Last day na namin ngayon TT____TT
Bakit kung kailan last day dun ko lang nalaman kung sino ba talaga crush ko?
At dun ko lang nalaman na may crush pala ako!?!
Saklap naman nito oh.
Kaninang umaga...
Napatitig ako kay Arbie. Pinagmasdan ko siya. Natutulog kasi siya eh.
Ugh. Yung kakaibang feeling na 'to. Ang bilis ng tibok ng puso ko eh.
Cold lang si Arbie sakin ngayon.
Malay ko kung anong nangyari, kung ano nagawa ko, pero ang totoo, bigla na lang siya hindi namamansin. Hindi na niya ako kinakausap ng ganun ka tagal, just small talks about classes, grades and ranking. Yung trato niya sakin hindi katulad ng sa ibang babae niyang kaibigan na lagi niyang inaasar. Iba. He's cold to me. Napansin ko yun. Parang sakin niya lang yun ginagawa.
I remeber nung cotillion namin nung JS Prom. Kailangan mag-chain, yung iikot at madadaanan mo lahat ng lalaki at mahahawakan mo ang kamay nila.
Kasama ex ko dun, pero ayos lang pag sa kanya.
But siya? Nung nadaanan ko siya, nung siya na, alam ko hindi abot ng music pero...
Naka-tingin lang siya sakin and he didn't even dared to touch my hand. </3 Saklap bro.
And I remember ...
Nung Second year kami... Classmates kami. Seatmates din. Medyo crush ko pa siya nun eh. Kaya sobrang kilig to the bones ako.
One time, he borrowed my Biology book. Ang kapal kapal ng Bio book namin! So I need to highlight some things na important.
Eh he borrowed nga diba? Kaya hindi ko ma-highlightan.
Pero kailangan talaga kaya...
"Wait. May hahighlightan lang ako." sabi ko sa kanya. Naka-ready na ako.
"Ako na lang. Alin ba dito?" Kinuha niya yung highlighter ko. Tinuro ko sa kanya yung mga kailangan highlightan.
Isang beses din nung magkatabi kami... pinapatunog ko yung kamao ko. Alam niyo naman siguro yun diba?
Random lang yun, naging habit ko na din kasi.
Naramdaman kong nakatingin siya sakin.
"Kaya mo yung sa thumb?" sabi niya bigla. A-ako?
"Hindi eh."
"Akin na." Kinuha niya yung kamay ko. O/////O
Inintertwine niya bigla yung fingers namin. Tapos pinapatunog niya yung buto ko sa thumb.
Wala akong masabi nun. Nakangiti lang ako. Hindi dahil sa napapatunog ko na yung buto ko sa thumb pero dahil magkahawakkamay kami! >///////<
Busy ang teacher namin nun.
Ang awkward talaga kasi baka biglang tumingin yung english teacher namin na tsismosa at pagsabihan kami bigla. Buti na lang patapos na pala yung klase nun.
Nabitin ako nun eh.
Inaasar niya din ako dati dahil sa mataba kong cheeks. Lagi niyang kinukurot yun dati. Tapos sasabihin niya, "Ang cute cute mo!"
Tapos din nung groupings. Eh dun kami pinwesto ng teacher sa malapit sa board. Ito yung mga panahon na sabi ko wala na akong masyadong crush sa kanya.
Umupo ako sa platform.
Ng biglang umupo siya sa tabi ko. Ang luwag kaya ng circle sa floor at sa tabi ko siya tumabi. O____O
BINABASA MO ANG
Last day of school
Teen FictionA SHORT STORY WRITTEN BY: weirdcheesecake :) "Ang kahit anong tulad nito sa ibang istorya ay isang coincidence lamang. Ang storyang ito ay isang kathang-isip lamang ni weirdcheesecake. Inuulit ko, ang pagkakatulad ng scenes, characters, setting sa i...