporma nito ngunit sa pagtawag ng pangalan niya lang napako ang atensyon niya.

"Ano?" Tanong nito. Gusto niyang ulitin ni CK ang pagtawag sa pangalan niya pero mukhang iba ang intindi ng huli.

"C'mon, it's already dawn. Issue pa ba talaga sa 'yo kung may makatabi ka? Yesterday's a long day. Hindi pa tayo natutulog. Both you and me. We already need to rest."

"Kaya nga."

CK heave a deep sigh first before staring at him straight in the eye. "Nag-aadjust ka sa bisita mo?"

Nagtataka man, sinagot niya pa rin ang tanong nito. "No—"

"See?"

"No because I don't accept visitors."

"What?" Laglag pangang pagkaklaro ni CK. Hindi naman 'yon kagulat-gulat ha. Bakit parang big deal?

"Sige na CK. Kahit sa iyo na 'yang comforter hindi ko na ipagkakait sa 'yo. Lumipat ka na at ng makapagpahinga na tayo." Utos niya na nginisihan lang ng kaharap.

"Nakikita mo 'yang sofa? Mas magkakasya pa nga 'yang katawan mo kapag inihiga mo sa akin tapos ako patutulugin mo diyan? Kung ayaw mo ng may katabi, edi d'yan ka matulog." Pagtatapos nito sa usapan ngunit wala doon ang isip niya. Paano nagagawang magsalita ng lalaking ito ng ganoon ka-deretso na para bang hindi malaswa ang sinasabi nito. O malaswa nga ba? Tinitigan niya pa muna ang nakatalikod sa kaniya bago ibinalik ang isip sa salitang binitawan nito. Mukhang hindi naman apektado si CK.. sa kaniya lang naman naging big deal ang sinabi nito.

Tinapunan niya muna ng masamang tingin ang lalaki bago padabog na lumapit sa sofa. Ano pa bang magagawa niya? Tama naman ang lalaki. Sa laki ba naman ng mga muscles niya, malamang hindi siya magkasya dito. Pwersahan niyang isiniksik ang sarili sa sofa. Mahirap at hindi siya komportable pero hindi 'yon sapat para tumabi siya sa natutulog na aktor. Napasimangot na lang siya habang tinititigan ang likod nito. Ng magsawa ay saka niya lang napagdesisyunang ipikit ang mata. Ngayon niya lang naramdaman ang sobrang pagod sa katawan. Kung hindi lang siya pinahirapan ng aktor sa mahihigaan paniguradong kanina pa siya nakatulog.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakapikit pero hindi pa tuluyang nahihila ng antok ang diwa niya dahil sa isang tanong na kanina pa namamahay sa utak niya. Ano nga kaya ang pakiramdam mahiga sa katawan ng aktor? Masarap ba o mahirap? Mahirap dahil matigas o kaya masarap dahil matigas? Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan niya bago itinapon ang mga tanong sa kawalan. He badly needs to rest. He's whole body is exhausted from a long, long night. But before darkness finally envelope his whole existence, he heard a sound—no, rather a voice. Hindi niya alam kung guniguni niya lang o panaginip but it only takes seconds bago niya naramdamang dinuduyan siya then everything went black.

"Tigas talaga ng ulo." Ngingiti-ngiting bulong naman ni CK ng matagumpay na nailipat ang direktor sa kama. Alam niyang mahihirapan itong matulog sa sofa. Ayaw niya lang magtamo ito ng sakit ng katawan paggising.

His TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon