2 days to go

33 2 1
                                    

Nakasakay ako ngayon sa service. Papasok na sa school.

Ganito ang routine ko tuwing umaga. Ang maganda nga eh nakabukas ang bintana sa van ngayon, hindi kasi nag-aircon ang service driver eh. 

Maganda gising ko ngayon eh. 

Pangitingiti pa ako habang nakalabas mukha ko ang hangin din kasi. ^____________^

Naramdaman ko na lang na tumigil na yung service. Pagtingin ko, nasa bahay na pala kami nila Arbie. Sasakay na siya. Bakit naman ako naging ganito.

Nakatingin lang ako sa pintuan ng van. Hinihintay na bumukas yun. BAKIT!!! WAH. Nevermind, human nature na yun no, nasanay akong lagi ko siyang tinitignan eh!

Naamoy ko naman agad siya. Amoy safeguard. Yung sabon. But in a good way. Grabe talaga. 

Tapos nakataas pa yung buhok niya, ibig sabihin naka-gel siya ngayon :""> GWAPO.

Ang angas niya tignan. 

Astigin.

Gwapo :">

At ayun, umupo na siya sa tabi ko. Kunwari hindi ako nakangiti. Oy, hindi naman crush agad yung nagwagwapuhan diba? :P Sige kayo mag-assume. Bleh!

Bigla kaming may nadaanan na tiga-ibang school. Babae. 

Ang panget naman. -____-

Lumingon ako kay Arbie. WHAT THE---

Nakatingin siya dun sa babae! >__< Tiga dito yun! Malapit sa kanila...

gusto niya ba 'tong babaeng 'to?

Baka girl friend niya? .__.

Psh. Parang imposible naman yun!

Ilang minutes nakarating  na din kami sa school. YIS.

Nag-babaan na yung mga kaservice ko. Ako hindi pa kasi nakaharang pa si Arbie. 

Nauna na siyang bumaba.

Ito nanaman si Arbie. Bumaba na ako. Siya? Hinihintay niya akong makababa. 

Siya nag-sara nung pintuan ng van.

Guess what? Sanay na ako. Lagi niya yun ginagawa. Araw-araw. Minsan nga lang nakakalimutan niya kasi nagmamadali siya.

Umakyat na ako papuntang classroom.

Pagpasok ko wala pa masyadong tao...

"CHRISTINE! Ano yung nakita ko ha?" Sheila -___-

"Ano yun?" tanong ko.

"HA! May pagkagentleman pala yung Arbie na yun nuh!" O___O

"N-nakita mo yun?"

"Oo naman! Kitang-kita ko!" feeling ko nag-blblush na ako. Pero hindi pwede. Hindi nga dapat eh.

"Kinikilig ka naman!" Sabi ni Sheila.

"Hindi. Hindi ako kinikilig no." sabi ko na lang para matapos na.

Hindi naman kasi talaga..... ata?

--

RECESS 

Tambay kami ngayon sa canteen. Wow, tiga kanto lang ang peg? Joke. 

Nakaupo na kami ngayon. Syempre nakain ng masarap na carbonara na luto ng canteen. Thank you Ate's and Kuya's!

Kasama ko si April at Sheila. May sinasabi sila, nagkekwentuhan sila pero hindi ako nakikinig. Masyado ata akong masaya para makinig sa walang kwenta nilang pinag-uusapan. ^___^

Last day of schoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon