CHAPTER 3

199 5 2
                                    

[ CHAPTER 3 : DREAM ]

˚˖𓍢ִ໋🌷͙֒✧˚.🎀༘⋆

Sa isang malawak na hardin, naghahabulan ang isang lalaki at isang batang babae. Sa tingin ko'y anak ng lalaki ang bata. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung lalaking nakita ko sa kwarto.

"Papa! Catch me if you can!" Matinis ang boses na sigaw pa ng bata

Her pale lavender hair danced along with the wind, as her eyes, a mixture of purple blue and black that looks like galaxy, glimmered in happiness.

Napahinto ang lalaki sa pagtakbo upang maghabol ng hininga. "Aafje! Don't run too fast," nag-aalalang paalala pa nito sa anak ng makitang mayroong mabatong parte ng hardin

Hindi ko alam kung bakit naiintindihan ko na ngayon ang lalaki gayong nagsasalita naman ito ng kakaibang lenguwahe.

Hindi ko na iyon napagtuonan pa ng pansin dahil ilang sandali pa'y umalingawngaw ang iyak ng bata sa buong hardin dahil sa pagkakasapid nito sa bato.

Ihahakbang ko sana ang aking mga paa upang lumapit sa bata at tulungan ito, ngunit napagtanto kong hindi ko ito maigalaw. Para bang nakapako ang aking paa sa kinatatayuan ko.

Mukha ring hindi ako ngayon nakikita ng lalaki maging na ng bata. I can see them but they can't see me.

Bago pa makalapit ang lalaki sa anak niya ay may sumulpot bigla na dalawang batang lalaki. Inalo nila ang bata at ilang sandali nga lang ang tumahan ito.

Darkness engulfed the surroundings, the scene that I saw earlier faded and was replaced by a new one, and another, and another different scene. Sa mga senaryong iyon ay naroon ang batang babae kasama ang kaniyang pamilya.

I'm dreaming. I am aware of the fact that I am dreaming.

However, this dream is not made by my imaginative brain, it seems like I'm watching a movie out of someone's memories. The memories of that innocent looking girl, Aafje, as they call her.

Kompleto at masaya ang kanilang pamilya. Siya lang ang nag-iisang babaeng anak kaya naman ay pinakainiingatan talaga siya ng kaniyang pamilya, mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki at mapagmahal na mga magulang.

Muling nag-iba ang lugar. Nasa isang magarbong silid sila ngayon, malawak ang espasyo sa loob at kasyang-kasya talaga ang napakaraming tao na nandito. It's Aafje's 12th birthday. They celebrated her birthday with the people working under her family.

Napangiti ako sa nasasaksihan kong eksena ngayon. Her parents and brothers gave her presents. A wide smile was carved on her lips, and it adds up to her cuteness. All the people who witnessed her sweet smile, can't help but also smile. Paano'y nakakahawa kasi ang ngiti ni Aafje.

Akala ko ay matatapos ang kaarawan niya ng masaya.

Ngunit sa sunod na mga pangyayari ay napuno ng takot ang aking sistema dahil sa aking nakita. Kahit na nanonood lang ako at nanatili sa kinatatayuan ko ay hindi ko maiwasang hindi mangamba para sa kaligtasan ng bata.

Bandang alas nueve ng gabi ay parang wala siya sa sariling lumabas ng kanilang mansiyon at nagtungo sa gubat na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Para siyang nags-sleep-walk sa lagay niya.

I watched the scene with a feeling of helplessness. I can sense the danger every passing second, yet, I can do nothing but watch.

She ventured deep in the woods and now, she's surrounded by ugly looking creatures and two unidentified person clad in black cloaks. Their face are well hidden.

The two approached Aafje and before they can touch even a single strand of her hair, a fox with a blazing fur appeared and attacked them. A fight between two humans and a beast occured.

Sa pagsisimula ng laban ay saka palang tuluyang nagising at natauhan ang batang si Aafje. Naguguluhang inilibot niya ang tingin sa paligid. Sa tulong ng maliwanag na buwan ay nagawa niyang makita kung nasaan siya.

Sa paglilibot ng kaniyang paningin ay dumapo ito sa kaniyang contacted beast na nanghihina at may malalalim na mga sugat ang katawan. The beast was at a disadvantage. Agad siyang nataranta at nilapitan ito upang tulungan, na sana'y hindi niya ginawa.

Ang isang bolang apoy na tatama sana kay Phyra ay nasalo niya at tumama ito sa kaniyang ulo. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay nakita ng dalawa niyang mga mata ang tuluyang pagkamatay ni Phyra.

I stared at the scene in disbelief and horror. I just witnessed a murder right in front of my face!

And the suspects are so calm and relaxed even after killing a kid!

But is the girl really dead?

Before I can get an answer a sweet voice whispered in my ears. Natuod ako sa aking kinatatayuan at hindi malaman kung ano ang aking mararamdaman sa oras na ito. Para ako ngayong nasa isang horror movie, at kung magagawa ko lang ay kanina pa sana ako tumakbo palayo dito.

"Please take care of my family, Alfia. I hope you can also haunt down who killed Phyra and me. Kill them. Avenge my death, Alfia. Avenge our death," bulong pa nito at medyo nangilabot ako dahil biglang nag-iba ang boses niya sa huling salitang kaniyang binitawan

Nag-eecho ngayon ang boses niya sa buong gubat. "Alfia, avenge my death! Avenge our death!"

Parang nakikiayon pa ang mga ulap at tinakpan nito ang buwan na nagbibigay ng liwanag, dahilan upang dumilim ang paligid. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan at binalot na talaga ako ng takot. Idagdag pa ang mga nakakakilabot na tunog na gawa ng mga halimaw na nagtatago sa dilim.

Lilingon na sana ako upang malaman kung sino ang pinanggalingan ng boses, pero bago ko pa man iyon magawa ay tuluyan na akong nagising.

Hinihingal akong napabangon mula sa pagkakahiga. Nakatingin lang ako sa kawalan, ni hindi ko alam kung kumukurap pa ba ako ngayon.

It's a dream. It's just a dream.

Pero ang mga nakita ko sa panaginip na iyon ay totoo.

She died on her 12th birthday.

I died at the age of 21 years old.

Her killers are unknown.

Sa akin ba, namatay ba ako dahil sa sakit?

Or because someone secretly killed me?

Pero sino?

Sinong may kakayahang gawin ang bagay na iyon? Wala naman akong kaaway maging ang pamilya ko.

Coincidence lang din ba na nabuhay akong muli at sa katauhan pa talaga ni Aafje? O may misteryo sa likod nito?

Avange my death.

Avenge our death.

How can I, Aafje? This is not the world where I died. This is a whole different world, away from where I came from. Paano ko maigaganti ang pagkamatay ko?

Do you perhaps know something that I don't, Aafje?

My Next Life as a Side Character Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon