Since ilang days na lang at last day na ng school year, wala na kami masyadong ginagawa.
At eto ang nangyayari ngayon, Homeroom ng klase. Third year nga pala ako.
Busy yung adviser namin dun sa teacher's table. Nag-lalaptop. Malay ko ba kung ano ginagawa niya dun. Basta kami dito sa likod, masaya! ^___^
Yun nga eh, kaming apat eh dito sa likod nakaupo kaya rak kami palagi dito. \m/ At kasalukuyan namin napagkekwentuhan ang love life ng isa't isa.
"O-oy. Napanood niyo ba yun? Yung kung paano sinabi ni Josh na mahal niya ako, on national TV guys!" sabi ni April. Ang saya lang niya ah.
"Ang saya mo ah." sabi ko kay April. Yung tawa niya kasi. Nakakahawa.
"Christine, ikaw naman magkwento, wala pa akong alam tungkol sa love life mo eh." si Marj pala. Si Marj na sobra palang nasaktan sa baboy na nanankit sa kanya. -____- sarap kaya sapakin nung lalaking yun.
"Oo nga!" Si Sheila naman.
"Sige sige. Ganito kasi yun..."
(Parang flashback)
THIRD PERSON'S POV
Grade 6 si Christine nun. Sabi nila bata pa siya para magkaron ng boyfriend, pero para sa kanya hindi. Kasi malaya naman siya eh, at pinili niya magmahal ng ganito kabata.
Oo, may boyfriend na si Christine nun. Classmate niya.
Mahal na mahal niya ang lalakeng yun. Itago natin sa pangalang BOY. ^__^ O diba? Kakaiba?
Araw-araw silang magkasama. Araw-araw nilang pinaparamdam ang pagmamahal sa isa't isa. Si boy? Madali niya nakuha si Christine kasi noon pa man mahal na ni Christine si boy.
Dumating ang araw na graduation na nila. Whew. Kailangan na nila lumipat sa High School. Pero sa araw na dapat masaya ang lahat, yung ang araw na pinaka-ayaw ni Christine...
dahil yun ang araw na nawala si boy sa buhay niya.
To: Christine
Sorry. Hindi ko alam kung bakit pero... Sorry, tigil na natin 'to. Let's break up.
Agad tumulo ang luha mula sa mata ni Christine habang sinasagawa ang graduation ceremony para sa mga Grade 6.
Hindi maintindihan ni Christine kung bakit bigla na lang ganun. Hinanap ng mata niya si boy. Nakita niya si boy na nakaupo malayo sa kanya. Nakangiti pa ang lalaki parang walang nangyari. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.
"Ang manhid niya. Hindi niya ba alam kung gaano ko siya kamahal?" Yan na lang ang nasabi niya sa sarili niya nung araw na yun.
---
1st year high school. Lumipat ng school si Christine. Sabi kasi ng parents niya mas maganda sa school na lilipatan niya eh.
Dito niya nakilala si April ang bestfriend niya ngayon.
Madali silang naging close ni April kasi palagi silang magkasama. They spent most of their time together.
Isang araw, habang namamasyal sila sa mall. Sa kasamaang palad... nakasalubong niya ang ex niya.
"A-april. CR tayo." sabi niya kay April.
Tumango naman si april at sinamahan si Christine. Nagulat si April kasi pagdating nila sa CR, umiyak si Christine.
"Bakit ngayon pa? Hindi ko maintindihan sarili ko! Sabi ko kakalimutan ko na siya eh. Pero bakit ganun? Akala ko moved-on na ako pero hindi pa pala. Akala ko lang pala ang lahat!"
Wala nang nagawa si April at niyakap na lang si Christine. Ramdam naman ni April ang sakit.
---
Lumipas ang isang taon at tuluyan nang naka-move on si Christine. Sabi niya parang sakit lang ang pagmamahal, minsan mawawala kasi may gamot pero minsan bigla na lang babalik. Pero ngayon tanggap niya na na wala na talaga sila ni boy. Kahit nung 2nd year lumipat din sa school na pinapasukan niya si boy, nakaya niya.
Walang kibuan.
Hindi sila nag-uusap.
Hanggang sulyap na lang sila sa isa't isa.
(End of parang flashback)
BACK TO CHRISTINE'S POV
"OMG. Kaya pala kapag napunta yung section nila dito sa classroom natin kung makagalaw ka eh, ang awkward." Sabi ni Sheila. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang taong pumasok sa isip ko. Hindi yung kinekwento ko kanina.
"Ah. Oo. Pero wala na yun!" Nginitian ko sila para malaman nila na wala na talaga yun sakin. :)
---
DISMISSAL
Finally. Tapos na din ang araw na 'to -___- Bukod kasi sa Homeroom namin kanina may iba pa kaming subjects.
Guess what?
May tinuturo pa din ang teachers namin! TT____TT Hello? Ilang araw na nga lang last day na eh! Turo pa din? Hindi ba sila naaawa man lang samin? Nakakainis ah.
"anong balak mo sa summer christine?" tanong ni April.
"Malay ko. Internet?" ^_________^V
Pagkasabi ko kay April nun, nahagip ng mata ko ang lalaking hindi ko kilala. Ehem. Yes, yung ex ko.
"OY! Marj! Kasama nung baboy yung ex ni Christine!" -_____- April! Kailangan pang isigaw? Kailangan ibroadcast? Eh ang malala tinuro pa nitong si April!
Napatingin ako kay Marj na naka-poker face na din. =3=
Pagkababa namin. Agad naman ako dumiretso sa service namin.
Buti na lang pagkadatin ko dun eh kumpleto na kami, ako na lang pala ang hinihintay.
Nakaupo na pala si Arbie. Hinihintay na lang ako sumakay kaso si Arbie mukhang tulog...
Tinitigan ko siya...
O_____O
>___<
Mali eh, nakakainis! Kaya kinulbit ko na lang.
"Ay-ay. Andyan ka na pala." tumayo naman si Arbie at pinapasok na muna ako.
Umupo na ako. At ayun umalis na ang service.
Habang unti-unti nang nababawasan ang laman ng service, napapalingon ako sa katabi ko. Wala na kasi siyang katabi eh. I mean diba nasa gitna kasi siya? Kasi tatluhan 'tong nasa gitna dito sa van. Eh ayun nakatulala si Arbie sa may bintana.
Tinitignan ko lang siya.
Yung buhok niya ang napaka-attractive sa buong physical appearance niya. :)
WAIT Anu ba 'tong nangyayari sakin? -_____-"
O____O
-(O____O-) Lingon sa kabila.
Eh kasi naman! Bigla siyang lumingon. >__< Ang awkward kaya.
Pero bakit ganito, feeling ko namumula yung mukha ko? >/////< Pero kailangan kong pigilan 'to.
Poker face. =______=
BINABASA MO ANG
Last day of school
Teen FictionA SHORT STORY WRITTEN BY: weirdcheesecake :) "Ang kahit anong tulad nito sa ibang istorya ay isang coincidence lamang. Ang storyang ito ay isang kathang-isip lamang ni weirdcheesecake. Inuulit ko, ang pagkakatulad ng scenes, characters, setting sa i...